RYSHA POV
“Mabuti naman at gising ka na.”
Napabangon ako bigla nung pagmulat ko ng mata ay si tita Riya ang nakita ko. Nakangiti sya sa akin. Inilibot ko naman ang paningin ko sa kwartong kinalalagyan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang kwarto ko noon.
“Kamusta na ang pakiramdam mo hija?”, tanong pa nya sa akin.
“Maayos na po ako. Nasaan po ako?”
“Nasa bahay ka namin hija. Mataas kasi ang lagnat mo at nawalan ka daw ng malay kahapon kaya dinala ka ni Throy dito.”, paliwanag sa akin ni tita.
“Si Throy?”, hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
“Oo hija. Sya nga din ang nagbantay sayo buong magdamag. Napilitan nga lang syang umalis dahil may pasok pa sya.”
Gusto kong matuwa na mainis sa narinig ko. Gusto kong kiligin pero sa likod ng isipan ko, alam kong panandalian lang yun. Gusto kong matuwa dahil nag-aalala sya sa akin pero para saan pa? Alam ko namang darating ang panahon na lalayo na muli ako sa kanya. Dadating yung panahon na iiwan ko ulit sya.
“Kung hindi mo mamasamain hija, ano bang pangalan mo?”
“Rysha po. Ako po si Rysha.”
“Nice meeting you hija. Ako nga pala si Riya.”
“Salamat po tita Riya sa pagpapatuloy sa akin dito. Pero kailangan ko na pong umalis.”
“Dito ka na lang muna magstay hija. May lagnat ka pa.”, pigil sa akin ni tita Riya.
“Pero..”
“RYSHA!”
Naputol ang sasabihin ko nung biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Lizeth, Zairah at Jhudiel. Niyakap nila ako ng mahigpit na ikinagulat ko naman. Natulala na nga lang ako habang yakap nila ako.
“Hindi na sya makahinga dahil sa higpit ng yakap nyo.”
Awtomatikong napabitaw sa akin yung tatlo dahil sa sinabing iyon ni Throy. Nakasandal sya sa pader habang deretsong nakatingin sa akin. Napaiwas naman ako bigla ng tingin at ibinaling na lang ang atensyon kina Lizeth.
“Sorry Ry, super nag-alala lang naman kami sa 'yo eh.”, sabi sa akin ni Zairah.
“Oo nga, yun ba naman kasing hindi ka umuwi kagabi. Hindi namin alam kung saan ka na napadpad.”, dugtong naman ni Lizeth.
“Buti na lang, sinabi nitong si Throy kung nasaan ka.”, sabi naman ni Jhudiel na medyo namumula pa.
“May lagnat ka pa ba?”, nag-aalalang tanong sa akin ni Michael na kapapasok lang din sa kwarto.
“May sinat pa sya kaya mas mabuti siguro na dito muna sya tumuloy para maalagaan ko sya.”, singit ni tita Riya.
“Naku wag na po. Ayoko pong makaabala sa inyo. Okay na naman po ako eh.”
“Hindi ka nakakaabala ate.”
Lahat kami ay nabaling ang atensyon kay Akeeyan na kararating lang. Lumapit sya sa akin at sinalat ang noo ko. Nagkatinginan kaming dalawa.
“Ako lang ba to? O totoong may eye contact kayong dalawa?”, sambit ni Lizeth.
“Oo nga. Parang nag-uusap kayong dalawa sa pamamagitan lang ng mata.”, sabi naman ni Zairah.
Tama sila. Nagkakaintindihan kami ni Akeeyan ngayon kahit hindi kami nagsasalita. Yung tingin nya kasi, alam kong gusto nya akong magstay dito. Alam din nya na ayokong mangyari yun dahil maaaring magkalapit kami ulit ni Throy. Pero kung magstay naman ako dito, mas malaki ang chance kong makumbinsi ang kapatid ko na umuwi na sa amin. Lagi ko na syang makikita at makakausap nang sa ganun ay mapadali ang misyon ko.
“May something ba sa inyong dalawa?”, nakangiting tanong ni Jhudiel.
Magsasalita na sana ako kaso lang ay napatingin ako kay Throy na palabas na ng kwarto. Maski si Jhudiel ay napatingin sa kanya.
“Saan ka pupunta Throy?”, tanong ni Jhudiel.
