"Chelsea, ma-mi-miss ka namin! Hindi ka na ba talaga papipigil?" bulalas niya habang busy ito sa paglagay ng gamit sa box. "Madam naman, gusto mo bang manganak ako rito nang sa opisina mo?" "Siyempre hindi, kaya nga sabi ko, umalis ka na, e! O, dapat palagi kang online sa social media para kapag may kailangan si Maddie, madali ka niya ma-video call," bilin niya rito. "Yes, Madam. Sa wakas makakapagpahinga rin ako. Medyo kasing sumasakit ang tiyan ko kapag araw-araw akong pumupunta rito," wika nito. "Ganiyan talaga kapag buntis, mabilis mapagod. Pero rin namang palagi na lang na nakaupo kasi mamamaga 'yang mga paa po," sabi niya. "Ate?" tawag sa kaniya ni Avery kaya napalingon silang tatlo sa may pintuan. Sandaling napatulala si Avery nang makita niya ang nakangiting si Maddie.

