48

1830 Words
SACHI'S POV Libang na libang ako sa pakikinig sa kinukwento ng teacher namin nang bigla niyang isara ang hawak niyang libro at saka nakangiting tumingin sa amin. "So class, may natandaan ba kayo sa lahat ng sinabi ko?" tanong pa niya sa amin. Lihim akong napabuntong hininga. Hindi ko man naumpisahan ang libro ay naagaw na nito ang atensyon ko lalo na at kwento pala ito ng mga dating diwata. Bigla akong nagka-interes na pumunta sa library at basahin ang libro. Pakiramdam ko kasi ay pansamantala akong nawala sa kasalukuyang mundo at pansamantala kong nakalimutan ang mga problema ko. "Miss, maaari po bang ituloy niyo ang pagbabasa? Napapaisip po ako sa mga susunod na mangyayari sa magkapatid na Rysha at Akeeyan," sabi ng isa kong kaklase. Napangisi naman ang teacher namin. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa inyo. Alam niyo bang ang librong ito ay matagal nang naka-display sa library natin ngunit hindi niyo naman pinapansin. At ngayon binabasa ko na sa inyo ito ay saka lamang kayo nagkaroon ng interes," iiling iling na sabi pa niya. Bahagya akong napangiti. Kung siguro ay dito na ako lumaki sa mundong ito, baka nabasa ko na ang librong iyon. Ngunit dahil nawindang ang isipan ko simula nang dumating ako dito ay hindi na ako nagkaroon ng oras upang magbasa ng mga libro sa library. "Miss, ano po bang makukuha namin sa librong iyan?" tanong ng isa ko pang kaklase. "Iyan ang kailangan niyong sagutin pagkatapos kong basahin ang susunod na kabanata. Kaya makinig kayong mabuti." THROY'S POV Pagbalik ko sa clinic ay hindi ko na nakita si Akeeyan. Pasaway talaga ang kapatid kong iyon, sabi nang bantayan si Rysha ngunit iniwan pa rin niya. Gising na rin si Rysha nang pumasok ako sa clinic. Hindi siya nagsalita nang makita niya ako. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya umupo na lang muna ako sa isang tabi. Naghintay pa ko ng ilang minuto at huminga ng malalim bago magsalita. "K-kumusta ang pakiramdam mo?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. "Ayos na ako," mahina niyang sagot sa akin. "Nagugutom ka ba? Gusto mong ibili kita ng pagkain mo?" tanong ko pa. "Hindi na. Hindi pa naman ako gutom. Salamat." Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Gusto kong sabihin sa kaniya na alam ko na ang ginawa nilang pagpapanggap ng kapatid ko. Pero parang hindi ata ito ang tamang oras para pag-usapan namin ang tungkol sa aming dalawa. Ramdam ko ang bigat ng problemang dinadala ngayon ni Rysha. Kitang kita yun sa mga mata niya pati sa bigat ng paghinga niya. Gusto ko siyang kausapin at sabihin na pwede niyang i-share ang problema niya pero hindi ko alam kung paano siya ia-approach. Nakakahiya mang aminin pero hindi ako marunong mag-comfort ng babae. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Ang hirap naman, paano ba ito? "Ikaw ata ang hindi okay?" Napalingon ako kay Rysha nang bigla siyang nagsalita. Nakakunot ang noo niya habang deretsong nakatingin sa akin. "Ha?" Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil nakatingin siya sa akin ngayon. Hindi ko rin kayang salubungin ang mga tingin niya. Bakla mang aminin pero parang natutunaw ako sa kinauupuan ko ngayon. "Namumula ka Throy. May sakit ka ba?" tanong pa niya. "Ha? Wala. Ano. Ayos lang ako. Oo, okay lang ako." "Sigurado ka?" "O-oo naman." Ngumiti ako kay Rysha para ipakita sa kaniya na ayos lang talaga ako. Kahit ang totoo ay pinagpapawisan na ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. Tumango naman siya at nag-iwas na ulit ng tingin. Teka, may nasabi ba akong mali? Pangit ba ang pagkakangiti ko sa kaniya? Ano ba ito? Kung ano ano na ang naiisip ko. Napa-paranoid na ba ako o ano? "Okay ka lang ba talaga?" Nagulat ako nang biglang magsalita ulit si Rysha. At dahil sa gulat ko ay hindi ako nakabalanse kaya nahulog ako sa upuan. Sa pagkataranta ko ay hindi ko na nagamit ang element ko para hindi ako masaktan. Kaya eto, lagapak ako sa sahig. "Pfftt..hahahaha" Napatingin naman ako bigla kay Rysha nang bigla siyang tumawa. Napatitig ako sa kaniya at parang biglang nag slow motion ang paligid. Tanging tawa niya lang at ang malakas na t***k ng puso ko ang maririnig dito sa kwarto. Na-realize niya ata na nakatitig ako sa kaniya dahil bigla siyang tumigil pero halata namang nagpipigil lang siya ng tawa. "Sorry," mahina niyang sabi sabay hinga ng malalim. "Sus, kailangan ko pa palang masaktan para sumaya ka e," pagbibiro ko sa kaniya. Pero sa halip na ngumiti ay bumalik sa dati ang mukha niya. Puno ng lungkot at sakit. "Ganun talaga, minsan kailangan mong masaktan para sumaya ang iba," seryoso niyang sabi sa akin. "So dapat pala, lagi akong masaktan para lagi kang masaya?" nakangiti kong sabi sa kaniya. Gusto kong pagaanin ang atmosphere dito kaya pinipilit kong magbiro para mapagaan ang loob niya. Tumingin ulit siya sa akin at this time ay sinalubong ko ang mga tingin niyang yun. Maya-maya pa ay ngumiti rin siya, a genuine one. "Mas maganda ka pag ngumingiti Rysha," seryosong sabi ko sa kaniya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng mukha ni Rysha dahil sa sinabi ko. "Sira ka." Yun na lang ang sinabi niya at bumaling sa kabilang side ng kwarto. Nakangiti pa rin ako habang pinagmamasdan siya. Malaya ko siyang natititigan dahil hindi siya nakatingin sa akin. Naaalala ko pa rin ang tawa at ngiti niya kanina. Mas mabuti na rin siguro yun. Hindi man ako ang nasa tabi niya nang umiiyak siya, at least nagawa ko siyang pasayahin sa kabila ng problemang dinadala niya. At siguro, kahit ilang beses pa akong mahulog sa upuan na ito, ayos lang. Kung sa bawat pagkahulog ko ay sumasaya siya. Langya, ang corny ko na. "Ms. Rysha" Tumayo ako nang biglang dumating si nurse Joy. Tumingin naman siya sa akin at bahagyang ngumiti pagkatapos ay ibinaling ulit kay Rysha ang atensyon na kasalukuyang nakaupo na sa kaniyang higaan. "Idi-discharge na kita Ms. Rysha. Pero isa lang paalala ha, h'wag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Take some rest okay?" "Yes nurse Joy. Thank you po." Ngumiti naman si nurse Joy at umalis na. Si Rysha naman ay nagsimula nang ayusin ang kaniyang sarili. "Ihahatid na kita sa dorm mo," pagpiprisinta ko sa kaniya. "Ah hindi na. Kaya ko naman." "I insist," seryoso kong sabi sa kaniya. "H-hindi muna ako uuwi sa dorm," mahina niyang sabi. "Bakit naman?" kunot noong tanong ko. Isang buntong hininga lang ang isinagot niya. Parang naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin doon. "Sige, kung saan mo man gustong pumunta ngayon, sasamahan na kita. Kahit saan pa yan," nakangiti kong sabi sa kaniya. "Ang totoo nyan, hindi ko alam kung saan pupunta," malungkot niyang sabi sa akin. "Ganun ba? Sige, ako ang bahala sa 'yo, yun ay kung papayag ka na sumama sa akin." "Bakit naman ako sasama sa 'yo?" "Di ba sabi mo, hindi mo alam kung saan ka pupunta. Since may alam akong isang lugar na pwede nating puntahan, kaya kung okay lang sa 'yo, samahan mo ako sa lugar na yun." "S-sige." Napangiti naman ako dahil napapayag ko siya na sumama sa akin. Hindi man niya i-share sa akin ang problema niya, sisiguraduhin kong mapapasaya ko siya at makakalimutan niya panandalian ang problema niya. "Tara na." Naglakad kami at dinala ko siya sa isang lugar na sa tingin ko ay ikakasaya niya. "Wow!" namamanghang sambit ni Rysha. "So what do you