Ilang araw na ang lumipas matapos ng pakikipag-usap namin kay Lolo Sergio ngunit hindi pa raw sila nakakapag-usap ulit nang personal dahil lagi raw busy si lolo. Habang ako naman ay nandito lang sa coffee shop maghapon. Gusto kong mag focus sa ginagawa ko pero hindi ko maiwasan na mag-alala kay Basti, lalo na ngayon na mukhang sinisimulan na siyang pag-initan nina Tita Leila at nang asawa nito. I don't know what really happened, but Basti mentioned yesterday na nagkasagutan sila ng tita niya. Matapos malaman ang nalalapit na pagbibitaw ni Lolo Sergio sa posisyon niya, mas lalong naging pursigido ang mag-asawa na makuha ang posisyon na iyon. My phone rang and I saw Basti's name on the screen. Agad kong sinagot iyon. "Hello?" "Are you busy?" tanong niya. "Hindi naman. Bakit?" tanong

