Parang nakalaya sila mula sa kulungan. May videoke at marami silang alak na pinagsasalusaluhan. "Cheers!" sambit nila sa bawat dikit ng kanilang hawak na baso. "Ahhhh! Ang sarap sa pakiramdam ng alak sa katawan!" hiyaw ni Alfonso, habang hawak ang isang baso na may lamang alak. Medyo naiilang si Lune Bleue dahil never niya pa na-experience ang ganitong klase ng inuman. More on bar lamang ang pinupuntahan niya dati kasama ang mga sosyal niyang mga kaibigan. "Sir Lune, tagay lang!" ani Kylie na matakaw sa alak. "'Wag ninyong sabihin na talo pa kita sa inuman!" dagdag pa nito ang tumawa pa ng malakas. "Maglalaro tayo ng spin the bottle, kung sino ang matuturo ng bunganga ng bote ay siyang magtatanong sa taong naturo ng puwet ng bote, game?" wika ni Rose. "Game!" sigaw ng mga ito. "Ano

