Kinuha niya ang kaniyang cellphone upang tawagan si Harry. Kahapon niya pa itong tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang kaniyang mga tawag. "Hello, Harry. Kumusta?" bungad niya rito ng sagutin nito ang kaniyang tawag. "Hello, Madam. Ok naman po. Hindi ko nasagot tawag mo kahapon, dahil may importanteng pinuntahan ako. Bakit kayo napatawag, Madam?" tanong nito. Medyo matamlay ang tono ng pananalita nito. "Ah, okay lang Harry. Anyway, kung hindi ka busy, puwede ka bang pumunta ngayon dito sa opisina ko? May pag-uusapan lang tayo," wika niya. "Tungkol po ba saan, Madam?" tanong nito sa kaniya. Hindi niya puwedeng sabihin rito na ang pag-uusapan nila ay tungkol rito at kay Chelsea dahil tiyak na hindi talaga ito pupunta sa opisina niya. Ano ba ang sasabihin ko sa kaniya? "Tungkol