“Magpapahangin lang.”, sagot naman ni Throy na hindi man lang kami nilingon hanggang sa tuluyan na syang nakalabas.
Ilang saglit lang ay sumunod sa kanya si Jhudiel na ikinangiti naman nina Lizeth at Zairah. Maski si Michael ay napangiti din. At ngayon ko lang na-realize, hindi nila kasama sina Aaron at Brylle. Nasaan kaya yung dalawang yun?
“Mukhang aamin na yung isa ah.”, nakangiting sabi ni Michael.
“Sino?”, sabay naming tanong ng kapatid ko.
“Si Jhudiel.”, sabay namang sagot nina Lizeth at Zairah.
Napahawak ako sa kumot ko ng mahigpit habang si Akeeyan ay tumingin sa akin na may halong pag aalala. Ngumiti lang ako sa kanya.
“Okay ka lang Ry? Naumumutla ka.”, biglang tanong sa akin ni Michael.
“Okay lang ako.”, maikli kong sagot sa kanya.
Okay lang ako. Sana nga okay lang ako. Sana nga.
JHUDIEL POV
Nakita ko si Throy na nakaupo lang sa ilalim ng isang puno. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sakin na lapitan sya. Ni hindi ko nga din alam kung bakit ko sya sinundan.
“Okay ka lang?”, tanong ko sa kanya nung makalapit ako.
Tiningnan nya lang ako at hindi sinagot. Nasaktan ako sa ginawa nyang yun pero sanay na din naman ako. Lagi naman kasi syang ganyan, hindi nya ako iniimikan o pinapansin. Mabait sya sa akin at napakabuting kaibigan, yun nga lang may time na hindi talaga nya ako pinapansin. Minsan nga, naiinggit ako kina Lizeth at Zairah. Mula pagkabata pa lang ay magkakasama na sila samantalang ako, dalawang taon pa lang mula nung mapasama ako sa barkada nila. Kaya siguro hindi pa ganun kalapit sa akin si Throy.
“Pumasok ka na sa loob.”, biglang sambit ni Throy.
“Bakit Throy? Bakit?”, sa halip na sundin sya ay yun ang nasabi ko.
Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at natanong ko yun sa kanya. Pero bahala na kung ano man ang kahahantungan ng pag-uusap naming dalawa.
“Anong bakit?”
“Bakit mo ako laging iniisnab?”
Bigla syang napatingin sakin kaya automatic na napaiwas ako ng tingin. Minsan talaga, ang sarap lagyan ng tape ang bibig ko. Masyadong straightforward eh.
“Ano bang pinagsasabi mo?”
“At nasasaktan ako sa ginagawa mo sakin.”, pabulong kong sabi pero alam kong dinig nya yun.
Tutal naman ay naumpisahan ko na ito, tatapusin ko na lang din. Gusto ko na din kasing malaman kung may patutunguhan ba ito. O kailangan ko nang sumuko.
“Jhudiel.”
“Dederetsuhin na kita Throy. May pag-asa ba na mahalin mo din ako? Kasi ako, mahal kita.”, deretso kong sabi sa kanya.
Hindi sya agad sumagot kaya lumingon ako sa kanya. Blangkong ekspresyon. Hindi ko mabasa ang iniisip nya dahil wala syang reaksyon na pinakita sakin. Parang alam na nya ang nararamdaman ko dahil hindi man lang sya nagulat. Ganun na ba ako ka-obvious?
“Kaibigan kita Jhudiel.”
“At hanggang dun na lang yun.”, pagputol ko sa sasabihin nya.
“I’m sorry.”
Kusa nang tumulo ang luha ko dahil sa pagsosorry nya. Inaasahan ko na ito eh. Alam kong hindi nya masusuklian ang nararamdaman ko para sa kanya. Pasaway lang talaga itong bibig ko. Kaya ito ngayon, isinampal na sakin ang katotohanan. Hanggang kaibigan lang ang kaya nyang ibigay sakin.
Some words are better left unspoken. Sana hindi na lang ako nagbakasakali. Sana hindi na lang ako sumubok. Sana hindi ko na lang nilinaw ang meron saming dalawa kasi mas lalo ko lang nalaman na malabo pala talaga. Malabong mahalin nya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya.
Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mahulog ako sa kanya. Alam ko namang hindi nya ako sasaluhin pero mas pinili ko pa ding bumitaw at mahulog. Sana pala hindi ako bumitaw. Sana pala mas hinigpitan ko pa ang kapit para hindi ako nahulog. Edi sana hindi ako nasasaktan ngayon. Edi sana buo pa ang puso ko.
“Jhudiel.”
“Okay lang Throy. Inaasahan ko na din naman ito eh.”, sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang luha ko.
“Mahahanap mo din ang para sayo.”
“May isang tanong lang ako Throy.”
“Ano yun?”
“May mahal ka na ba?”, lakas loob kong tanong sa kanya.
Tiningnan nya ako nang may pagkagulat sa mga mata nya. Hindi sya agad nakasagot sa tanong ko.
“Ang bilis mo kasing nasabi na hindi mo ako kayang mahalin. Kaya naisip ko na may mahal kang iba kaya wala kang pag-aalinlangan na sabihin yun sakin.”, deretso kong sabi sa kanya.
“Nababaliw ka na ata Jhudiel.”, natatawang sabi nya sa akin pero bakas pa din sa kanya ang pagkagulat.
“Bakit hindi mo masagot ang tanong ko?”, sa halip na tanong ko.
“Wala sa isip ko ang mga ganang bagay. Kayong tatlo nina Lizeth at Zairah ay mga kaibigan ko. Kayo lang naman ang kinakausap kong babae. Kaya kung iniisip mo na may mahal ako, nagkakamali ka.”
“Paano si Rysha?”
Muling natigilan si Throy sa sinabi kong iyon. Hindi ko din alam kung bakit nasama sa usapan si Rysha. Basta na lang syang pumasok sa isip ko.
“Anong meron kay Rysha?”
“Wala naman. Naisip ko lang na baka gusto mo sya.”, pagdadahilan ko.
“You’re insane. Hinding hindi ko magugustuhan ang babaeng yun.”
“Ganyan din ako dati. Sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ako mahuhulog sayo, pero ito ako ngayon, tuluyan nang nahulog sayo. Ang masaklap pa, hindi mo man lang ako nagawang saluhin.”
“Sorry pero hanggang dito na lang talaga eh. Ayokong paasahin ka dahil parang kapatid na din ang turing ko sayo. Ayokong masaktan ka dahil sa akin. Im sorry.”
“Sus, ayos lang yun. Inaasahan ko na din naman ito. I’m just glad na naging honest ka sakin. Sana lang ay walang magbago sating dalawa.”
“Oo naman.”
Masakit mafriendzoned. Pero okay na din. At least naisalba ang friendship namin. At least hindi nasira ang relasyong meron kami dahil sa pag-amin ko sa kanya ng nararamdaman ko.
AKEEYAN POV
Dalawang araw nagstay sa bahay si ate Rysha. Hindi kasi sya pinauwi ni mommy Riya hangga't hindi sya gumagaling. At sa loob ng dalawang araw na yun, wala silang ginawa ni kuya Throy kundi ang magbangayan. May pagkapasaway din kasi itong si ate kaya itong si kuya, nagagalit. Para silang mag-asawa kung magtalo.
Ang totoo ay kinikilig ako sa kanilang dalawa. Pero sa tuwing nakikita ko ang sakit sa mata ni ate, nagiguilty ako. Kaya nga mas pinili ko na lang na wag syang tingnan sa mga mata nya. Hindi man kasi ipakita ni ate ang nararamdaman nya, madali naman itong makita sa mga mata nya.
Alam kong masama akong kapatid. Alam kong napakaselfish ko. Pero wala eh, ganito talaga ako. Ngayon lang ako nagmahal nang ganito at gusto kong maranasan ang magmahal at mahalin. Masakit nga lang isipin na buong pamilya ko ay nadadamay sa mga nagiging desisyon ko. Sana lang ay maintindihan nila kung bakit ko ito ginawa. Sa ngayon kasi, gusto ko munang magpakaselfish. Kahit ngayon lang, kahit saglit lang ay maging masaya ako. Kahit panandalian lang. Kahit ang kapalit nito ay matinding sakit. Handa na ako sa magiging consequence ng mga desisyon ko.
"Hi Akeeyan!"
Naputol ang pag-iisip ko nung batiin ako ni Stella. Awtomatiko naman akong napangiti nang makita kong kasama nya si Brianna.
