Sa tingin ko ay halos 30 minutes din akong nag-drive para makarating sa airport, pero feeling ko ay ilang oras na iyon. Natatakot ako na baka hindi ko na maabutan pa si Basti. Nagtatakbo na ako papasok, kaliwa't kanan ang tingin ko para mahanap si Basti. May narinig pa akong ilang angal dahil nabangga ko sila pero hindi ko muna pinansin iyon. All I want is to see Basti. I can't believe that he's leaving without telling me. Ano ba ang nangyari? Pumayag ba si Lolo Sergio sa suggestion ni Tita Leila na ipadala si Basti sa ibang bansa? Pero ang sabi naman ni Basti ay naging maayos na ang pag-uusap nila ni lolo. So ano pang rason para pabalikin pa siya sa ibang bansa? Naiyak na lang ako lalo nang wala akong makita ni bakas ni Basti. Ilang minuto na akong naghahanap dito pero hindi ko siya ma

