"...may sakit ang asawa ko noong time na iyon. Nagmamadali akong pumunta sa hospital dahil may taning na ang buhay ng asawa ko, anytime ay puwede siyang mawala. Sa pagmamadali ko, hindi ko napansing may batang patawid ng kalsada kaya sa madaling sabi ay nabangga ko siya ng aking kotse..." Napaiyak si Yoona sa narinig niya. Pero bakit inamin ni Papa na siya ang nakabangga sa batang iyon? Napatakip na lamang ng bibig ang ina ni Lune Bleue habang napaluha rin. Kinamuhian nila nang sobra ang pamilyang Vergara pero hindi naman pala talaga ang padre de pamilya nito ang nakabangga. "What the hell is happening?! Pa... paanong nangyari..." "Mrs. Laurent please... patapusin ninyo po muna ang video dahil lahat ng katanungan ninyo ay masasagot 'yan lahat kapag tinapos ninyo ang panonood ng vid