"Hi Brianna!", nakangiti kong bati sa kanya.
"Ay! Ako ang bumati pero yung kasama ko ang pinansin.", sambit naman ni Stella.
"Hello Stella!"
"Tara na nga Stella.", parang naiinis na sabi ni Brianna.
Hinila nya palayo si Stella. Agad naman akong naalarma kaya hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya.
"Galit ka ba sakin?", seryoso kong tanong sa kanya.
"Alis muna ako.", singit ni Stella na naglalakad na palayo sa amin.
"Stella."
Sinubukang alisin ni Brianna ang pagkakahawak ko sa kanya pero hindi ko yun hinayaan.
"Let me go!", galit nyang sabi sa akin.
"Ilang araw mo na akong hindi pinapansin. Bakit?"
"Bakit kita papansinin? Sino ka ba sa buhay ko? Alam mo nakakainis ka na eh. Ang kulit kulit mo. Pwede bang tigilan mo na ako?"
That hits me. Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko pati ang t***k ng puso ko.
Bigla akong napabitaw kay Brianna dahil sa sinabi nyang yun. Okay naman kami nung mga nakaraang araw ah. Medyo nagiging close na nga kami. Pero bakit naging ganito? Bakit galit na galit sya sa akin na halos ipagtabuyan na nya ako?
Ganito pala yun. Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan. Parang tinutusok ang puso ko nang paulit ulit. Hindi ko alam na ganito pala yun. Paano nakaya ni ate ang ganitong sakit?
"Pasensya na Brianna. Sige. Hindi na kita guguluhin pa. Pasensya na talaga."
Tumalikod ako sa kanya at sa pagtalikod kong yun ay kusang tumulo ang mga luha ko. Oo nga naman, sino nga ba ako sa buhay nya para pansinin nya. Ako lang naman yung kinaiinisan nya ng sobra dahil sa mga pangungulit ko.
Ganito pala masaktan. Sana pala nakinig na lang ako kay ate. Sana pala hindi ko na sinubukang pumunta sa mundong ito para makilala ko ng husto si Brianna. Sana pala nakuntento na lang ako na tingnan sya mula sa Psyche World. Sana pala hindi na ako naghangad na mas makilala pa sya. Sana hindi na ako nag expect pa. Edi sana okay ako ngayon. Edi sana hindi na nadamay pa si ate. Edi sana maayos ang lahat ngayon.
Kailangan pa palang maramdaman ko yung sakit bago ako magising, bago ako matauhan. Kailangan ko nang makausap si ate.
BRIANNA POV
"Ouch! Ang harsh mo naman sa kanya."
Napalingon ako kay Stella na nasa likod ko lang pala. Akala ko ba umalis na tong babaeng to? Tss.
"Sinabi ko lang yung totoo.", seryoso kong sabi sa kanya.
"Totoo? Totoong wala lang sya sa buhay mo?"
Hindi ako nakasagot sa tanong nya sa akin. Para kasing tinamaan ako sa sinabi nya kahit hindi naman. Wala naman talaga sa buhay ko yang Akeeyan na yan. Hay, ang gulo. Ewan ko.
"Ano? Natahimik ka? Hay naku, dala lang kasi yan ng selos."
"Selos?"
"Oo, aminin mo na kasi. Nagseselos ka dun kay Rysha."
"H-hindi ah. Bakit naman ako magseselos?"
Tiningnan akong mabuti ni Stella, yung parang imbestigador na nang-iimbestiga. Tapos nakapamewang pa habang nakatingin sakin.
"Hay naku, yan ang hirap sa 'yo eh. In denial.", iiling iling na sabi nya.
"In denial? Hay naku ka din. Kung ano anong iniisip at sinasabi mo dyan."
"Ay ewan ko sayo. Wag sanang dumating yung panahon na kung kelan wala na sya, saka mo marerealize lahat. Pag-isipan mo yan Brianna, mahirap magsisi sa huli."
Pagkasabi nya nun ay tumalikod na sya sa akin at naglakad palayo.
RYSHA POV
"Ate Rysha."
Natigil kami sa pagkukwentuhan nina Lizeth nung biglang dumating si Akeeyan. Seryoso syang nakatingin sa amin.
"Bakit?", tanong ko sa kanya.
"Pwede ka bang makausap?"
