"Uuwi ka ngayon sa bahay mo?" tanong ni Basti. Kaaalis lang namin sa hotel at nasa byahe na kami ngayon papunta sa condo ko. Kukuha lang ako roon ng mga gamit ko at pagkatapos ay pupunta na ako sa bahay. "Yep, mag-aayos lang ako roon, then mamaya pupunta ako sa grocery. Mamayang gabi kasi ang dati nila mama," sagot ko. "Do you want me to join you?" tanong naman niya. "Wala ka bang gagawin ngayong araw?" tanong ko. Umiling lamang siya. "Uhm. . . sige," sabi ko at ngumiti. Tumingin ako sa bintana at inalala ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kami na talaga ni Basti. Kanina ngang pagkagising ko ay medyo kinabahan pa ako dahil baka panaginip lang ang lahat. But it was real. Everything that happened last night was real. Nang makarating kami sa parking

