"Oh, Chelsea, kumusta? Mabilis ba siyang matuto?" tanong rito. "Oo naman, Madam. Dalawang araw pa lang siyang tinuturuan ko pero marami na talaga siyang natandaan. Alam mo, number one fan mo pala ang dalagang iyon. Pinagbubutihan niya talaga para makapasa raw siya sa evaluation at talagang gustong-gusto niyang magtrabaho bilang sekretarya ninyo," kuwento nito. "Sabi niya nga sa 'kin. Siya nga pala, nasaan na siya?" tanong niya. "Nauna na pong umuwi. Hindi ba, dapat five o'clock ang uwi niya kasi training palang naman, e." "Oo, nga pala. Kumusta ka naman? Hindi ka pa ba nahihirapan? Baka mamaya, baka kung mapaano ka," pakli niya. "Ayos lang ako, Madam. Kaya ko pa naman hanggang sa katapusan ng buwan na ito," tugon nito. "Sa loob ng isang linggo kapag natuto na si Maddie sa ibang