Bigla akong kinabahan dahil ngayon ko lang nakitang seryoso ang kapatid ko. Maski nga sina Lizeth at Zairah ay nakakunot ang noo.
Nagpaalam ako sa dalawa at sumunod kay Akeeyan na nauna nang maglakad. Nakita ko pa nga si Throy na nakakunot din ang noo habang sinusundan kami ng tingin.
"Ano ba yun Akeeyan? Bakit sobra mo atang seryoso ngayon?", tanong ko agad sa kapatid ko nung makarating kami sa may garden.
Pero imbis na sagutin ako ay niyakap nya ako ng mahigpit kasabay ng mahihina nyang hikbi.
"What happened?"
Naiiyak na din ako dahil ngayon ko lang nakitang ganito si Akeeyan. Nangyari na ba ang kinatatakutan ko?
"Sana pala nung una pa lang, nakinig na ko sayo ate. Kasi sobrang sakit pala."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Akala ko wala nang mas sasakit pa sa pag-iwan sa mahal mo. Pero mas masakit pala yung inakala mong magugustuhan ka din nya kahit ang totoo ay hinding hindi mangyayari yun."
"Akeeyan."
Wala akong masabi sa kapatid ko. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob nya.
"Umasa ako ate. Umasa ako na magiging iba ang kapalaran ko. Umasa ako na hindi ako magiging katulad mo. Umasa ako na hindi ako masasaktan ng ganito."
"Akeeyan, akala ko ba handa ka sa mga ganitong sitwasyon?"
"Yun din ang akala ko ate. Pero kahit gaano ka pala kahandang masaktan, masasaktan at masasaktan ka pa din."
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kapatid ko at deretsong tumingin sa mga mata nya.
"Anong balak mo ngayon Akeeyan?"
"Sasama na ko sayo pabalik sa mundo natin ate."
Dapat masaya ako sa narinig ko dahil tagumpay ang misyon ko. Sasama na sakin ang kapatid ko sa mundo namin pero bakit ganito? Bakit malungkot ako? Bakit mabigat ang pakiramdam ko? Bakit parang may kung ano ang humahatak sa akin palayo sa katotohanang babalik na kami sa Psyche World?
"Sige Akeeyan. Maghanda ka na dahil tatlong araw mula ngayon, uuwi na tayo.", nakangiti kong sabi sa kanya.
Ngumiti din sya sa akin pero bakas pa din sa mga mata nya ang lungkot. Kung may magagawa lang sana ako para maibsan ang sakit na nararamdaman ng kapatid ko ngayon. Pero tulad ko noon, wala kaming magagawa kundi tanggapin na lang ang nakatadhana sa amin bilang mga psyche.
BRIANNA POV
Masyadong mabigat ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Nakokonsensya ako sa sinabi ko kay Akeeyan. Hindi ko na talaga alam.
At dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi ko nakita na may kasalubong pala ako. Mukang hindi din nya ako nakita. At dahil sa lakas ng pagkakabunggo namin ay pareho kaming napaupo sa sahig.
"Sor---"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung makilala ko kung sinong nakabangga ko. Maski sya ay natigilan din.
"Ian."
Mas lalo akong natigilan nung banggitin nya ang nickname ko. Paano nya nalaman yun? Wala na kasing tumatawag sa akin na Ian, lahat sila ay Brianna ang tawag sa akin maski ang bestfriend ko.
Pinagmasdan ko ang mukha nya especially ang mga mata nya. At bigla na lang sumakit ang ulo ko. Parang may kung ano ang pilit hinahalukay sa utak ko.
"Nagkita na ba tayo dati?"
Yan na lang ang naitanong ko sa kanya na ikinagulat naman nya. Tumayo ako at ganun din sya na gulat pa din ang mababakas sa mukha nya.
"How come? I'm just new here.", parang kinakabahan nyang sagot sa akin.
Pero hindi ako kuntento sa sagot nya. Pakiramdam ko may itinatago sya sa akin. Pakiramdam ko matagal ko na syang kilala. Pakiramdam ko ay malaki ang naging parte nya sa buhay ko. Pero imposible nga naman yun. Dahil bago lang sya dito sa academy at ngayon lang kami nagkausap ng ganito.
"Ate Rysha!"
Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya.
"Akeeyan.", sabay din naming banggit kay Akeeyan na deretsong nakatingin kay Rysha.
Hindi nya ata ako napansin dahil kay Rysha lang sya nakatingin. Or siguro hindi talaga nya ako pinansin dahil sa mga nasabi ko kahapon.
"Nagugutom na ako ate. Tara na."
Hinila nya palayo si Rysha. Ni hindi man lang nya ako nilingon or binati. Sumulyap pa sakin si Rysha hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
So hindi na ako nag-eexist sa paningin ni Akeeyan ngayon. Napabuntong hininga na lang ako. Dapat masaya ako dahil sa wakas wala nang mangungulit sakin. Wala nang mang-aasar o mang-iinis sa kin.
Tama yan Brianna. Maging masaya ka sa mga nangyayari. Wala nang asungot sa buhay mo. Wala nang istorbo. Wala nang mang-aasar. Wala nang mang-iinis. Wala nang Akeeyan.
"Ang sakit noh."
Naputol ang malalim kong pag-iisip nang bigla na lang sumulpot sa tabi ko si Stella. Tumingin ako sa kanya na may pagtataka sa mukha ko.
"Yan ang napapala ng mga in denial."
"Ano bang mga pinagsasabi mo dyan?"
"Hay naku Brianna. Hanggang kelan ka magsisinungaling sa sarili mo? Kapag tuluyan nang nawala si Akeeyan sa buhay mo?", deretso nyang tanong sa akin.
Hindi ako nakasagot sa tanong ng bestfriend ko. Tumalikod na lang ako sa kanya at naglakad palayo. Pero ang makulit kong bestfriend ay sinundan ako.
"Ano? Bakit hindi ka nakasagot? Alam mo kasi Brianna, you just need to be honest with yourself. In that case, hindi mo kailangang malito sa sarili mo."
"I don't know what you're talking about Stella."
Narinig kong bumuntong hininga si Stella.
"Sige, this is the last time na pagsasabihan kita about sa inyo ni Akeeyan. Pero sana Brianna, pag-isipan mong mabuti ang bawat desisyon na gagawin mo dahil dyan nakasalalay ang kasiyahan mo. I'm a concern bestfriend here. I know you but you know yourself more. Just be honest with yourself.", and with that, iniwan ako ng bestfriend ko.
Para akong nagising dahil sa sinabi ng bestfriend ko. Yeah, I need to be honest with myself. Pero what if huli na ako? What if wala na ding saysay kung magpakatotoo man ako sa sarili ko?
RYSHA POV
"So, dinadaan-daanan mo na lang sya ngayon?", tanong ko sa kapatid ko nung makarating kami sa cafeteria.
"What to do? Kesa naman sa masaktan ako. Edi iwasan na lang sya.", malungkot na sagot nya sa akin.
"Avoiding her is not the cure for a broken heart Akeeyan."
"Yeah, I know ate."
"You still have two days para makausap sya at makapagpaalam ng maayos.", seryoso kong sabi sa kanya.
"Hindi ko ata kayang kausapin sya ate. Mas mabuti na lang siguro yung ganito."
"Sige, desisyon mo yan. Hindi kita pipilitin."
"Eh ikaw ate, kakausapin mo ba si kuya Throy bago tayo umalis?"
"What for?"
"Kapag umuwi na tayo, aalisin mo sa kanila ang alaala na inilagay ko sa kanila. Ibig sabihin nun, babalik naman ang alaala nila na inalis mo. Maaalala ka nila."
Hindi ako nakaimik sa sinabing iyon ng kapatid ko. Totoo ang sinabi nya. Sa oras na makabalik kami sa psyche world, aalisin ko na ang mga pekeng alaala nila na inilagay ni Akeeyan. Pero kapalit nun ay ang pagbabalik ng mga alaalang inalis ko sa kanila. Maaalala na nila ako. Maaalala na nya ako.
Hindi ko alam kung handa ba ako sa maaaring mangyari pero no choice ako.
"Sorry ate."
Napatingin ako sa kapatid ko na nakayuko habang magkasalikop ang mga kamay.
"Sorry for causing you too much trouble. Kung nakinig lang sana ako sayo nung una pa lang, wala sanang ganito."
"Wala na tayong magagawa Akeeyan. Nangyari na ang nangyari. I know you already learned your lesson. Ang kailangan na lang nating gawin ay tanggapin ang consequence nang mga naging aksyon mo.", seryoso kong sabi sa kanya.
AKEEYAN POV
After naming kumain ni ate Rysha ay nagderetso na lang ako sa may gym para tumambay. Iniisip ko pa din yung ginawa kong pag iwas kay Brianna kanina. Hindi ko alam kung pano ko nagawang balewalain sya. Marahil ay dahil na din sa sakit na idinulot nya sa akin.
Pero andito ako ngayon, pinagmamasdan sya. Dito ko talaga piniling tumambay dahil dito din sya tumatambay ng ganitong oras.
Masakit ang iwanan na lang sya basta. Pero sino nga ba naman kasi ako sa buhay nya. Wala lang ako sa kanya, manatili o umalis man ako sa buhay nya, hindi sya maaapektuhan. Ganun ako ka-wala LANG sa kanya.
Bigla akong napaiwas ng tingin nung bigla syang tumingin sa kinaroroonan ko. At heto na naman ang puso ko, sobrang bilis ng t***k. Kahit pala sobra nya akong nasaktan, malaki pa din ang epekto nya kahit sa simpleng paglingon nya lang kahit pa na hindi ako ang tinitingnan nya.
"Akeeyan."
Parang tumigil bigla ang mundo ko nung makita kong nasa harapan ko na ang kanina lang ay tinatanaw ko sa malayo. Nakatayo sya ngayon sa harapan ko at hindi ko alam kung ngingitian ko ba sya o lalayo na lang.
"Pwede ka bang makausap?"
I can't utter any word. Parang nawala bigla ang dila ko. Para akong wala sa sarili na blangkong nakatingin lang sa kanya. Wala din akong ibang marinig kundi ang boses nya lang at ang malakas na t***k ng puso ko.
"Gusto ko lang magsorry sa nasabi ko sayo nung isang araw. I didn't mean it, I mean..hay, pano ba to?"
Gusto kong matawa dahil sa inaakto nya ngayon. Halatang kinakabahan sya at hindi nya malaman kung pano ipapaliwanag ang sarili nya. I was hurt pero sa pagsosorry pa lang nya, parang gusto kong mag assume na may pag-asa pa ako sa kanya.
"Kalimutan mo na lang yung sinabi ko sayo. Sorry."
"Bakit ko naman kakalimutan yun? Wala lang ako sayo diba? Kailangan kong itatak yun sa utak ko para maiwasan ko nang kulitan ka."
"I didn't mean it Akeeyan."
"So hindi ako WALA LANG sa buhay mo? You mean, I'm already part of your life?"
Hindi ko na napigilan ang mapangiti dahil sa biglang pamumula ng pisngi ni Brianna.
"Ewan ko sayo. Nagsosorry na nga yung tao, kung ano ano pang sinasabi ko. Apology accepted or unaccepted lang naman ang isasagot mo eh.", nakapout nyang sabi.
Huminga ako ng malalim. Tutal naman, dalawang araw ko na lang makakasama si Brianna, lulubusin ko na. Bahala na kung masaktan ulit ako.
"I'm just wondering. Bakit ba inis na inis ka sakin nun, to the point na nasabi mo sakin ang mga salitang ayokong marinig mula sayo."
Narinig ko syang bumuntong hininga at yumuko pa na parang nahihiya sakin.
"I'm..ahm..I'm just jealous that time because I think I'm already falling for you Akeeyan. And I don't wanna lose you. Ngayon pa, na nasanay na ako na nandyan ka sa buhay ko. Yeah, I fell inlove with you Akeeyan. I love you!"
Paulit ulit na nagpeplay sa utak ko ang mga katagang yan. Gusto kong tumalon sa sobrang tuwa. Gusto kong yakapin ng mahigpit ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na sa wakas, mahal din ako ng babaeng mahal ko. Gusto kong ipakita sa buong mundo na itong babaeng nasa harapan ko ngayon ay mahal din ako. Gusto kong suklian ang sinabi nya. Gusto kong sabihin na mahal ko din sya. Pero bakit ganito? Nanlalabo ang mga mata ko at parang bumabagal ang t***k ng puso ko. Nauubusan na din ako ng lakas kahit hindi ko ginagamit ang kapangyarihan ko.
"Akeeyan!"
Isang sigaw ang huli kong narinig bago ako nilamon ng dilim.