Tinawagan niya ang kaniyang boyfriend upang tanungin ito, kung may alam tungkol sa pagpalalaya sa kaniyang ama. "Hello, mahal ko," bungad sa kabilang linya. "Hello. How's your day, mahal ko?" tanong niya. "I feel so happy, lalo na ngayong narinig ko ang boses mo. How about you?" tugon nito. "Masaya rin, katulad mo. Nabawasan na ang iniisip ko, e. Sobrang sarap sa pakiramdam na in loved sa iyo, araw-araw," napangiti siya at bahagyang kinilig. Rinig niyang napangiti rin ito, "Hmm. You're right. Wanna date with me?" "Saka na mahal ko. Naku, nag-usap pa lang tayo tungkol diyan, mukhang nakalimutan mo, 'no?" "Oo nga pala. I keep on missing you in just a blink of my eyes. I want you to be here with me. Pwede ba kitang puntahan diyan, ngayon? Please..." wika nito. Tono pa lang ng pa

