Nasaan na kaya si Harry? Sabi niya pupunta siya ngayon hapon dito sa opisina. Sabagay, Mag-aalas dos pa lang naman kaya maaga pa. Naku, sana naman magkasundo ang dalawa dahil pati ako ay nadadamay. Aniya. May kumatok sa pinto kaya napalingon siya. It's Harry! Lalaking-lalaki ang dating nito dahil sa panlalaming suot nito. 'Wag na 'wag lang talaga siyang maglakad dahil sira talaga ang kagwapuhan at porma niya, grabe kumembot, eh. "Good afternoon, Madam!" bati nito sa kaniya. Tumungo ito sa upuang nasa harapan ng table niya at naupo. "Good afternoon din, Harry. Mabuti naman at dumating ka na, akala ko kasi hindi ka na pupunta rito, kanina pa akong naghihintay sa 'yo, eh," wika niya. "Traffic, eh," pakli nito. "Hmm. Anyway, 'yong mga dress nga pala, hayun!" sambit niya habang nakaturo

