RYSHA POV
"Akeeyan!"
Isang malakas na sigaw ang nakaagaw ng atensyon ko. At sa paglingon ko sa pinaggalingan ng boses ay agad akong kinabahan. Nakahandusay na ang kapatid ko sa sahig habang sinusubukan syang gisingin ni Brianna. Agad akong lumapit sa kanila.
"Akeeyan!"
Agad syang binuhat ni Throy na halata mo ding nag aalala. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at namamawis na din ang mga kamay ko.
"Brianna, anong nangyari kay Akeeyan?", kinakabahan kong tanong.
Ayaw man tanggapin ng isip ko pero parang alam ko na kung bakit nawalan ng malay ang kapatid ko. Sana mali ang hinala ko.
"Rysha, dalhin muna natin sya sa clinic.", biglang sabi ni Throy.
Hindi ko sya pinansin dahil nakatingin lang ako kay Brianna na nag uumpisa nang umiyak.
"Brianna, anong nangyari?"
Hindi ko na napigilan ang sumigaw na ikinagulat naman ni Brianna. Sobrang nag-aalala na ako sa kapatid ko. At kailangan kong makasiguro kung tama ba ang iniisip ko.
"Rysha, walang nangyari! Nag uusap lang sila nung biglang mahimatay si Akeeyan."
Pagkasabi nun ni Throy ay dali dali nyang dinala si Akeeyan sa clinic. Kusa na lang tumulo ang luha ko habang nakatingin kay Throy na naglalakad palayo sa akin. Susunod sana sa kanya si Brianna pero agad ko syang hinawakan sa braso para pigilan.
"Please Brianna, tell me what really happened?", nagmamakaawa kong tanong sa kanya.
"Hindi ko din alam kung anong nangyari sa kanya Rysha, nag uusap lang kami nung mahimatay sya."
"Bago sya nawalan ng malay, anong sinabi mo sa kanya?"
Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng pisngi ni Brianna. At dahil doon ay napatunayan ko nang tama ang hinala ko. Isa lang ang hiling ko ngayon. Sana sa nangyaring ito ay hindi magbago ang isip ni Akeeyan.
"Sana Brianna, hindi mo na lang sinabi ang mga salitang yun kay Akeeyan. Selfish na kung selfish, pero hindi maganda ang maidudulot sa inyong dalawa ng nararamdaman nyo. It will just complicate everything.", makahulugan kong sabi sa kanya.
"What do you mean?", naguguluhan nyang tanong sa akin.
Nginitian ko na lang sya at nag-umpisa nang maglakad palayo. Kailangan ko pang puntahan ang kapatid ko. Kailangan ko syang makausap sa oras na magkamalay sya. Hindi maaaring magbago ang isip nya dahil lang sa sinabi sa kanya ni Brianna. Alam kong mas mahirap na ngayon para sa kanya na iwanan si Brianna pero kailangan nya yung gawin para sa ikabubuti ng lahat. Sana lang ay mapanindigan ng kapatid ko ang naging desisyon nya na sumama na sa akin.
Pagkarating ko sa clinic ay nandun na ang buong barkada. Sabay sabay pa nga silang tumingin sa akin nung pumasok ako.
"Kamusta sya?"
"Mataas ang lagnat nya. Sabi ni nurse Jane, dito na lang daw muna sya para mamonitor. Sa ngayon ay inaalam pa nya kung anong dahilan nang biglang pagkakasakit nya."
Bakas sa boses ni Throy ang sobrang pag-aalala. Pati ang buong barkada ay halatang mga tensyonado. Maski ako ay nag-aalala sa kalagayan nya. Pero mas nag-aalala na ako ngayon sa maaaring iniisip ng kapatid ko ngayon. Hindi ko alam kung handa ba ako sa maaari nyang sabihin sa akin sa oras na magising.
"Rysha, okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"
Lumapit sa akin si Michael at inabot nya sa akin ang panyo nya. Tinanggap ko naman iyon upang punasan ang luha ko.
"Wala to, nag-aalala lang ako kay Akeeyan."
"Ano bang meron sa inyong dalawa ng kapatid ko? Bakit ganyan ka mag-alala sa kanya?", parang naiinis na tanong sa akin ni Throy.
"Bakit? Hindi ka ba nag-aalala sa kanya?", balik tanong ko naman sa kanya.
"Nag-aalala ako dahil kapatid ko sya. Pero ikaw? I mean, sino ka ba para mag-alala nang ganyan sa kanya? As far as I know, mas nauna pa tayong nagkakilala kesa kayong dalawa ni Akeeyan."
"So gusto mong sayo ako mag-alala, at hindi sa kanya?", pabalang kong sagot sa kanya.
Nakakainis ang mga sinasabi nya. Eh kung tutuusin, may mas karapatan ako kay Akeeyan dahil ako ang tunay nyang kapatid at hindi itong si Throy.
"Wala akong sinabing ganyan. Ang sakin lang, sobra naman ata ang pag-aalala mo sa kanya. Girlfriend ka ba nya?", deresto nyang tanong sa akin na ikinailing ko na lang.
Sakto naming nakita ko si Brianna na papasok din ng clinic. At bigla na lang akong nakaisip ng bagay na kailanman ay hindi ko akalain na gagawin ko.
"Eh paano kung sabihin ko sayong girlfriend nya nga ako?"
Sinadya kong iparinig kay Brianna ang mga sinabi ko. Lahat naman sila ay nagulat sa sinabi ko.
Sorry Akeeyan. Pero kailangan kong gawin ito. Kung hindi ko magagawang ilayo ka kay Brianna, sya na lang ang palalayuin ko sayo. Nagmamahalan kayong dalawa, at desperada na akong paglayuin kayong dalawa habang maaga pa. Hindi ko man gustong mangyari ito, pero kailangan para sa ikabubuti ng mundo nating dalawa at ng mundo ng mga mahal natin.
AKEEYAN POV
Nagising ako dahil sa isang kamay na humahaplos sa buhok ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin si ate Rysha.
"Ate."
"Buti naman at gising ka na. Kamusta na ang pakiramdam mo?", nag-aalala nyang tanong sa akin.
Bigla kong naalala ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. At bigla na lang akong napangiti sa mga alaalang yun.
"Ate, sobrang saya ko. Hindi ko alam na makakaramdam ako ng ganito kasaya.", nakangiti kong sabi sa kanya.
Isang malungkot na ngiti naman ang isinukli sa akin ni ate. At naalala ko din ang kalagayan naming ngayon. Unti-unti ding nabura ang ngiti sa labi ko.
"Ate Rysha, naiintindihan mo naman ako diba kung.."
"Akeeyan!", pinutol ni ate ang kung ano mang sasabihin ko.
"Kailangan na nating bumalik sa mundo natin. Please Akeeyan, wag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin."
"Pero ate, nagbunga ang pagpunta ko dito. Mahal na din ako ng mahal ko."
"Akeeyan, alam mong hindi pwede. Una pa lang, alam mong hindi pwede. At kahit kailan hindi magiging pwede."
"Ate, kung hindi mo kayang ipaglaban si kuya Throy, ako kaya ko. Kaya kong ipaglaban si Brianna.", matapang kong sagot sa kapatid ko.
"Kaya kong ipaglaban si Throy. Hindi ko lang ginawa dahil ayokong mapahamak sina mommy at daddy, ayokong mapahamak si Throy, ayokong mapahamak ang mga elementalist na minsan akong minahal at tinanggap. Ayokong magpakaselfish Akeeyan kaya kahit masakit, ako ang naglet go, ako ang nagparaya para sa ikabubuti ng lahat. Sana ganun ka din Akeeyan."
"Ate, ngayon pa ba ako susuko? Ngayon pa ba ako lalayo kung mahal na ako ni Brianna. Ngayon pa ba ako magpaparaya kung kailan masaya na ako?"
"Akeeyan, walang pupuntahan yang mga sinasabi mo. Dahil kapag pinagpatuloy mo yan, dalawang mundo ang masisira. Makakaya mo ba yun?"
"Bakit ganun ate? Bakit kailangan kong danasin ang mga ito? Nagmahal lang naman ako ah."
Hindi ko na alam kung anong iisipin o gagawin. Dahil sa pagmamahal sa akin ni Brianna, gusto ko syang ipaglaban. Gusto kong ipaglaban ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Ang unfair naman kasi. Bakit sina mommy at daddy, may happy ending, pati sina lolo Aries at lola Ehris, masaya na din. Bakit kaming dalawa ni ate ang nagdudusa ngayon? Wala ba kaming karapatang maging masaya katulad nila?
"Nakaya ko ang sakit Akeeyan, alam kong makakaya mo din yan. Magkapatid tayo eh, diba?"
"Parang hindi ko kaya ate, ngayon pa na mahal din ako ni Brianna. Parang hindi ko kaya na iwanan sya. Hindi ko kayang lumayo sa kanya."
Hinawakan ni ate ng mahigpit ang kamay ko.
"Kakayanin mo Akeeyan. Kakayanin natin."
Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Brianna na gulat na gulat. Sakto pa na hawak ni ate ang kamay ko.
"Sorry kung naistorbo ko kaya ng gf mo Akeeyan. Mukang okay ka na naman. Sige, alis na ako."
Hindi ko na nagawang pigilan si Brianna dahil agad nyang isinara ang pinto. Tumingin ako kay ate na puno ng pagtataka.
"GF?"
"Sorry Akeeyan. Sinabi ko sa kanila na girlfriend mo ako."
"What? Are you out of your mind ate?", naiinis kong tanong sa kanya.
"Pasensya na Akeeyan. Yun lang kasi ang naisip kong paraan para mapadali ang pag-alis natin."
"Ate naman."
"Alam ko kasi na magbabago na naman ang isip mo. Kaya ginawa ko yun para si Brianna na ang kusang lumayo sayo."
"Gustong gusto mo ba talaga akong masaktan ate? Gusto mo ba talagang maranasan ko ang naranasan mo noon? Bakit? Dahil ayaw mo akong maging masaya? Dahil hindi ka naging masaya? Ganun ba yun ate? Hah?"
Isang sampal ang nagpatahimik sa akin. Umiiyak na naman si ate. And this time, ako na naman ang nagpaiyak sa kanya. Bigla akong naguilty sa mga sinabi ko.
"Ni minsan, hindi ko pinangarap na maramdaman mo ang mga naramdaman ko. Hindi ko pinangarap na patayin ka ng sakit ng pagmamahal. Kaya nga nung una pa lang, pinigilan na kita. At kung nasasaktan ka ngayon, hindi ko na kasalanan yan. Choice mo yan Akeeyan. Desisyon mo yan. Kung nasasaktan ka ngayon, consequence mo yan dahil sa mga makasarili mong desisyon. Kaya wag mong isisi sa akin ang mga nangyayari sayo. Akala mo ba madali sakin to hah? Akala mo ba madali lang sakin na sundan ka dito? Akala mo ba madaling magpanggap na wala lang sakin ang mahal ko? Akala mo ba hindi ako nasasaktan? Sobra sobrang sakit na ang dinanas ko Akeeyan na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din. Pero kailangan kong isantabi ang nararamdaman ko para sa kapakanan mo at ng pamilya natin. Kailangan kong magpanggap na okay lang ako, na hindi ako nasasaktan. Kung alam mo lang, sa araw araw na nakikita ko si Throy, araw araw ding pinapatay ang puso ko. Malapit nga ako sa kanya, nakakausap at nakikita ko sya, pero wala akong karapatan na mahalin sya. Bumalik ako dito, hindi para sa kanya kundi para sayo. Tiniis ko lahat ng sakit, mailigtas ka lang dahil ayokong maranasan mo ang nararanasan ko. Ayokong mamatay ka araw araw, ayokong umiyak ka araw araw, pero mukang huli na ako Akeeyan. Dahil lunod na lunod ka na sa pagmamahal nay an. At hindi ko na alam kung paano ka pa sasagipin. Hindi ko na alam."
And with that, she left me absentmindly.
Ano ba tong nagawa ko? Bakit ganito?
RYSHA POV
"Rysha!"
Napahinto ako sa paglalakad nung marinig ko ang tawag ni Zairah. Kasama pa nya sina Lizeth at Jhudiel na kapwa hinihingal. Mukang tumakbo pa silang tatlo para lang mahabol ako.
"Bakit?"
"Nakalabas na daw si Akeeyan. Bibisita sana kami sa bahay nila. Baka gusto mong sumama?", nakangiting sabi ni Jhudiel.
Isang araw lang pala ang itinagal ni Akeeyan sa clinic. Simula kasi nung magkasagutan kaming dalawa ay hindi na ko muli pang nagpakita sa kanya. Bukas na dapat ang pagbabalik namin sa Psyche World. Pero ngayon, gulong gulo pa din ako sa mga nangyayari. Ni hindi ko nga alam kung ano na bang desisyon ni Akeeyan.
"Hindi na, kayo na lang. Gusto ko kasing magpahinga ngayon.", pagdadahilan ko.
Alam kong hindi ito ang tamang oras para sa pag-iinarte ngunit ayaw ko munang harapin ang kapatid ko. Baka bigla ko na lang syang mahila pabalik sa mundo namin pag nagkataon.
"Ha? Bakit? Ayaw mo bang bisitahin ang boyfriend mo?", may halong pang-aasar na sabi ni Lizeth.
Hindi ko pa din binabawi ang sinabi ko sa kanila na boyfriend ko si Akeeyan. Hindi ko lang alam sa kapatid ko kung may sinabi ba sya sa mga kaibigan ko.
"LQ ba kayo?", pang-uusisa pa ni Zairah.
"Pagod ako sa training ngayon girls. Ang gusto ko lang sa ngayon ay ang mahiga. Kaya if you'll excuse me."
Hindi ko na hinintay na magsalita pa silang tatlo. Umalis na ako sa harapan nila dahil baka hilahin pa nila ako papunta kay Akeeyan.
"So ganun na lang yun?"
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Throy mula sa likuran ko. Hindi ko sya hinarap pero ramdam ko ang paglapit nya sa akin.
"Matapos mong sabihin na boyfriend mo ang kapatid ko, parang bigla ka na lang nawalan ng interes sa kanya."
Napakuyom ako. As much as possible, ayoko munang makipag usap sa kahit na sino lalong lalo na si Throy. Masyado pang magulo ang isip ko ngayon. Nahihirapan na akong balansehin ang lahat. Gusto ko munang tumahimik, gusto ko munang magpahinga sa lahat ng problemang kinakaharap ko ngayon. Dahil sa totoo lang, gulong gulo na ako. Ayoko munang mag isip, ayoko munang mamroblema.
Nagsimula na lang ulit akong maglakad ngunit maagap na pinigilan ako ni Throy. Hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko na nagdulot ng bilyong bilyong bultahe sa katawan ko. At ito na naman ang puso ko, pinaghalong sakit, tuwa at kilig.
"Alam mo, wala na akong maintindihan sa mga nangyayari Rysha. Sa buong pagkakaalam ko, si Brianna ang gusto ni Akeeyan. Pero bakit ganito, bakit ikaw ang pinili nya?"
Unti unti nang namumuo ang luha sa mga mata ko. Sana nga ako ang pinili nya pero hindi eh. Kasi kung ako ang pinili ni Akeeyan, hindi na sana ako nasasaktan ng ganito. Kung ako ang pinili nya, maayos na sana ang lahat. Nakabalik na sana kami sa mundong kinabibilangan namin.
"Throy, please.", mahinang pakiusap ko kay Throy.
"Pero alam mo ang mas hindi ko maintidihan? Yung nararamdaman ko ngayon."
Bigla akong natigilan sa sinabing iyon ni Throy. Parang biglang sumikip ang dibdib ko at hindi makahinga. Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkapit nya sa akin at nakita ko na lang na nasa harap ko na sya.
"Dapat natutuwa ako dahil binata na ang kapatid ko. Dapat masaya ako dahil may nagpapatibok na ng puso nya. Pero bakit ganito? Bakit ako nasasaktan na malaman na ikaw ang babaeng mahal ng kapatid ko?"
I look directly to his eyes. All I can see is pain and sadness in his eyes. Bakit Throy? Gusto kong pigilan si Throy sa mga sasabihin pa nya. Dahil nag uumpisa na namang umasa ang puso ko. At hindi ito tama. Maling mali ito. Ngunit ayaw makisama ng mga paa ko. My mind is telling me that I need to go, I need to escape from him. Pero ayaw sumunod ng mga paa ko. Parang nagkaroon bigla ng magnet ang sapatos ko dahil hindi ko man lang maihakbang o maigalaw ang mga paa ko.
"Bakit Rysha? Anong ginawa mo sakin? Bakit napakalaki ng epekto mo sakin?"
"Throy, tama na please. Let me go."
"Alam kong mali dahil girlfriend ka ng kapatid ko. Pero sh*t Rysha, you're driving me insane. Simula sa unang araw nang pagkikita natin, hindi mo na ako pinatulog gabi gabi. Hindi mo na nilubayan ang isip ko. Bakit sa lahat ng pwede mong mahalin, bakit yung kapatid ko pa? BAKIT HINDI NA LANG AKO RYSHA?"
Tuluyan nang tumulo ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan.
"H-hindi ko alam ang mga sinasabi mo."
Marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya. Agad kong pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko at mabilis na umalis sa lugar na yun. Masyado nang madaming laman ang utak ko ngayon. Sabi ko naman diba, ayokong mag isip muna. Ayoko!
Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na lang ang mga braso ni Throy. Niyakap nya ako mula sa likuran na syang lalong nagpaiyak sa akin.
"Throy ano ba? Bitawan mo ako."
Kahit na umiiyak ay nagawa kong magsalita ng hindi nauutal. Mabuti na din na nasa likod ko sya dahil baka pag nasa harap ko sya ay mayakap ko lang din sya at hindi makapagsalita.
"Ngayon ko lang naramdaman to Rysha. Alam ko napakasarili ko pero pwede bang ako na lang. AKIN KA NA LANG RYSHA."
Lahat ng inipon kong lakas para makawala kay Throy ay biglang nawala. Nanlambot ang tuhod ko sa mga sinabi nya.
I've always been yours Throy, but you will never be mine. Dahil mismong mundo natin ang nagsasabing kahit kailan ay hindi pwede. Kung pwede nga lang sanang gumawa ng sariling mundo. Isang mundo na walang hahadlang sa atin. Isang mundo na pwede tayong dalawa. But we don't have a choice. I need to let you go.
AKEEYAN POV
"Brianna, teka lang. Kausapin mo ako."
Simula nang magising ako, hindi ko pa nakakausap ng matino si Brianna. Naging mailap sya sa akin simula nang sinabi ni ate Rysha na boyfriend nya ako. Maski nga si ate ay hindi ko pa nakakausap dahil simula nung nagwalk out sya sa clinic ay hindi na nya ako kinulit pa. Hindi din sya nagpapakita nitong mga nakaraang araw.
"Ano bang kailangan mo Akeeyan?", pagalit na tanong nya sa akin.
"Gusto ko lang magpaliwanag."
"About what?"
"About sa ating dalawa." , mahina kong sambit sa kanya.
Hindi ko alam kung may patutunguhan ba itong pag-uusap namin. Gusto kong ipaliwanag sa kanya na hindi ko talaga girlfriend si ate Rysha. Gusto kong ipaliwanag ang totoo kong pagkatao at ang totoong koneksyon namin ni ate. Gusto kong sabihin lahat lahat pero paano?
Handa ko na ba talagang suwayin si ate at ang buong pamilya ko? Handa ko na ba talagang talikuran ang mundong kinabibilangan ko para sa babaeng mahal na mahal ko? Para kay Brianna?
"Look Akeeyan, wala ka dapat ipaliwanag. Yung sinabi ko sayo, kalimutan mo na lang yun.", nakatungo nyang sabi sa akin.
"Paano ko kakalimutan yun kung ganun din ang nararamdaman ko para sayo Brianna?", deretso kong sabi sa kanya.
"Hoi Akeeyan, hindi porket umamin ako sayo ay may karapatan ka nang paglaruan ang feelings ko."
Deretso na ang tingin nya sa akin habang sinasabi nya yan habang nakapamewang pa. Saglit akong napangiti dahil bigla kong namiss ang pagkamataray at pagkasuplada nya.
"Hindi kita pinaglalaruan Brianna, seryoso ako."
"Seryoso ka sa akin? Wag mo nga akong paikutin Akeeyan. Hindi ako ipinanganak kahapon."
"Brianna, ano bang dapat kong gawin para maniwala ka sa mga sinasabi ko?", seryoso kong sabi sa kanya.
"Wala. Wala kang dapat gawin. Mas mabuti pa na puntahan mo na lang ang girlfriend mo. Oo, may nararamdaman ako para sayo but it doesn't mean na maninira ako ng relasyon. Hindi ako ganung klaseng babae Akeeyan. Kaya please lang, tigilan mo na ako."
She was about to go but I hold her hand tightly like I will not let her go. Masyado na akong maraming isinakripisyo para lang makasama sya. Maraming bagay ang isinantabi ko para lang maipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya. Ngayon pang nalaman ko na pareho pala kami ng nararamdaman, lalong lumakas ang loob ko na ipaglaban sya.
"Akeeyan, ano ba?", malakas na sabi sa akin ni Brianna.
"Maniwala ka sa akin Brianna, pareho tayo ng nararamdaman."
Malakas na itinulak ako ni Brianna kaya nabitawan ko sya. Ramdam ko ang water element nya na ginamit nya para makawala sa pagkakahawak ko.
"Ganyan ka ba ka-insentitive ha Akeeyan? Hindi mo ba talaga maramdaman na nasasaktan ako sa mga sinasabi mo? Iniiwasan na nga kita eh para hindi na ako masaktan pa. Ako na yung lumalayo. Ako na yung dumidistansya kasi alam mo kung bakit? Dahil ang sakit sakit na yung taong mahal mo, nakikita mo na nagmamahal ng iba. Tapos ipagpipilitan mo pa sa akin na mahal mo din ako? Anong kalokohan to Akeeyan hah? Gustong gusto mo ba talaga na nakikita akong nasasaktan?"
Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga luhang kumawala sa mata ni Brianna. No! Ayoko nang ganito. Hindi ko pinangarap na makitang umiiyak si Brianna ng dahil sa akin. Agad ko syang nilapitan at pinunasan ang mga luha nya.
"Maniwala ka sa akin Brianna, totoo lahat ng sinasabi ko.", seryosong seryoso na sabi ko sa kanya ngunit muli nya akong itinulak palayo sa kanya.
"Paano ako maniniwala sayo Akeeyan? Ni hindi mo nga masabi sa akin ng deretso na mahal mo ako."
Bigla akong natigilan sa sinabing iyon ni Brianna. Oo, hindi ko pa nababanggit sa kanya na mahal ko sya. Dahil hindi maaari. Sa oras na tahasan kong sinabi sa kanya ang salitang "mahal kita", tuluyan nang mawawasak ang mundo ko, ang mundo ng mga Psyche.
"Mahalaga pa ba yun Brianna? Simula nang nagkakilala tayo, pinaramdam ko na sayo na mahalaga ka sa akin hanggang ngayon. Hindi pa ba sapat yun?"
"Mahirap paniwalaan ang mga pinapakita mo Akeeyan kung kulang ka sa salita. Hindi ako manghuhula para hulaan ang ibig sabihin ng mga ipinapakita mo. Kaya wag mong asahan na maniniwala pa ko sayo. Akeeyan, ako na ang nakikiusap sayo. Please lang, wag mo nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko."
Unti unting tumalikod sa akin si Brianna. Hindi ko alam kung ano pang mararamdaman ko. Sobrang sakit na, yung sa bawat paghinga ko, nararamdaman ko yung sakit na nanunuot sa puso ko.
"Brianna, hindi totoong girlfriend ko si ate Rysha. At hindi totoong nagmamahalan kaming dalawa."
Dahil sa sinabi kong iyon ay biglang napalingon sa akin si Brianna at nagtatakang tumingin sa akin. Tiningnan ko din sya ng deretso para malaman nya na seryoso ako sa mga sinasabi ko.
"Bakit? Paano Akeeyan?"
"N-nagpapanggap lang kami ni ate Rysha."
"Para saan?"
"Para..para pagselosin si kuya."
Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko. Wala na kasi akong ibang maisip kung paano pa paniniwalain si Brianna na mahal ko sya. Bakit ba kasi bawal sabihin sa kanya ng deretsuhan? Hindi na sana ako nahihirapan ng ganito.
"Si kuya Throy mo?", hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Brianna.
"O-oo."
Pinagpapawisan na ako sa mga kasinungalingan na nasasabi ko. Sobrang nasasaktan ko na si ate, yet nagagawa ko pa din syang gamitin para makuha ang babaeng mahal ko. Sobrang selfish ko na ba? Ewan ko. Hindi ko na alam.
"Pero bakit?"
"Dahil mahal nya ang kuya ko. Eh alam mo naman si kuya diba, masyadong tahimik, ni wala pang nagugustuhan ata. Kaya yun ang naisip naming paraan para mapalapit si ate Rysha kay kuya Throy."
"Totoo ba yang sinasabi mo Akeeyan?"
"Kanina ko pa sinasabi sayo diba, pareho tayo nang nararamdaman. At totoong wala kaming relasyon ni ate Rysha. Kaya wag mo sanang isipin na niloloko lang kita dahil hindi ko magagawa sayo yun. Hindi kita kayang saktan Brianna."
"Akeeyan.."
Hindi na ko nakapagpigil at bigla ko na lang niyakap si Brianna. Isang napakahigpit na yakap.
Sa lahat ng nangyari at sa lahat ng mga sakripisyong ginawa ko, lalo ko lang napatunayan kung gaano ko kamahal ang babaeng yakap yakap ko ngayon. Kung pwede ko lang sanang itigil ang oras para habambuhay na lang kaming ganito, habambuhay kong yakap ang mahal ko, habambuhay syang nasa mga braso ko, iniingatan, inaalagaan at minamahal.
I don't want to let her go. I don't want to lose her. I just want to be with her until my last breath.
"Akeeyan."
Biglang bumitaw sa akin si Brianna nang may magsalita mula sa likod ko. At kahit hindi ko sya lingunin ay kilalang kilala ko ang boses nya.
"Totoo ba lahat ng narinig ko mula sayo?", mahinahon nyang tanong sa akin.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Napapikit din ako ng mariin at pilit pinipigilan ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Magkahalong takot, kaba, lungkot, pag-aalinlangan at sakit ang nararamdaman ko ngayon.
"Totoo lahat ng sinabi ko kuya Throy."
RYSHA POV
"Rysha!"
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagkauwi ko sa dorm. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa kwarto ay ito na agad ang bumungad sa akin.
"OMG!", gulat na sambit ni Zairah.
"Jhudiel, ano ba?", galit na tanong naman ni Lizeth.
Oo, si jhudiel ang sumampal sa akin. Kakauwi lang namin nina Lizeth at Zairah. Niyaya kasi ako nung dalawa na maglakad lakad muna bago umuwi sa dorm.
"Bakit Rysha? Paano mo nagawa sa akin ito?", galit na tanong sa akin ni Jhudiel.
"Ano bang pinagsasabi mo?", litong tanong ko sa kanya.
"At ngayon, nagmamaang-maangan ka pa?"
"Jhudiel, ano bang problema?", singit na tanong naman ni Zairah.
"Problema ko? Yan, yang malanding babae na yan ang problema ko.", dinuro duro pa nya ako habang sinasabi sa akin yan.
"Maghinay-hinay ka nga Jhudiel, kaibigan natin ang sinasabihan mo ng malandi.", sabi ni Lizeth.
"Kaibigan? Wala akong kaibigan na traydor."
"Teka nga Jhudiel, deretsuhin mo ako. Anong problema mo sa akin?"
Hindi na ako nakapagtimpi pa. Medyo tumaas na din ang boses ko dahil sa mga pinagsasabi sa akin ni Jhudiel. Bakit nya ako sasabihan na malandi at traydor? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginagawang masama sa kanya. In fact ay okay pa naman kaninang umaga.
"Alam mong mahal ko si Throy diba? Pero anong ginawa mo? Ginamit mo ang kapatid nya para makalapit ka sa kanya."
"A-ano?", hindi makapaniwalang sambit ko.
"Wow Rysha, bilib na bilib na talaga ako sayo. Ang galling mong umarte. Ang galling mong magpanggap. Ano? Planado ba ang lahat? Sinadya mong saktan si Akeeyan para mapansin ka ni Throy. Kunwaring nagpapaawa ka pero ang totoo, taktika mo lang yun para mapalapit sa kanya. At alam mo ang pinaka the best na ginawa mo, nagpanggap kang girlfriend ni Akeeyan para pagselosin si Throy. Ang galling galling mo Rysha. Ganyan ka ba kadesperado para makuha lang si Throy?"
"Ano bang---"
"Wag ka nang magdahilan pa Rysha, dahil huling huli na kita. Huling huli ko na yang mga galawan mo."
"Rysha, totoo ba yun? Nagawa mo ba talaga yun?", hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Zairah.
"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo Jhudiel.", naiiyak kong sabi sa kanya.
"Oh really? Sa tingin mo maniniwala pa ako sayo? Narinig ko lahat mula kay Akeeyan. Alam mo, naawa nga ako kay Akeeyan eh. Nakita ko kung paano sya nagmakaawa kay Brianna para lang paniwalaan sya nito. Mahal na mahal nila ang isa't isa Rysha pero dahil sa makasarili mong pag-iisip, nagkalabuan sila. Nasaktan nila ang isa't isa nang dahil sayo. Pati ako na kaibigan mo ay tinalo mo. Alam mo kung gaano ko kamahal si Throy tapos malalaman ko na lang na inaahas mo pala sya sa akin."
"Hindi ko sya inaahas sayo Jhudiel."
"Hindi? Eh anong tawag mo dun Rysha hah? Anong tawag mo dun?"
"Girls, teka, huminahon muna kayo.", awat sa amin ni Lizeth.
"Hindi ko kayang gawin yun. Hindi ko magagawa yun."
Unti unti nang pumapatak ang mga luha sa mata ko. Akeeyan, bakit? Bakit?
"Nagawa mo na Rysha, nagawa mo na."
"Jhudiel, tama na.", awat naman ni Zairah.
"Ang daya daya mo Rysha eh. Dalawang taon kong pinaghirapan na mapansin at mahalin din ako ni Throy pero wala akong napala. Hanggang kaibigan lang ang kaya nyang ibigay sa akin. Pero bakit ikaw? Wala pang dalawang buwan, pero nagawa mong paibigin si Throy. Okay lang sana kung ibang babae ka eh, pero bakit pa ikaw na kaibigan ko? Tinanggap ka namin sa grupo namin. Tinuring na kitang parang isang kapatid tapos gaganituhin mo lang ako. Bakit Rysha? Bakit?"
Kung alam mo lang sana Jhudiel. Kung naaalala mo lang sana ang lahat.
"Rysha, umalis ka na muna please.", pagtataboy sa akin ni Zairah.
Maski sina Lizeth at Zairah ay hindi na alam ang gagawin. Kaya mas minabuti ko na lang din na lumayo muna. Hindi din naman ako sinundan nina Lizeth at Zairah dahil alam kong dadamayan nila si Jhudiel. Buti pa nga si Jhudiel, nasasaktan pero may mga handang dumamay sa kanya samantalang ako, heto naglalakad mag-isa, hindi alam kung san pupunta.
Ramdam na ramdam ko ang pag-iisa ko ngayon. Ang lungkot lang isipin na ang mundong dating tumanggap sa akin ay tila tinatakwil na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na ding lumalabas na luha sa mga mata ko, tila naubos na. Sana ganun din ang sakit na nararamdaman ko ngayon, sana nauubos din ito. Pero hindi eh, ni hindi nga nabawasan sa halip ay nadagdagan pa. Ganito na ba talaga ang kapalaran ko? Ang mabuhay sa sakit?
"Rysha, okay ka lang ba?"
MICHAEL POV
Mukang malalim ang iniisip ni Rysha dahil hindi man lang nya ako napansin na nasa harap na nya ako. Ni hindi nya din sinagot ang tanong ko. Deretso lang sya sa paglalakad. At dahil hindi na ako nakatiis ay hinawakan ko sya sa braso nya. Agad naman syang humarap sa akin. Nagulat naman ako sa sunod nyang ginawa. Niyakap nya ako.
"Michael."
Narinig ko ang mahina nyang mga hikbi. Hindi ko man maintindihan ay niyakap ko na lang sya pabalik upang damayan sya sa kung ano mang pinagdadaanan nya ngayon.
Lalong lumakas ang pag-iyak nya dahil ramdam ko nang basa ang t-shirt ko. At kasabay ng pag-iyak nya ay ang pagpatak din ng malakas na ulan. Mabuti na nga lang at nandito kami sa may silong kaya hindi kami mababasa ng ulan.
"Rysha, kung ano man yang pinagdadaanan mo, tandaan mo na nandito lang ako. Handa akong makinig sayo.", seryoso kong sabi sa kanya.
Ngunit hindi sya nagsalita. Patuloy lang syang umiiyak habang nakayakap pa din sa akin. Hinayaan ko na lamang sya dahil mukang problemado talaga sya.
Ilang saglit pa ay bumitaw na sya sa akin. Agad ko naman syang tiningnan ngunit tumungo lang sya. Pilit nyang tinatago ang kanyang mukha.
"Rysha."
"S-salamat Michael at pasensya ka na din."
Tumalikod na sya at nagsimula nang humakbang. Parang wala pa din sya sa sarili nya dahil malapit na sya sa hallway na walang bubong. Deretso lang sya sa paglalakad at parang wala syang pakialam kahit na mabasa pa sya ng ulan. Kaya agad ko syang hinabol at pinigilan.
"Rysha, halika na. Ihahatid na kita sa dorm mo."
"Hindi ako pwedeng umuwi dun.", wala sa sarili nyang sabi sa akin.
"Ha? Anong ibig mong sabihin Rysha?", nagtataka kong tanong sa kanya.
Pero hindi nya na ako pinansin pa. Nagsimula na ulit syang maglakad kaya hinawakan ko ulit sya sa braso nya.
"Sandali Rysha, mababasa ka sa ulan."
"Okay lang ako Michael. Hayaan mo na muna ako."
Binawi nya ang kamay nya sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang higitin sya at yakapin ulit.
"Hindi ka pa okay Rysha.", mahina kong sabi sa kanya pero sapat na para marinig nya.
"H-hindi ko na kaya Michael. Sobrang sakit na. Ayoko na."
"Ano bang problema? Baka sakaling matulungan kita."
"Ayoko na Michael. Gusto ko nang sumuko. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya."