44

3871 Words
THROY POV "Sinaktan ka ba nya?" Yan agad ang tanong ko kay Akeeyan nung makalayo sa amin si Rysha. Sinamaan naman ako ng tingin ng kapatid ko na ipinagtaka ko. "I told you, wala syang ginagawang masama sa akin. Ikaw pa nga ang nanakit sa kanya.", galit na sabi nya sa akin. "Sigurado ka ba dyan? Baka tinatakot ka lang ng babaeng yun." "Kuya, she's a nice girl. Don't be too harsh to her just because of what happened. She will never hurt me." Hindi ko alam kung makokonsensya ba ako sa sinabing iyon ni Akeeyan. Gusto kong isipin na sinasabi lang nya yun dahil tinakot sya ni Rysha. Pero there's a part in me na totoo ang mga sinasabi nya. At nakaramdam ako ng pagkaguilty lalo na at nasugatan ko pa si Rysha. "Saan ka pupunta?", tanong ko sa kapatid ko nung maglakad sya. "Susundan ko si ate Rysha, gusto kong makasigurado na okay lang sya." Galit ang kapatid ko, ramdam ko yun. At sa tagal na naming magkasama, ngayon lang ata sya nagalit sa akin ng ganito. "Wag na, ako na lang." Nagulat si Akeeyan sa sinabi ko, maski nga ako ay nagulat din. Pero hindi ko na lang ininda pa yun, lumapit na lang ako sa kapatid ko at tinapik ko ang balikat nya. "Sige na, bumalik ka na sa classroom mo. Ako na ang bahala sa kanya." "P-pero kuya ako na lang. Baka kung ano pang mangyari kapag ikaw ang sumunod sa kanya." "Matapos mo akong konsensyahin. Akeeyan, sige na." Nagdadalawang isip pa sya kung susundin ba nya ako o hindi. Bumuntong hininga sya bago nagsalita ulit. "Sige kuya, but please lang, be nice to her. She's in deep pain at wag mo nang dagdagan pa yun." Pagkasabi nya nun ay umalis na sya habang ako naman ay naiwang tulala dito. Rysha is in deep pain? How come? I mean paano naman nalaman yun ni Akeeyan. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at tinahak ang daan kung saan naglakad si Rysha. Saan na kaya nagpunta yun? Sa paghahanap ko ay napadpad ako sa may garden. Nakita ko sa isang bench ang babaeng kanina ko pang hinahanap. Nakaupo lang sya doon habang nakatingala sa mahiwagang puno. Ang mahaba nyang puting buhok ay tinatangay ng hangin. Malamlam ang mga mata nya na nakatitig lang sa mga sanga ng puno na sumasabay sa ihip ng hangin. Hindi ko naiwasan na titigan o pagmasdan sya. Hindi ko din alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Parang nawala din ang lahat ng nasa paligid ko at sya lang ang nakikita ko. Ang bilis din ng t***k ng puso ko at parang na-stuck na ako sa kinatatayuan ko. I want to hug her but why? Hindi ko maintindihan. Naputol ang pag-iisip ko nung mapadako ang tingin ko sa braso nya na may sugat. Dumudugo pa din ito pero parang wala syang pakialam. My leafblades are painful pero bakit parang wala lang sa kanya yun. Ni hindi nya nga ginamot ang sugat na yun. At ngayon ko lang na-realize ang deep pain na tinutukoy ni Akeeyan. Maybe she is longing for someone. Baka namimiss na nya ang mga naiwan nya sa mundo ng mga tao. Kinuha ko na lang ang panyo ko sa bulsa at agad na lumapit sa kanya. Nagulat pa nga sya nung makita nya ako pero hindi sya nagsalita. Ibinalik nya lang ulit ang tingin nya sa puno. Bumuntong hininga naman ako saka ako naupo sa tabi nya. Itinali ko sa sugat nya ang dala kong panyo. Muli syang tumingin sa akin na puno ng pagtataka. Umiwas ako ng tingin at tumingala na lang din sa may puno. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin na lang din sya puno. Ilang sandali lang ay naglakas loob akong magsalita. "I'm sorry.", mahina kong sabi pero sapat na para marinig nya. Hindi nya ako pinansin at hindi din sya nagsalita. Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis. Nagsorry na nga ako pero parang wala lang sa kanya yun. "Ganyan ka ba talaga? Nagsorry na ako oh. Inaamin ko na, nagkamali ako. Pansi---" "I really need to talk to him.", pagputol nya sa sinasabi ko. Ramdam ko sa boses nya ang kagustuhang makausap ang kung sino mang 'him' na tinutukoy nya. "Who? Your father? Or your boyfriend in normal world?" Baka ito na ang sinasabi ng kapatid ko na Rysha is in deep pain. Maybe nami-miss nya nga talaga ang pamilyang kinalakihan nya sa normal world. Baka may boyfriend sya dun na naiwan. Hindi kasi pwede ang isang Maxime sa isang normal na tao. Kaya wala na syang choice kundi iwan ang taong mahal nya. "Your brother. I need to talk to him." "Bakit? Anong kailangan mo kay Akeeyan?", nagdududa kong tanong sa kanya. Pero imbis na sagutin nya ako ay umirap lang sya. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Tinatanong ko syang maayos tapos iirapan nya lang ako. "I just want to make sure that my brother is safe from you.", seryoso kong sabi sa kanya. "He is safe with me.", seryoso din nyang sabi sa akin. "How can I trust you?" This time ay nakatitig na ako sa kanya habang sya naman ay nakatingin pa din sa mahiwagang puno. "What I need is your brother, not your trust.", mataray nyang sabi sa akin. "Ano ba talagang kailangan mo sa kapatid ko?", naiinis kong tanong sa kanya. Nakakapagtaka na kasi. Ano ba talagang kailangan nya kay Akeeyan? Bakit gustong gusto nya itong makausap? Hindi kaya may namamagitan sa kanilang dalawa? Pero imposible dahil ate ang tawag sa kanya ni Akeeyan. At saka ang alam ko ay si Brianna ang gusto ng kapatid ko. Naputol ang pag-iisip ko nung biglang tumayo si Rysha. Hindi nya sinagot ang tanong ko at naglakad sya palayo sa akin. Tss. Ang lakas naman ng loob nyang talikuran ako. Ano bang klaseng babae itong si Rysha? Tsk. Tumayo na lang din ako at naglakad na din. Nakakailang hakbang pa lang ako nung makita ko si Akeeyan na nagtatago sa likod ng isang puno. "Anong ginagawa mo dyan?" Nagulat si Akeeyan nung bigla akong magsalita. Napakamot pa sya sa batok nya. "Nag-aalala kasi ako. Baka kasi magkaroon ng delubyo kapag magkalapit kayo ni ate Rysha, if you know what I mean." "Sige na, sundan mo na sya. Mukang kailangang kailangan ka nyang makausap.", sabi ko na lang sa kanya. "Kailangang kailangan talaga.", mahina nyang sambit. "Teka nga Akeeyan, sa pagkakaalam ko si Brianna ang gusto mo, wag mong sabihing pinagsasabay mo silang dalawa?", nagdududa kong tanong. "Kuya naman! Loyal ako kay Brianna noh. At saka si ate Rysha? Kilabutan ka nga. Hindi ako magkakagusto dun ah." Napatawa na lang ako sa tinuran ng aking kapatid. Binata na nga si Akeeyan. Binata na ang kapatid ko. "Eh ano bang kailangan sa 'yo nung babaeng yun?" "Ewan ko, eh bakit curious ka kuya?", nakangisi nyang tanong sa akin. "Tss. Wala akong gusto dun noh. Nagtataka lang ako." "Teka, wala naman akong sinabi na may gusto ka sa kanya ah. Defensive mo ata kuya." Mas lalong ngumisi sa akin si Akeeyan na ikinainis ko. Tumalikod na lang ako sa kanya at naglakad na. "Ang dami mong alam dyan. Kausapin mo na lang sya para matapos na ang kung ano mang kailangan nya sayo." Pagkasabi ko nun ay nagderetso na ako sa paglalakad at hindi na nilingon pa ang kapatid ko. BRIANNA POV "Girl, si Akeeyan yun di ba?" Napalingon ako dun sa itinuro ni Stella. Pabalik na kami dapat sa classroom namin ngunit itong bestfriend ko ay tumigil sa paglalakad at itinuro nga si Akeeyan. Nagtaka naman ako dahil ang daang tinatahak ni Akeeyan ay palayo sa classroom nya. Saan naman kaya pupunta ang lalaking yun? Eh teka nga, ano bang pakialam ko sa kanya. Tss. "Sundan natin." Hinigit ako ni Stella at sinundan nga namin si Akeeyan. "Teka