"Madam, may sulat ka po galing daw kay Attorney Mondragon," bungad ni Chelsea sa kaniya sabay abot ng sobre. Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay, "Sulat? Galing kay Attorney Mondragon?" Dali-dali niya iyong kinuha sa kamay ni Chelsea. Binuksan niya kaagad ang sulat at binasa. Nang mabasa niya na ang letter ay napalukot siyang muli ng kaniyang noo. "Is there something wrong, Madam?" "Wala naman. Nagtataka lang ako kung pinapapunta ako sa opisina ng abogadong ito, kasama sina Mama at Avery. Alam ko na siya ang nag-aayos ng lahat para makalaya si Papa," bahagi niya. "Baka makakalaya na talaga ang iyong ama." "Hindi ko alam," maikling tugon niya. "Madam, malalaman mo 'yan kapag nandoon na kayo. 'Wag ka na munang ma-stress diyan, sayang ng beauty mo!" pakli nito. "Sabagay.

