47

1205 Words
THROY'S POV "Pare, parang ang saya saya mo ngayon ah, kabaligtaran ng panahon," nakangiting sabi sa akin ni Aaron. "Oo nga, sa loob ng dalawang taon, parang ngayon ka lang namin nakita na ganyan kasaya. Anong meron?" gatong naman ni Brylle. Hindi ko na lang sila pinansin dahil kapag ginawa ko yun ay lalo lang nila akong kukulitin. "Teka, si Akeeyan ba yun?" Hindi ako tumingin sa itinuro ni Brylle. Hindi naman sa hindi ako interesado sa kapatid ko pero alam ko naman kasi na si Brianna ang kasama niya. "Si Rysha ba yung buhat niya?" "Malamang, si Rysha lang naman ang may kulay puting buhok dito." Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pangalan ni Rysha. At tama nga ang sinabi ng dalawa. Si Rysha ang buhat buhat ni Akeeyan. "Hoy Throy! Saan ka pupunta?" Hindi ko na pinansin ang dalawa. Agad akong tumakbo palapit sa kapatid ko. Ano na naman ba ito Rysha? Ano na namang nangyari sa 'yo? "Akeeyan, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko sa kapatid ko. "Nawalan siya ng malay kuya." Kinuha ko siya sa kapatid ko at agad na dinala sa clinic. Inasikaso naman siya agad ng nurse na naka-duty doon. Masyado lang daw napagod si Rysha kaya siya nawalan ng malay. Mugto ang mga mata ni Rysha at medyo namumula pa ang kanyang ilong. Mahahalata mo na sobra siyang umiyak bago nawalan ng malay. "Akeeyan, what happened?" Seryoso kong tanong sa kapatid ko na nakatingin lang din kay Rysha. "Hindi ko rin alam kuya. Nakita ko lang din siya na buhat ni kuya Michael eh." "Si Michael?" "Oo. Hindi pa ba kayo nagkakausap ni ate simula nung sinabi ko sa 'yo ang totoo?" "Hindi pa." Sa kabila ng mga nalaman ko, wala pa akong sapat na lakas ng loob para kausapin si Rysha. Oo, masaya akong malaman na pareho kami ng nararamdaman pero may kung ano sa puso ko na nagsasabing hindi ko siya muna dapat kausapin. Magkahalong kaba, saya, takot at lungkot ang nararamdaman ko. At hindi ko alam kung bakit. Weird. "Bantayan mo muna siya, kausapin ko lang si Michael." Hindi ko na hinintay pang magsalita si Akeeyan. Lumabas na ako ng clinic at agad na hinanap si Michael. Humina na rin ang ulan kaya hindi naging mahirap sa akin para hanapin siya. "Michael." Agad kong nilapitan si Michael nung makita ko siya sa hallway. "Throy." "Anong nangyari kay Rysha? May ginawa ka ba sa kanya?" "Wala akong ginawa sa kanya. Ang totoo nga nyan ay dinamayan ko lang siya sa problema niya. Kahit na hindi niya sinabi sa akin kung ano bang problema niya," mahaba niyang paliwanag sa akin. "Pasensya na, nag-alala lang ako," mahina kong sabi. Bakit Rysha? Bakit kay Michael ka pa pumunta? Nandito naman ako para damayan ka sa mga problema mo. Pwedeng pwede mo akong iyakan. Pwedeng pwede mong i-share sa akin ang problema mo. Pero bakit kay Michael pa? "Teka lang Throy, bakit sobra ka atang mag-alala kay Rysha?" naghihinalang tanong ni Michael pero hindi ko siya sinagot. "Wag mong sabihing may gusto ka sa kaniya? Eh girlfriend siya ni Akeeyan di 'ba?" dugtong pa niya. "Kung ano anong iniisip mo. Dyan ka na nga." Mabilis pa sa alas kwatro ako umalis sa hallway. Knowing Michael, hindi nya ako tatantanan hanggang hindi ako umaamin sa kaniya. Kaya mas mabuti nang umiwas. AKEEYAN'S POV Mugtong mugto ang mata ni ate Rysha. At naiinis ako dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit umiiyak na naman ng ganito si ate. Nakatitig lang ako sa kaniya nang magmulat siya ng mga mata. Agad naman akong lumapit sa kaniya. "Ate, kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" Hindi ako sinagot ni ate bagkus ay nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. Nasaktan ako sa ginawa niyang yun. Ngayon lang ako binalewala ng ganito ni ate pero hindi ko naman siya masisisi. Dahil alam ko naman na kasalanan ko talaga. "Ate, sorry. I'm really sorry." Alam kong hindi maiibsan ng sorry ko ang sakit na nararamdaman ni ate ngayon. I know it's all my fault. Pero nagmahal lang naman ako eh. Ganun na ba talaga ako kahirap intindihin? "Ate, kausapin mo naman ako please." "Ayokong isumbat sa 'yo lahat Akeeyan dahil kapatid kita. Pero hindi mo ba talaga nakikita lahat ng isinakripisyo ko para ituwid yang landas mo? Pinili kong sundan ka dito kahit na alam kong mas masasaktan ako kapag nakita ko ulit si Throy. Isinantabi ko lahat ng nararamdaman ko para sa 'yo. Nagpakamanhid ako, nagpakatanga ako, tinanggap ko lahat ng sakit para lang hindi ka matulad sa akin. Pinanindigan ko ang pagiging ate mo pero ni minsan, hindi ka nakinig sa akin. At ngayon, ang mga pinahahalagahan kong kaibigan ay nawala na rin sa akin dahil sa mga makasarili mong desisyon. Akeeyan, ano pa bang mga bagay ang dapat kong isakripisyo para makinig ka sa akin? Sino pa ba ang dapat mawala sa akin para sundin mo ako? Ilang baldeng luha pa ba ang kailangan kong iiyak para matauhan ka na? Kailangan pa bang mamatay ako para lang bumalik ka na sa atin?" "Hindi ate. Oras lang naman ang hinihingi ko para makasama si Brianna eh. Oras lang ate." "Ni minsan ba Akeeyan, naisip mong bumalik pa sa atin?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong na iyon ni ate. "Hindi di 'ba? Dahil ang tanging nasa isip mo ngayon ay ang ipaglaban ang pagmamahal mo kay Brianna. Ni hindi mo nga naisip ang nararamdaman ko." "Ate naman." "Akeeyan, iwanan mo muna ako." "Pero ate.." "Akeeyan please, kahit ngayon lang, pakinggan mo ako." Seryosong seryoso si ate at mukhang wala na talaga siyang balak na makipag-usap pa sa akin. Kaya tahimik na lumabas na lang ako ng clinic. Ngayon lang kami nag-away ni ate ng ganito at sobrang nakokonsensya ako. "Akeeyan?" "Brianna." "Anong ginawa mo sa loob ng clinic?" tanong niya sa akin. Maayos na ulit kami ni Brianna simula nang sinabi ko sa kaniya na nagpapanggap lang kami ni ate Rysha. Walang malinaw kung anong estado naming dalawa ngayon. Pero ang mahalaga ngayon ay pinaparamdam ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. "Nasa loob kasi si ate Rysha." "Ha? Bakit? Anong nangyari?" nag-aalala niyang tanong sa akin. "Nawalan siya ng malay kanina. Pero okay na siya ngayon." "Ganun ba. Alam na ba ni kuya mo ang nangyari sa kaniya?" "Oo, sa katunayan nga ay si kuya ang nagdala kay ate dito. Saan ka pala pupunta?" pag-iiba ko ng usapan. "Ah sa canteen lang, nagugutom na kasi ako." "Samahan na kita." Sabay na kaming naglakad papuntang canteen para bumili ng pagkain. Hindi pa man kami nangangahalati sa paglalakad ay nagsalita ulit siya. "Narinig mo na ba ang kumakalat na balita?" "Ano yun?" "Naaalarma na raw ang council tungkol sa nangyayari sa mahiwagang puno," seryosong sagot niya sa akin. "A-anong meron sa mahiwagang puno?" kinakabahan kong tanong. "Unti-unting nalalagas ang mga dahon nito. At unti unti na ring nawawalan ng kulay ang mga puno at halaman sa kagubatan. May haka-haka na baka raw isa-isang namamatay ang mga diwata." Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang mahabang paliwanag ni Brianna. Ito na ba ang consequence ng mga naging desisyon ko? "Okay ka lang ba Akeeyan?" "O-okay lang. T-tara na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD