Chapter One – The Last Chance
Chapter One – The Last Chance
---
Mainit ang sikat ng araw na dumidiretso sa malapad na stage ng unibersidad. Graduation day, isa sa pinakaimportanteng araw ng buhay ni Maria Ysabelle “Ysa” Dela Cruz. Maaga pa lang ay naroon na siya kasama ang kanyang nanay, si Dr. Regina Dela Cruz, at ang ilang kaklase na sabay-sabay nag-aayos ng toga. Ang saya, ang ingay, at ang halakhak ng mga magulang sa paligid ay parang musika sa tenga niya.
Pero kahit gaano siya kasaya, may isa pang dahilan kung bakit nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang folder ng diploma.
Kanina pa niya hinahanap-hanap sa malawak na covered court ang isang pamilyar na pigura. Matangkad, naka-ironed na toga, guwapo sa kahit anong anggulo, at gaya ng nakasanayan, palaging napapalibutan ng mga tao. Si Caelan Villareal, ang unang lalaki na kumabog ang puso niya mula pa noong freshman year.
Kahit anong gawin niya, kahit ilang taon na ang lumipas, hindi siya nakawala sa simpleng katotohanang iyon na ito ang first crush niya, first heartbreak, at ngayon, malapit nang maging last chance niya.
“Bes, ayan na siya,” bulong ni Lara, ang kanyang bestfriend, habang bahagyang kinukurot ang braso niya. Si Lara, gaya ng nakasanayan, naka-pixie cut at naka-bold red lipstick kahit graduation. Hindi niya talaga alintana ang titig ng mga tao, siya pa mismo ang center of attention dahil sa confidence niya.
Sumilip si Ysa, at doon niya nakita si Caelan na tinatawag ng dean para tanggapin ang medalya. Standing ovation ang nakuha ng binata, halatang pride ng buong Engineering department.
“Top student na, varsity star pa. Jackpot na sana kung hindi lang siya suplado,” dagdag ni Lara, napapailing.
“Shhh,” awat naman ni Mira, ang isa pa nilang kaibigan na nurse na ngayon. Siya ang pinakacalm sa grupo, parang ate na laging nagpapaalala. “Hayaan mo na si Ysa. Last day na niya ‘to.”
Napangiti si Ysa, pilit man. Totoo. Last day na talaga. Kaya nga kaninang madaling araw, bago pa man siya gumising para maghanda, isinulat niya ang matagal nang laman ng puso niya.
Isang sulat.
Ang sulat na para kay Caelan.
---
Nagsimula na ang tawag ng mga pangalan ng mga Communication graduates. Narinig ni Ysa ang pangalan niya, at halos malaglag ang diploma folder dahil sa kaba. Ngunit pinilit niyang ngumiti habang umaakyat sa entablado, hawak-hawak ang ulo ng toga para hindi matanggal ang tassel. Naramdaman niya ang camera flash, ang palakpak ng audience, at higit sa lahat, ang proud na sigaw ng nanay niya mula sa likod.
“Congrats, anak!” sigaw ni Dr. Rina, kahit medyo out-of-place sa solemn ceremony.
Napailing si Ysa pero natatawa. Kahit kailan supportive si Nanay.
Pagbaba niya ng stage, agad siyang sinalubong nina Lara at Mira na nagpa-picture pa kasama siya. Naramdaman ni Ysa ang kirot ng kilig at kaba nang makita si Caelan na bumaba rin ng stage ilang minuto matapos siya. Hawak nito ang diploma, seryoso ang mukha, pero halatang relaxed sa pakikisalamuha sa mga kasamahan.
---
Kinagabihan, puno ng liwanag at musika ang event hall kung saan ginanap ang after-party ng graduates. May mga balloons, fairy lights, at buffet tables na nilantakan ng mga estudyante at magulang.
Suot ni Ysa ang simpleng puting dress na pina-iron pa ng kanyang nanay kanina. Hindi ito flashy, pero sapat na para maramdaman niyang babae rin siya, hindi lang basta tahimik na nerd na mahilig magsulat ng diary.
“Bes, ready ka na ba?” tanong ni Lara habang inaayos ang shoulder strap ng dress niya. Naka-black off-shoulder si Lara at litaw na litaw ang confidence niya.
“Ready sa pagkain? Oo naman,” biro ni Mira, sabay turo sa dessert table.
Napatawa si Ysa pero agad ding bumalik ang kaba niya. Ready ba siya?
Sa bag niya, nakatupi nang maayos sa loob ng maliit na envelope ang kanyang liham. Sa sulat na iyon, nakalagay lahat, mula sa unang beses niyang makita si Caelan sa freshman orientation hanggang sa mga simpleng pagkakataon na tinulungan siya nitong damputin ang mga librong nahulog niya sa hallway.
Hindi ko na ito kayang itago. Kahit hindi mo ako balikan, kahit hindi mo ito basahin… gusto ko lang malaman mong minahal kita nang totoo.
Huminga siya nang malalim. Tonight is the night.
---
Habang lumalalim ang gabi, naging mas lively ang party. May mga graduates na sumasayaw sa dance floor, may iba namang nagkukuwentuhan sa isang sulok. Lara kept nudging Ysa para lumapit sa grupo nina Caelan.
At doon nga, nakita nila ang binata—naka-white long sleeves, sleeves rolled up, nakangiti sa tropa niyang sina Gio at Marco. Ang lakas ng presence niya. Kahit hindi niya gustong umamin, hindi mo talaga maikakaila kung bakit siya ang campus heartthrob.
“Bes, ito na ‘yon. Kung hindi ngayon, kailan pa?” ani Lara, seryoso ang tono.
“Lara…” bulong ni Ysa, nanginginig ang kamay.
“Ysa, hindi mo kailangang sabihin. Islip mo lang. Isang sulat lang ‘yan. Wala nang mawawala.”
Dahan-dahan siyang lumapit. Pakiramdam niya bawat hakbang ay mas lumalakas ang t***k ng puso niya.
Nasa gilid siya ng circle ng mga kaibigan ni Caelan, halos hindi siya pinansin ng iba. Pero nagawa niyang sumiksik sa pagitan ng mga mesa. Hinintay niyang bumaling ang atensyon ng lahat sa waiter na nagdala ng drinks.
Sa mismong segundo na iyon, kinuha niya ang envelope mula sa bag niya. Nanginginig ang daliri niya habang binubuksan ang zipper. Para siyang nanlalamig, pero pinilit niyang lumapit nang dahan-dahan sa bag ni Caelan na nakapatong lang sa isang upuan sa tabi.
Huminga siya nang malalim.
“Para sa sarili ko. Para matapos na,” mahina niyang bulong.
Isang mabilis na galaw, at nailagay niya ang envelope sa side pocket ng bag.
Agad siyang umatras, halos mabangga si Mira na kanina pa nakabantay mula sa di kalayuan.
“Bes!” bulong ni Mira, nanlaki ang mata. “Ginawa mo na?”
Tumango si Ysa, halos hindi makahinga.
Umupo siya sa isang bakanteng mesa, pinagmamasdan si Caelan mula sa malayo. Wala itong kamalay-malay na ang bag na nasa tabi niya ay may laman nang sikreto na ilang taon niyang kinimkim.
Naramdaman niya ang kaba, takot, at kasabay nito ay kakaibang ginhawa. Parang sa unang pagkakataon, nailabas niya na rin ang matagal nang tinatago.
Lara sat beside her, crossing her arms. “Bes, proud ako sa’yo. Hindi man niya pansinin, at least hindi ka na magtatago sa anino niya.”
Napangiti si Ysa, kahit may luha na nagbabadya sa sulok ng kanyang mga mata.
Sa background, naririnig pa rin niya ang halakhakan nina Caelan at ng barkada niya. Nakita niyang saglit itong huminto para uminom, nag-aayos ng buhok, at tiningnan ang paligid. Sandali silang nagtama ng paningin, at agad siyang napalingon sa ibang direksyon, pulang-pula ang pisngi.
---
That night, habang mas sumisigla ang party, si Ysa ay nakaupo lang sa isang gilid, hawak ang baso ng juice, at pinagmamasdan mula sa malayo ang lalaking minahal niya ng tahimik sa loob ng apat na taon.
Hindi niya alam kung mababasa ba niya iyon. Hindi rin niya alam kung paano tatapusin ng sulat na iyon ang isang kabanata ng kanyang buhay.
Pero sigurado siya sa isang bagay na iyon ang huling pagkakataong siya mismo ang pipiliing magpakatotoo.
At kahit wala siyang kasiguraduhan kung ano ang magiging reaksyon ni Caelan, ramdam niyang hindi na siya magsisisi...