"Maddie?" tawag niya rito. Maaga siyang pumunta ng opisina upang kunin ang sobre na binigay ng abogado. Nakalimutan niya kasi itong ilagay sa shoulder bag niya. "Yes, Ma'am?" Lumapit ito sa kaniya. "Wala pa ba si Chelsea?" "Wala pa po, Ma'am. Baka mamaya pa po darating iyon, maaga pa naman po, e," tugon nito. "Sige, ikaw na muna ang bahala rito, ha? Aalis na ako kasi dadaanan ko pa sila Mama. Tamang-tama tapos na iyon magbihis," bilin niya. "Sige po, Ma'am. Ingat po kayo," pakli nito sa kaniya. Paglabas niya ng kaniyang opisina ay dire-diretso siya patungo sa kaniyang kotse. Pinaharurot niya kaagad iyon patungong bahay nila para sunduin ang kaniyang kapatid at ina. "MAMA, nandiyan na po si Ate!" bulalas ni Avery nang makita ang kotse sa labas ng gate. "Tara na po!" muling hiyaw

