Iyak pa rin nang iyak ang ina ni Lune Bleue. Kahit minsan ay masama ang ugali ng mga magulang niya, lalo na ng kaniyang ina ay hindi niya pa rin ito matiis lalo na kapag ganitong sitwasyon. "Mom, tahan na," wika niya habang tinabihan niya ito sa sofa. Niyakap siya nitong bigla, "Anak ko..." Humahagulgol pa rin ito sa kaiiyak. Lumapit sa kanila ang kaniyang daddy, "Phoebe, tahan na. 'Wag ka nang umiyak. Patay na iyong totoong naging dahilan ng pagkamatay ng anak natin kaya, let us just forget about everything that happened in the past." "I'm not crying dahil doon. I'm crying dahil nakokonsensiya ako sa ginawa ko. Kulang na lang ay isumpa ko ang pamilya Vergara dahil sa nangyari pero wala naman pala talaga silang kasalanan, wala namang kasalanan si Armando Vergara. He even helped Prin