think?" "Sobrang ganda dito Throy," nakangiti niyang sabi sa akin. Masaya siyang tumakbo papunta sa isang lawa kung saan napapalibutan ito ng iba't ibang klase ng bulaklak. Napapangiti na lang ako habang sinusundan siya. Ang cute niyang tingnan lalo na kapag nakangiti siya habang inaamoy ang mga bulaklak sa paligid niya. Sa sobrang pagkaaliw niya sa paligid ay hindi lang problema ang nakalimutan niya, pati ata ako ay nakalimutan niya. Pero okay lang, at least napasaya ko ulit siya. Pumitas ako ng isang bulaklak at lumapit kay Rysha na manghang mangha pa rin sa mga nakikita niya. "Rysha." Nakangiti siyang lumingon sa akin pero agad ding nawala ang ngiti niya nang makita niya ang bulaklak na hawak ko. "Throy." Marahan kong inabot sa kaniya ang bulaklak na hawak ko. Pero nanatili lang siyang nakatingin dito. "Throy, anong ibig sabihin nito?" naguguluhan niyang tanong sa akin. "Para sa 'yo ito Rysha, sige na. Tanggapin mo na." Huminga siya ng malalim bago tinanggap ang bulaklak. "S-salamat." Pagkasabi niya nun ay agad siyang tumalikod sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya sa ginawa ko. Pero gusto ko lang kasing iparamdam sa kaniya kung gaano siya kahalaga sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinila ko siya paharap sa akin at mahigpit na niyakap. "Alam kong hindi ito ang tamang oras para sabihin sa 'yo ito. Pero sana Rysha, lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa 'yo. Gustong gusto ko mang sabihin sa 'yo ng deretso ang nararamdaman ko pero hindi ko muna gagawin. Hihintayin ko ang tamang panahon para sabihin sa 'yo lahat. Mahalaga ka sa akin Rysha. At kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, nandito lang ako lagi. Hinding hindi kita iiwan Rysha." Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya. At nakita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya. Marahan akong ngumiti sa kaniya. Inilagay ko sa kaniyang tainga ang bulaklak na binigay ko sa kaniya. After non ay hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinalikan ko siya sa noo. Isang mga impit na tili ang muling nakapagpatigil sa pagbabasa ng teacher namin. Nang tingnan ni Miss ang mga babae sa unahan ay agad na nagsitahimikan ito. "Sorry Miss, nakakakilig po kasi," sabi ng isang babae. "So alam niyo na ba ang aral ng librong ito?" seryosong tanong naman ng teacher namin. Walang nakasagot sa mga kaklase ko at lahat sila ay nagsitungo lamang. Habang ako naman ay nanatiling nakatingin sa teacher namin kaya nang mapadako ang kaniyang tingin sa akin ay bahagya siyang ngumiti. "Yes Ms. Sachi, sa tingin ko ay alam mo ang sagot sa tanong ko," sabi pa niya. Agad na nagsilingunan sa akin ang mga kaklase ko. Nahihiya man ay tumayo ako at palihim na nagpakawala ng buntong hininga. "Sa tingin ko po, ang lesson ng story ay ang tamang pagpili ng desisyon," sagot ko pa. "At paano mo nasabi iyan gayung hindi pa tapos ang kwento?" tanong pa sa akin ng teacher. "Sapagkat ayon sa narinig ko, sinusundo ni Rysha ang kaniyang kapatid dahil umiibig ito kay Brianna na mariing tinututulan ng kanilang mundo. At may hinuha po akong may nakaraan sina Rysha at Throy ngunit pinaghiwalay din sila ng kani-kanilang mundo. It's a choice between love and responsibility. At kailangan nilang isiping mabuti kung alin ang dapat nilang piliin," mahabang paliwanag ko. "Very well said, Ms. Sachi. Dumarating sa mga Maxime ang isang sitwasyon na kailangang mamili. At bilang mga makapangyarihang nilalang, kinakailangan nating pag-isipan ang bawat desisyon natin. Dahil ang desisyon natin ang magdadala sa atin sa isang magandang kinabukasan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD