Pagsapit ng alas singko ay bihis na bihis na nagpaalam ang kaniyang mga magulang at ang kaniyang kapatid. Napakunot siya ng noo dahil hindi man lang siya nito niyayang sumama. "Yoona, aalis na kami. May pupuntahan kaming party," paalam ng kaniyang ina. Nasa sala siya at busy sa panonood ng television. "Party po? Bakit hindi ninyo man lang ako niyaya?" takang tanong niya rito. Nagtatampo siya dahil hindi man lang siya naisipan ng mga ito na yayain. "Anak, dito ka na lang sa bahay dahil kailangan mong magpahinga. Bukas, nasa opisina ka na naman," pakli ng kaniyang papa. "Oo nga, Ate. Dito ka na lang sa bahay, magluto ka rito para pagdating namin mamayang gabi ay may hapunan kami," sabad ng kaniyang kapatid. Napasimangot siya ng mukha, "Nakakainis kayo ng sobra! Nakakatampo rin ka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