nga, bakit ba natin sya sinusundan?", tanong ko sa bestfriend ko. "Sus, kunwari ka pa. Alam ko namang curious ka din kung saan sya pupunta." Natahimik naman ako sa sinabing iyon ni Stella kasi may point sya. Curious talaga ako kung san pupunta si Akeeyan. Curious lang naman eh. Yun lang yun. Pareho kaming natigilan ni Stella nung matanaw namin si Akeeyan na may kayakap na babae. "Hala sya. Teka, yun yung bagong estudyante dito diba?", sabi ni Stella. Tumingin ako kina Akeeyan na magkayakap pa din. Since nakatalikod sa amin si Akeeyan kaya kitang kita ko ang babaeng kayakap nya ngayon. Well, I admit maganda sya kaso nga lang ay sobrang puti ng buhok nya. At parang mas matanda sya kay Akeeyan. Eh bakit ba sinusuri ko yung babaeng yun, as if namang may pakialam ako sa kanila. "Tara na nga. Tss." Tumalikod ako at naglakad na papunta sa classroom namin. Humabol naman sa akin si Stella. "Baka naman kaibigan nya lang yun Brianna.", sabi nya sa akin habang naglalakad kami. "Tss. Kaibigan? Madami din naman akong kaibigan na lalaki pero hindi nila ako niyayakap ng ganun.", mataray kong sabi sa kanya. Totoo naman eh. Halos lahat ng kaklase kong lalaki ay kaibigan ko. Pero ni minsan wala pang nagtangkang yumakap sa akin. Samantalang yung babaeng yun, kung makayakap kay Akeeyan, akala mo eh matagal na silang magkakilala. Eh kelan lang naman sya dumating sa mundo namin. Ano yun, instant close agad sila? "Ay, maka-react sya oh. Affected ka girl?" "Affected? Ako? Wala akong pakialam sa kanila noh. Kahit maghapon magdamag pa silang magyakapan dun." Ano bang pakialam ko sa Akeeyan na yun? Eh sya lang naman ang lalaking laging nangungulit sa akin noon, laging nambubwisit. Mabuti nga at andun na sa bagong estudyante na yun ang atensyon nya, at least wala nang mangungulit sa akin ngayon. Magiging payapa na ang bawat araw ko sa academy na ito. "Nakakatuwa ka Brianna.", nakangiting sabi sa akin ni Stella. Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Eh kasi naman, kung makareact ka parang girlfriend ka ni Akeeyan.", nakangiti pa din nyang sabi sa akin. "Excuse me?", mataray kong sabi sa kanya. "Sus, in denial ka pa. Aminin mo, nainis ka nung makita mo silang magkayakap noh?" Napaiwas naman ako ng tingin sa bestfriend ko. Nilaro laro ko na lang ang ballpen ko at nagsulat sulat na lang ng kung ano ano sa notebook ko. "Sino ba namang hindi maiinis, magyakapan ba naman sa loob ng academy. PDA. Tss." "Yun ba talaga ang dahilan? Oh baka naman kaya naiinis ka ay dahil sa katotohanang kayakap nya ay iba at hindi ikaw?" "Ano bang pinagsasabi mo dyan? Kulang ka pa ata sa tulog eh, kung ano anong naiisip mo." "Hay naku Brianna, kilala na kita. Wala kang maitatago sa akin." "Eh ano ba namang itatago ko sayo aber?" "Na nagseselos ka.", nakangisi nyang sagot sa akin. "Selos? Ako? Nahihibang ka na Stella.", iiling iling kong sabi sa kanya. "Sabagay, kahit hindi mo sabihin o aminin Brianna, halata naman na nagseselos ka." "Alam mo, hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo. Tigilan mo nga ako.", naiinis kong sabi sa kanya. "Pikon ka na agad eh. Sige, tatahimik na ako. Pero Brianna, nice name hah." Itinuro sa akin ni Stella ang notebook na pinagsusulatan ko. Pagtingin ko naman dun ay agad kong nabitawan ang ballpen ko. Akeeyan Akeeyan Akeeyan Akeeyan Sh*t. Bakit puro pangalan nung lalaking yun ang nakasulat sa notebook ko? Argghh. Pinunit ko ang pahinang puro pangalan ni Akeeyan ang nakasulat. Nilukot ko iyon at agad itinapon sa basurahan. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Stella pero hindi ko na lang sya pinansin. Baka kung ano ano na namang sabihin nya kapag kinausap ko pa sya. Tss. RYSHA POV "Ate." Lumingon ako kay Akeeyan at bigla naman nya akong niyakap. Hindi ko na din napigilan ang yakapin sya pabalik dahil namiss ko ang kapatid ko. Sobrang namiss ko si Akeeyan. "Sorry ate. Sorry.", bulong nya sa akin habang nakayakap pa din. "Hindi ko maintindihan Akeeyan. Ano ba talagang nangyayari?" Sa daming tanong na naglalaro sa aking isipan ay iyon na lamang ang nabigkas ng bibig ko. Gulong gulo na kasi ako sa mga nangyayari. Ang misyon ko lang naman ay ang pauwiin si Akeeyan sa mundo namin. But everything becomes complicated. Hindi na lang kasi ang kapatid ko ang involved, kundi lahat ng Maxime na nakapaligid sa kanya ay damay na din sa sitwasyong ito. Bumitaw sa akin si Akeeyan at tiningnan ako ng deretso sa mga mata. "I'm really sorry ate." "Akeeyan, wala ka na bang ibang pwedeng sabihin kundi sorry? Would you mind explaining what really is happening now?", galit kong tanong sa kanya. "I used your Zircon gem.", mahina nyang sagot sa akin pero dinig na dinig ko. Natigilan ako at pilit pinoproseso sa utak ko ang sinabi ng kapatid ko. Hindi ko alam kung ano bang tamang dapat maramdaman. Pero kahit nagulat ako ay nagawa ko pa ding magsalita. "You used my gem to manipulate their memories?", hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Naisip ko kasi na kung mailalagay ko sa mga alaala nila na ako ang bunsong anak nina Riya at Jethro, hindi na ako mahihirapan pa na ipaliwanag ang sarili ko sa kanila." Gusto kong sigawan ang kapatid ko. Gusto ko syang saktan, sampalin. Pero natuod lang ako sa pwesto ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa ito ng kapatid ko. Ni minsan ay hindi ko naisip na nakawan ako ng sarili kong kapatid. At ang masaklappa ay ang gem ko ang kinuha nya. "Pero ate, ibinalik ko naman yung gem eh. Nasa pangangalaga mo na ulit ang Zircon gem." "Akeeyan, that's not my point. Kinuha mo ang gem ko ng walang permiso at ginamit mo pa ito sa mga Maxime. Paano mo nagawa yun?" Hindi ko na napigilan pa ang maiyak dahil sa mga ginawa ng kapatid ko. "Ate, intindihin mo naman ako. Nagmahal lang ako ate." "Alam mo ba ang maaaring mangyari hah Akeeyan? Kapag inalis mo na ang alaala mo sa kanila, babalik ang alaalang binura ko sa isip nila." Kapag napapayag ko na si Akeeyan na bumalik sa mundo namin, kailangan nyang burahin ang mga alaalang inilagay nya kina Throy. At kapag ginawa nya yun, maaalala ako nina Throy at yun ang ayokong mangyari. "H-hindi ko alam ate.", nakatungo nyang sabi sa akin. "Ngayon mo sabihin sa akin Akeeyan, paano ko magagawang intindihin ka?" "Pero ate, karapatan nilang maalala ka. Naging parte ka ng buhay nila kaya dapat lang na ibalik mo ang alaala nila." "Alam mong hindi pwede Akeeyan." "Pwede yun ate, ayaw mo lang gawin dahil ayaw mo silang masaktan." Muli akong natigilan dahil sa sinabi nyang iyon. "Oo, tama ka. Ayaw kong gawin yun dahil ayaw kong masaktan sila. Because that's the least I can do to save them from the pain that I cause to them. Hindi nila deserve na masaktan nang dahil sa akin, kasi wala silang ibang ginawa sa akin kundi ang mahalin ako at tanggapin sa mundong ito. They don't deserve it. HE doesn't deserve to cry because of me." "You really love him right? Kaya inaasahan ko na maiintindihan mo lahat ng ginawa ko para sa mahal ko." "Hindi mo alam Akeeyan kung gaano kadaming beses na hiniling ko na sana hindi ko na lang sya nakilala. Na sana hindi na lang nawala ang mga gem ko noon. Na sana hindi ako napadpad sa mundong ito. Na sana hindi ako napalapit sa kanya at nahulog sa kanya. Na sana hindi ko na lang sya minahal." Lumapit sa akin si Akeeyan at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Pero hindi naman mahalaga diba kung magkasama kayo. Ang mahalaga ay alam mo sa sarili mo na minahal ka din nya. Oo, hindi natin pwedeng makasama ang mga mahal natin. But you had memories with him. At yun din ang gusto kong mangyari, ang magkaroon ng memories with Brianna." Binawi ko ang kamay ko kay Akeeyan at tumalikod sa kanya. Pinunasan ko din ang mga luha ko gamit ang aking kamay. "It's hard to live with memories only Akeeyan. Hindi sapat na alaala na lang ang lahat ng pinagsamahan namin. Because the moment those memories played in my mind reminds me that we can't be together. That those memories will remain memories and will never happen again. And it hurts. It really hurts." "Ate." "Alam mo ba kung bakit gusto kong bumalik ka sa mundo natin? Hindi lang dahil sa kaligtasan ng psyche world, kundi dahil din sa kaligtasan ng puso mo. Pinagdaanan ko lahat Akeeyan, alam mo kung gaano ako nasaktan dahil sa pagmamahal ko sa isang Maxime. At ayokong maranasan mo ang naranasan ko." "Pero ate, masaya ako sa ginawa ko. Masaya ako na nakikita at nakakausap ko ang babaeng mahal ko." "Masaya ka ngayon Akeeyan, paano kapag bumalik na tayo sa mundo natin? Masaya ka pa din ba?" "Ate Rysha." "Akeeyan, bumalik na tayo sa mundo natin hangga't maaga pa." "Ate, huli na. Dahil mahal na mahal ko na si Brianna." "Akeeyan." "Ate please. I'm sorry pero ayoko pang iwanan si Brianna." Humarap ako sa kapatid ko. Hindi na din ako nag-abala pang punasan ang mga luha ko dahil patuloy lang naman ito sa pagtulo.Nakita ko naman ang pagkuyom ng palad ni Akeeyan. I know him. He doesn't want to see me crying. "Akala ko wala nang mas sasakit pa sa katotohanan na hindi pwedeng magmahal ang diwata sa isang Maxime. Akala ko wala nang mas sasakit pa sa katotohanan na kailangan kong iwan si Throy noon at kalimutan. Pero nagkamali ako. Pinakamasakit pala ay ang makita mong muli ang mahal mo pero hindi mo na sya pwedeng yakapin, hindi mo na sya pwedeng makasama pa." "Ate Rysha." "Pero okay lang. Sanay na akong masaktan nang paulit ulit. Kaya kahit alam kong masasaktan lang ako sa pagbalik ko sa mundong ito, ginawa ko pa din. Kasi sinabi ko sa sarili ko na hindi ako papayag na maranasan mo ang nararanasan ko. I don't want you to live in shadows of sadness and breathe in thorns of pain Akeeyan. Kaya please, makinig ka sa akin. Makinig ka sa ate mo." "Sorry ate for causing you too much pain. I know napakaselfish ko.Pero gusto ko kasing maranasan at maramdaman ang mahalin ng mahal mo. Alam mo bang sobrang nainggit ako sayo dahil madami kayong pinagsamahan ni kuya Throy. Kaya nga I made a decision na makasama din si Brianna kahit saglit man lang. At sobrang saya ko ate kasi sa wakas, pinansin na din nya ako. Alam mo ba yan, sobrang saya ko na hindi ko maexplain." "Nakita mo kung gaano ako nasaktan Akeeyan, handa ka bang maranasan yun? Handa ka bang harapin ang consequence ng desisyon mo ngayon? Kakayanin mo ba Akeeyan?" Natahimik bigla si Akeeyan at hindi nakasagot sa mga tanong ko. Lumapit ako sa kanya at ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa balikat nya. "Umuwi na tayo Akeeyan.", seryoso kong sabi sa kanya. "Nakayanan mo ang sakit diba. Kaya alam kong makakaya ko din.", buong tapang nyang sabi sa akin. "Hindi ko na alam Akeeyan kung ano pang dapat kong sabihin para maintindihan mo lahat. Hindi ko na alam." Tumalikod na ako sa kanya ngunit sa pagtalikod ko ay bumungad sa akin ang nag-aalalang si Throy. Pinunasan ko ang mga luha ko at tipid na ngumiti sa kanya. "Wag kang mag-alala, wala akong ginawang masama sa kanya.", sabi ko sa kanya habang nakataas pa ang dalawa kong kamay. "Ate Rysha.", nag-aalinlangang tawag sa akin ni Akeeyan. Naglakad na ako at nilagpasan ko si Throy na hindi ko alam kung sa akin ba nakatingin o kay Akeeyan. Hindi na lang ako nagsalita pa ulit at nagderetso na lang sa paglalakad. Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay may bigla na lang humila sa kamay ko. Sa lakas nito ay napaharap ako sa humila sa akin. Hindi agad ako nakapalag kaya malayang nayakap ako ni Throy. "T-throy." "Bakit ganun Rysha? Bakit nasasaktan din ako kapag nakikita kitang umiiyak?", pabulong nyang sabi sa akin. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa narinig mula kay Throy. Hindi ko na din napigilan pa ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko at hindi ko na alam kung paano pa maaalis ang sakit na nadarama ko. "Throy." THROY POV Yakap ko pa din si Rysha sa hindi ko malamang dahilan. Nung makita ko syang umiiyak ay may kung ano sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Kusa na nga lang ding kumilos ang katawan ko para yakapin sya. This is weird. Ano bang nangyayari sa akin? Naputol ang pag-iisip ko nung biglang bumigat si Rysha. "Ate Rysha!", sigaw ng kapatid ko at dun ko lang narealize na nawalan ng malay si Rysha. Agad ko syang binuhat at nagderetso agad ako sa clinic habang ang kapatid ko ay nakasunod lang sa akin. "Kuya, anong nangyari sa kanya?", nag-aalalang tanong ni Akeeyan. "Hindi ko alam, kayo ang magkausap kanina diba.", naiinis kong sabi sa kanya. Halos takbuhin ko na ang pagpunta sa clinic dahil sa biglaang pagkawala ng malay ni Rysha. At sobrang nag-aalala ako sa kalagayan nya.She is just Rysha and I am really worried about her. I can't help myself. Sh*t. Nang makarating ako sa clinic ay napamura na lang ako sa aking isipan. Bakit ngayon pa nagsara ang clinic? Hindi na ako nag-isip pa at nagderetso na agad ako sa bahay. Nakasunod pa din sa akin si Akeeyan na may sinasabi pa ngunit hindi ko naman maintindihan. Hindi ako makapag isip ng ayos dahil sa babaeng buhat ko ngayon. Tsk. Bakit ba ganito ang epekto nya sa akin? Inilapag ko si Rysha sa kama ko at sinalat ko ang noo nya. "Mataas ang lagnat nya.", nag-aalalang sabi ko kay Akeeyan. Wala pa naman ngayon si mom dahil nasa House of Council pa sya kasama si dad. "Akeeyan, kumuha ka ng bimpo at tubig.", utos ko sa kapatid ko. Agad naman nyang sinunod ang sinabi ko. Pagkalabas nya ay pinagmasdan ko si Rysha. Hindi ko din napigilan na hawakan ang kamay nya. Sobrang init din ng kamay nya pero hindi ko ininda yun. "Rysha, sino ka ba talaga? Bakit ganito ang epekto mo sa akin?" Nung unang makita ko si Rysha, nakaramdam agad ako ng inis sa kanya. Lalo na nung muntik na nyang saktan ang kapatid ko. Pero nagbago ang lahat nung makita ko syang umiiyak.Parang nasasaktan din ako nung makita kong nasasaktan sya. Weird. Binitawan ko ang kamay nya nung bumukas ang pinto at pumasok si Akeeyan. Ibinaba nya sa table ang mga gamit na ipinakuha ko sa kanya. Kinuha ko naman ang bimpo at binasa yun. Inilagay ko ang bimpo sa noo ni Rysha. "Okay lang ba sya kuya?" "Hindi ko alam Akeeyan. Sa ngayon ay ito lang muna ang alam kong gawin para bumaba ang lagnat nya." Pabagsak na umupo si Akeeyan sa sahig at hinawakan ang noo nya. Pinagmasdan ko ang kapatid ko. "Akeeyan, sabihin mo nga sa akin, anong pinag-usapan nyo ni Rysha? Bakit sya umiiyak? Matagal na ba kayong magkakilala?" "Kuya, mahirap iexplain. Saka ko na lang ipapaliwanag sayo. Ang mahalaga ay ang gumaling sya." Hindi na ako nagsalita pa. Ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Rysha na wala pa ding malay. Sino ka ba Rysha sa buhay ng kapatid ko? Sino ka ba sa buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD