THIRD POV
"Good morning class!"
"Good morning Miss."
"Magsiupo ang lahat sapagkat ngayon natin tatalakayin ang isa sa sikat na nobela ng ating mundo."
Agad na nagsiupo ang lahat at mabuti na lamang na nakaabot pa si Sachi. Agad siyang umupo sa upuan niya. Isang linggo siyang wala sa academy kaya isang linggo din ang nalipasan niyang mga aralin ng klase.
"Babasahin ko sa inyo ang unang yugto ng nobela kaya makinig kayong mabuti. Ang kwentong babasahin ko sa inyo ay hango sa isang diwata na bumalik sa mundo natin para sa iaang misyon."
"Ms. Rysha, this will be your room."
Napatingin ako sa pintuang nasa harapan ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko hinarap ang guardian na naghatid sa magiging kwarto ko dito sa Special Academy.
"Salamat."
Ngumiti sa akin ang guardian then umalis na siya. Naiwan akong mag-isa sa harap ng pinto na hindi ko alam kung bubuksan ko ba o hindi. Napailing na lang ako. Nandito ako para sa kapatid ko, iyon lang dapat ang nasa isip ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto nung kusa itong bumukas. Bumungad sa akin ang isang babae na napakalawak ng ngiti.
"Hi! Ikaw ang bagong student?" tanong niya sa akin.
Hindi ko magawang makapagsalita dahil nalunok ko ata ang dila ko kaya tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya.Sa dinami dami ng pwede kong makasama sa kwarto, bakit siya pa?
"I'm Lizeth. You are?"
Lizeth, kung alam mo lang kung sino ako.
"Hey Zeth, papasukin mo muna siya," narinig kong sigaw ng isa uling pamilyar na babae. It's Zairah.
"Ai oo nga, pasok ka muna."
Tumango na lang ako at pumasok sa magiging kwarto ko rin. Pinagmasdan ko ang paligid. May dalawang double deck, mga cabinet at table. Malawak ang kwartong ito. Ganito pala ang dorm sa Special Academy.
"So what's your name?" nakangiting tanong sa akin ni Zairah.
"I'm Rysha."
Kapwa natigilan ang dalawa na ikinakaba ko naman. Pero nawala rin ang kabang iyon nang ngumiti sila pareho.
"Nice name! As I said a while ago, I'm Lizeth."
"And I'm Zairah."
"Nice meeting you Rysha," sabay nilang sabi na ikinangiti ko.
Wala pa rin silang ipinagbago. Sila pa rin sina Lizeth at Zairah na nakilala ko. At masaya ako na okay sila. Pero may isa pang kulang.
"Nandito na raw ang bago nating roommate!"
Sabay sabay kaming napalingon sa babaeng dumating. And speaking of 'may isa pang kulang'.
"Hi! I'm Jhudiel," pagpapakilala niya sa akin.
"I'm Rysha," nakangiti kong sabi sa kaniya.
"So anong Special mo?" excited na tanong sa akin ni Lizeth.
"Ahm, air ang Special ko."
"Lumaki ka sa mundo ng mga tao 'di ba? Kelan mo natuklasan ang Special mo?" sunod sunod na tanong ni Zairah.
"Zairah, wag mo namang bugbugin ng tanong si Rysha. I'm sure pagod pa yan dahil sa portal na dinaanan niya. Pagpahingahin mo muna siya," singit naman ni Jhudiel.
"Okay okay. Take some rest Rysha. And get ready dahil first day mo sa klase bukas," nakangiting sabi sa akin ni Zairah.
Tumango na lang ako sa kanila bilang sagot. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana. Sa dami ba naman kasing estudyante na pwede kong maging ka-roommate, sila pa talagang tatlo.
Muli akong bumalik sa mundong ito dahil sa kapatid kong si Akeeyan. Kailangan ko siyang pabalikin sa mundo namin dahil baka kung ano pang kabalastugan ang gawin niya sa mundong ito. Baka tuluyan niyang suwayin ang forbidden rule.
Ito ang pinakaiiwasan kong mangyari, ang matulad siya sa akin. Pero mukhang hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman nya. Tuluyan na siyang nahulog kay Brianna o Ian. Kaya wala na akong ibang magagawa kundi ang paglayuin sila, katulad ng ginawa ko sa AMING DALAWA. At kapag dumating sa puntong yun, sana ay makayanan ng kapatid ko ang sakit.
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may kumatok sa pintuan.
"May bisita ba tayong dadating?" nagtatakang tanong ni Jhudiel.
"Sayo, wala. Pero sa amin, meron," nakangiting sagot ni Zairah habang binubuksan ang pinto ng kwarto namin.
"Hi girls!" masayang bati ni Aaron na may dala pang mga supot.
Pumasok siya sa loob kasunod si Brylle na may dalang mga inumin. Nung makita nila ako ay natigilan sila saglit. Biglang sumulpot din si Michael na natigilan din.
"Ahm, siya nga pala si Rysha, new roommate namin. Rysha, sila si Aaron, Brylle at Michael," pagpapakilala ni Lizeth.
Ngumiti ako sa kanila at ganun din sila sa akin. Sumulyap pa ako sa may pintuan pero mukhang silang tatlo lang ang magkakasama. Lihim akong nakahinga ng maluwag at the same time ay na-disappoint. Dahil aaminin ko, gusto ko SIYANG makita ulit.
"Oh bakit kulang kayo?" tanong ni Jhudiel.
"Bakit? Hinihintay mo ba si Throy?" nakangising tanong naman ni Michael.
"Sira! Hindi ah," pagtanggi naman ni Jhudiel.
Muli kong naramdaman ang mga karayom na tumutusok sa dibdib ko. Akala ko ay tuluyan nang nawala ang mga karayom na yun, pero nandito na naman sila, nagpaparamdam.
"Sus, ayaw pang aminin, may gusto ka kay Throy eh," pang-aasar ni Michael.
Mas lalong nadagdagan ang mga karayom sa dibdib ko. Hindi ko na lang yun ininda at itinuon ko na lang ang pansin ko sa ibang bagay.
Patuloy naman sila sa mga kulitan nila. Dati, kasama ako sa mga kwentuhan at asaran nila. Pero ngayon, nao-OP na ako.
"Ahm guys, labas muna ako. Lilibutin ko lang ang academy para mai-familiarize ko," pagdadahilan ko sa kanila.
"Samahan ka na namin," pagpiprisinta ni Michael.
"Ah hindi na, okay lang ako. Sige, mauna na muna ako."
Pagkasabi ko nun ay lumabas na agad ako para hindi na sila magpumilit pa na samahan ako.
Nasa may paliko na akong daan nang bigla akong may nakabungguan na lalaki. Sa lakas ng impact ay napaupo ako sa sahig. Hindi ko napansin na may kasalubong pala ako dahil sa pagmamasid ko sa paligid ko, nagbabaka sakali na mahagip ng paningin ko ang aking kapatid.
"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" singhal sa akin ng nakabanggaan ko.
"Ikaw pa----"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang makilala ko kung sino ang nakabangga ko. Hindi ko na nga rin nagawang makatayo dahil parang nanigas ang buong katawan ko nang makita ko siya.Mukha na akong ewan sa harap niya habang siya ay inis na nakatingin sa akin.
"Tss."
Nilagpasan niya lang ako at hindi man lang niya ako tinulungang makatayo. Napailing na lang ako. What do I need to expect? Hindi niya ako kilala. Pero ang nakakapagtaka lang, kailan pa siya naging rude sa isang babae?
"Ano? Wala kang balak tumayo dyan? Mukha kang ewan."
Lumingon ako kay Throy na nasa harap na ng pinto ng kwarto namin nina Lizeth. Nakahawak siya sa doorknob habang nakatingin sa akin.
"Wala kang balak tulungan ako? Mukha kang rude."
Hindi ko balak sabihan yan pero kusang bumuka ang bibig ko. Hanggang sa makakaya ko ay ayokong makipag-usap sa kaniya. Kahit alam kong magkukrus ang landas namin, pilit kong iiwasan na magkita kami. Pero pasaway itong utak ko, bagkus na umiwas ay gumawa pa ng paraan para magkaroon kami ng conversation.
"Hindi ko kasalanang mahina ka kaya ka tumumba," walang kalatoy latoy na sabi niya.
"At hindi ko rin kasalanan na ikaw ang bumangga sa akin kaya ako natumba."
Rysha, ano bang ginagawa mo? Iiwas ka sa kaniya 'di ba? Tsk.
"Eh kung tumatayo ka na dyan, edi okay na sana," naiinis niyang sabi sa akin.
"Eh kung tinulungan mo sana ako, edi tapos na sana."
Kailangan ko ata ng duct tape para sa bibig ko kapag nasa harap ko ang lalaking ito.
"Ang arte mo."
Naglakad palapit sa akin si Throy at akmang tutulungan ako pero agad akong tumayo bago pa man siya tuluyang makalapit sa akin. Tiningnan naman niya ako ng masama.
"Kung kanina mo pa sana ako tinulungan, edi sana hindi na tayo nag-uusap pa ng ganito."
Tumalikod na ako sa kaniya at nag-umpisa nang maglakad palayo.Hindi ko inaasahan na magkikita agad kami sa unang araw ko dito sa mundong ito. Kailangan ko na agad makita at makausap si Akeeyan para makabalik na kami sa mundo ng mga diwata.
"S-sandali."
Natigilan ako nang biglang magsalita ulit si Throy. Hindi ako lumingon sa kaniya pero tumigil ako sa paglalakad. Nanatili lang akong nakatalikod sa kaniya habang hinihintay ang kung ano mang sasabihin pa niya.
"You're a transferee right? Dahil parang ngayon lang kita nakita," mahinahon niyang sabi sa akin.
"Yeah," maikli kong sagot at naglakad na ulit ako.
"Teka lang, what's your name?" pahabol pa niyang sabi sa akin.
"Itanong mo na lang sa mga kaibigan mo."
"What? Sa mga kaibigan ko?"
Napangisi na lang ako at binilisan ko na ang paglalakad para makalayo na sa kaniya. Tinatawag pa niya ako pero hindi ko na siya pinansin.
Baka mas mahirapan pa ako kapag pinagpatuloy ko pa ang pakikipag usap sa kaniya. Si Akeeyan lang ang ipinunta ko sa mundong ito, kaya dapat ko na siyang matagpuan sa lalong madaling panahon.
"Hey!"
Nahinto ako sa paglalakad dahil may humila sa braso ko. At napairap na lang ako nung makita kong si Throy ang may gawa nun. Hindi ko ata napansin na sinundan pala niya ako.
"What do you want?" walang emosyon kong sabi sa kaniya kahit na ang bilis bilis ng t***k ng puso ko.
"What's your name?" seryoso niyang tanong sa akin.
"Why?"
"Anong why?"
"Bakit mo tinatanong?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Kaya tumalikod na lang ulit ako sa kanya.
"I just want to know."
"Rysha."
After kong sabihin yun ay lumayo na ulit ako sa kanya. At hinihiling ko na sana ay wag na nya akong sundan o kausapin pa.
THROY'S POV
Napailing na lang ako nung sinabi nung babae ang pangalan nya. Tss. Ang dami pang arte, sasabihin din pala naman nya ang pangalan nya. Pinatagal pa ang usapan eh.
Pero bakit ko nga ba naisipang itanong ang pangalan nya? Tss.
Pumasok na lang ako sa kwarto nina Lizeth at naabutan ko pa silang nagkukwentuhan habang kumakain. Nung makita naman nila ako ay natigilan sila saglit.
"Oh ayan na pala ang hinihintay mo eh," nakangising sabi ni Michael kay Jhudiel.
Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng pisngi ni Jhudiel. Hindi na lang ako nagreact at naupo na lang ako sa tabi ni Brylle. Hindi naman sa pagmamayabang pero nahahalata kong may gusto sa akin si Jhudiel. Maski sina Michael ay napapansin yun. Hindi ko na lang ginagatungan ang mga pang aasar nila dahil baka kung anong isipin ni Jhudiel. Ayoko syang paasahin. Dahil aaminin ko, hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
"Saan na kaya napadpad si Rysha? Baka naligaw na yun."
"Rysha? You know her?" gulat kong tanong kay Lizeth.
"Yeah, bago naming roommate. Bakit? Kilala mo sya?" sagot naman sa akin ni Lizeth.
"Hindi naman. Nakabanggaan ko lang sya nung papunta ako dito," walang gana kong sabi sa kanya.
Naalala ko na naman yung sagutan namin nung babaeng yun. Tss. Kabago bago pa lang, ang tapang tapang na. Akala mo bihasa na sya sa Special nya. Kung ganun ang iaasta nya dito, paniguradong marami syang makakaaway.
Kawawa sya kapag nagkataon lalo na kapag ang nakaaway nya ay mga malalakas na Maxime.
"Anong nangyari?" tanong ni Zairah.
"Wala," maikli kong sagot.
Tumingin naman silang lahat sa akin na akala mo ay may ginawa akong masama.
"What?
"Wala kang ginawa?" mapanghinalang tanong ni Aaron.
"Kilala ka namin Throy,"dugtong pa ni Michael.
Yeah, they know me. Ang pinakaayoko sa lahat ay yung binabangga ako. Oo bugnutin ako, mabilis mainis o magalit, madalas akongmay makaaway sa academy. Inaamin ko naman na hindi ako ganito dati, pero iba na ngayon. Hindi ko alam kung bakit.
"Fine! Hindi ko sya pinansin. Pero hindi sya agad tumayo kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihan sya ng hindi maganda. Kaya ayun, nagkasagutan kami."
"Ano ka ba naman Throy, pati transferee pinapatulan mo," sabi sa akin ni Zairah.
"Tss. Eh anong magagawa ko kung hindi sya tumitingin sa dinadaanan nya."
"Edi sana iniwasan mo na lang. Babae yun pre," seryosong sabi sa akin ni Michael.
"Type mo?" seryoso kong tanong sa kanya.
May mga nasungitan na din kasi akong mga babae. At ngayon lang naging ganito si Michael. Ngayon nya lang ako pinagsabihan regarding sa pakikipag away ko.
"What?"
"The girl named Rysha, type mo."
Hindi ako sinagot ni Michael kaya isa lang ang ibig sabihin nun, type nya nga ang babaeng yun. Tss.
"Hala, type mo si Rysha?" nakangiting tanong ni Jhudiel sa kanya.
"So? She's beautiful," maikling sagot ni Michael.
Blue eyes, long eyelashes, pointed nose, white hair? Saan ang maganda dun? Tss. Pero weird, ngayon lang ako nakakita ng Maxime na kulay puti ang buhok. Hindi kaya matanda na sya na nagpapanggap na estudyante ng academy?
"Throy, muka kang timang. Nakangiting mag-isa o," puna sa akin ni Jhudiel.
"Naisip ko lang yung si Rysha, para syang matanda kasi puti na lahat ng buhok nya," tatawa tawa kong sabi sa kanya.
"Excuse me."
Sabay sabay kaming napalingon nung may nagsalita sa may pinto.
RYSHA POV
Pupunta sana ako sa may garden kaso nakita ko si Nerissa na naglalakad papunta din doon. Kinabahan ako bigla, at hindi ko din alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nagkausap kami. Kaya mas minabuti ko na lang na bumalik sa kwarto. Mas matitiis ko pang makita si Throy kesa kay Nerissa.
Pero pagbukas ko ng pinto ay saktong narinig ko ang sinabi ni Throy.
"Naisip ko lang yung si Rysha, para syang matanda kasi puti na lahat ng buhok nya," tatawa tawa kong sabi sa kanya.
Awtomatikong napataas ang kilay ko at hindi ko napigilan ang hindi magsalita.
"Excuse me."
Sabay sabay silang lumingon sa akin at mababakas sa kanila ang gulat lalo na kay Throy. Tiningnan ko ng masama si Throy pero ang loko ngumisi pa.
"Dadaan ka? Daan na," sabi pa nya sa akin.
Inirapan ko na lang sya at nagderetso agad ako sa kusina para uminom ng tubig. Malaki ang kwarto kaya may mini kitchen kami.
"Ilang taon ka na ba? Bakit puti lahat ng buhok mo?" tanong nya sa akin nung matapos akong uminom.
Nagpalabas ako ng air special sa palad ko at deretsong tumingin sa kanya.
"It's not my age. It's my Special," seryoso kong sabi sa kanya.
"Wow Rysha, nakokontrol mo na ang Special mo,"manghang sabi sa akin ni Zairah.
"Mula nung malaman ko na may Special ako, sinubukan ko na itong kontrolin dahil ayokong makapanakit ng iba," sagot ko na lang sa kanya at saka dinifuse ang Special ko.
"Nice," nakangiting sabi sa akin ni Michael.
Napangiti na lang din ako. Hindi pa din sila nagbabago well except siguro kay Throy.
"Good for you then," nakangising sabi sa akin ni Throy.
Hindi ko gusto ang ngisi nyang yun. At hindi nga ako nagkamali, dahil bigla na lang nya akong binato ng leaf blade. Umiwas ako sa leaf blade nya pero nahagip nito ang ilang hibla ng buhok ko.
"Throy!" gulat na bigkas nina Lizeth.
Pero ang Throy ay ngumisi lang sa akin habang ako naman ay masamang nakatingin sa kanya.
"What? Sinusubukan ko lang ang galing nya," pagdadahilan pa ni Throy.
"Mabuti pa siguro ay umuwi na kayo. Magkita kita na lang tayo sa school bukas," sabi ni Lizeth kay Brylle.
"Mabuti pa nga siguro dahil tinotopak na naman itong si Throy," pagsang-ayon naman ni Brylle.
Tumayo na silang lahat.
"Rysha, nice meeting you. Pagpasensyahan mo na lang itong si Throy hah," seryosong sabi sa akin ni Michael.
"Nice meeting you too," nakangiti ko namang sabi sa kanya.
"Tss. Tara na!"
Padabog na lumabas ng kwarto si Throy. Problema na naman nun?
"Sige na, kitakits na lang bukas. Bye!"
Lumabas na din sina Michael, Brylle at Aaron habang sina Lizeth ay niligpit na ang mga pinagkainan nila. Naupo naman ako sa higaan ko habang nakatingin sa kanila.
"Ganun ba talaga yung Throy na yun?" seryoso kong tanong sa kanila.
"Naku, pagpasensyahan mo na lang hah. Medyo rude talaga sya. Ewan ko nga ba dyan sa lalaking yan, bigla na lang nagbago," pagkukwento ni Jhudiel.
"Sa amin nga lang sya hindi ganyan eh. Pero sa iba, naku ubod ng sungit," dugtong naman ni Lizeth.
"Dinaig pa nga ang brokenhearted dahil sa mga inaasta nya," sabi naman ni Zairah.
"Brokenhearted ba?" pagtatanong ko pa.
"Sus, paano mabobrokenhearted yan? Eh wala nga atang nagugustuhang babae."
Napatingin ako bigla kay Jhudiel na parang biglang nalungkot dahil sa sinabi ni Lizeth. Siniko naman ni Zairah si Lizeth at itinuro ang nakatungong si Jhudiel.
"S-sorry Jhudiel, that's not what I mean," hinging paumangin agad ni Lizeth.
"No, okay lang. Alam ko naman eh," nakangiting sabi ni Jhudiel.
"You liked him?" tanong ko sa kanya.
Gulat na tumingin sa akin si Jhudiel. Then marahan syang tumango. Lihim akong napabuntong hininga habang pinilit na ngumiti sa kanila.
"I see. Pero what if may gusto din sya sa 'yo?"
"Imposible Rysha. Magugunaw muna ang mundo bago mangyari yan," tatawa tawang sabi ni Jhudiel pero bakas naman sa kanya ang lungkot.
"Paano mo naman nasabi?"
"Basta," maikli nyang sagot sa akin.
Hindi na lang ako nagtanong pa at pinili na lang na tumahimik. Humiga na lang ako sa higaan ko which is yung taas nung bed ni Jhudiel kasi double deck naman sya.Iniisip ko ang mga nangyari kanina, ang mga pagsusungit ni Throy sa akin. Hindi ko ineexpect na ganun ang magiging trato nya sa akin sa muli naming pagkikita. Hindi naman sa umaasa ako na makikilala nya ako, pero base kasi sa pagkakakilala ko sa kanya, he is a nice person. Kahit stranger ako sa paningin nya, hindi nya ako susungitan ng ganun. But then, everything has changed.
"Ahm Rysha."
Naputol ang pag-iisip ko nung bigla akong tinawag ni Lizeth. Nakahiga na din sya sa bed nya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Gusto ko lang tawagin ang pangalan mo. Hehe."
"Seriously?" tatawa tawa kong tanong sa kanya.
"Hahaha. Wag mo na lang akong pansinin," sabi naman nya sa akin.
"Naku, masanay ka na kay Lizeth. Baliw kasi yan.", sabi sa akin ni Zairah.
"I know," pabulong kong sabi.
"Hah?" sabay na tanong sa akin nina Lizeth at Zairah.
"Nothing."
"Pero Rysha, pagpasensyahan mo na talaga si Throy hah. Hayaan mo, hindi kami papayag na maulit pa yung nangyari kanina," seryosong sabi sa akin ni Jhudiel.
"Okay lang. Hindi naman ako nasaktan eh."
Physically. Pero emotionally, sobra. Tss.
"Hanga nga ako sayo eh, ang galing mong umiwas. At mukang kontrol na kontrol mo na ang element mo," masayang sabi sa akin ni Lizeth.
"Hindi naman, nagkataon lang," depensa ko naman sa kanya. Mahirap na, baka malaman nila ang tunay kong pagkatao.
"Sige na girls. Matulog na tayo dahil may pasok pa bukas. Good night!" sabi ni Zairah.
"Good night!" sabay sabay naman naming sagot nina Lizeth at Jhudiel.
Lizeth clap her hands and the lights turned off automatically.Hanggang sa maramdaman kong tulog na silang tatlo. Napabuntong hininga na lang ako. Ilang oras pa lang ako sa Special Academy pero pakiramdam ko ay ang dami nang nangyari. Pagod na pagod ang utak ko pati na din ang puso ko.
BRIANNA POV
"Hi Brianna!"
Wala na. Sira na ang araw ko. Umagang umaga pa lang, may nambubwisit na agad. Tss. Hindi ko na lang sya pinansin at nagdere deretso na lang ako sa paglalakad.
"Hui, pansinin mo naman ako."
Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko, pero ang lalaking ito ay ganun din ang ginawa. Kaya halos magkasabay na kaming lumakad.
"Brianna."
Wala na. Ubos na ang pasensya ko. Tumigil ako sa paglalakad at masamang tumingin sa kanya.
"Ilang beses ko bang sasabihin na tigilan mo ako," inis kong sabi sa kanya.
"Eh gusto ko lang namang makipagkaibigan," parang bata nyang sabi sa akin.
"Pwes, ayoko."
Maglalakad na sana ulit ako kaso nahawakan nya ako sa braso. Hindi ako agad nakapagreact dahil parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Sh*t! Ano yun?
"Please.", seryoso nyang sabi sa akin.
Napatingin ako sa mga mata nya. Those brown eyes send shiver to my spine. Ipinilig ko ang ulo ko at lumayo ng konti sa kanya.
"Fine.", maikli kong sabi sa kanya.
Ngumiti naman sya at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa akin.
"I'm Akeeyan."
Inilahad nya ang kamay nya sa akin habang ako ay nanatili lang na nakatingin sa kamay nya. Nung ma-realize nya na wala akong balak tanggapin ang pakikipagshake hands nya ay ibinaba na nya ang kamay nya.
"Sige Brianna. Baka malate ka pa sa class mo. See you na lang when I see you."
Tumango lang ako sa kanya at tumalikod na. Nakakailang hakbang pa lang ako ng mapagpasyahan kong lumingon sa kanya. Sakto namang nakatingin pala sya sa akin.
"Nice meeting you Akeeyan."
After I said that ay nagmadali na akong pumunta sa classroom ko na may ngiti sa labi. Ewan ko ba, simula nung kulitin ako ni Akeeyan ay inis na ako sa kanya. Then ayun, bigla na lang nagbago. Tss. Weird.
"Hoi hoi hoi! Ano yan? Bakit ka nakangiti?"
Napasimangot ako bigla nung tumabi sa akin si Stella, ang aking bestfriend.
"Anong nakangiti? Hindi ah.", pagtanggi ko sa kanya.
"Asus, sinong niloko mo? Huling huli ka na eh. So, bakit ka nakangiti?", parang kinikilig na sabi nya.
"Bakit? Masama na bang ngumiti ngayon?"
"Hindi naman. Pero sa isang Brianna na katulad mo. Aba, nakakapagtaka na nakangiti kang pumasok ng classroom."
Napailing na lang ako dahil sa sinabi nyang iyon. Paano ko ba naging bestfriend ang babaeng ito? Tss.
"Ah alam ko na! Siguro dahil yan kay Mr. Right noh?", pangungulit pa nya.
"Pwede ba Stella, tigilan mo ako. Kung ano anong mga sinasabi mo dyan."
"Eh bakit namumula ka?"
Awtomatikong napahawak ako sa magkabila kong pisngi. Tumawa naman ng malakas si Stella kaya sinamaan ko sya ng tingin. Tumayo sya habang nakataas ang dalawa nyang kamay.
"Hahaha. Sige na, dun muna ako sa labas habang wala pa ang teacher natin.", tatawa tawa nyang sabi sa akin.
"Mabuti pa nga.", pagsang-ayon ko naman sa kanya.
"Nga pala, NICE MEETING YOU AKEEYAN, ESTE BRIANNA PALA.", nakangiti nyang sabi sa akin habang naglalakad palabas ng room.
"Stella!"
Isang malakas na halakhak ang isinagot nya sa akin bago tuluyang lumabas. Kaya pala naman ang lakas nyang mang-asar dahil nasaksihan nya yung nangyari kanina. Tss.
AKEEYAN POV
Hayyy. Hindi pa din maalis sa isip ko ang mga sinabing iyon ni Brianna. Hindi ko din maalis ang mga ngiti ko sa labi dahil sa wakas, nagbunga din ang pangungulit ko sa kanya. Halos isang linggo ko na din syang kinukulit at halos isang linggo na din nya akong sinusungitan. At eto na nga, mukang makikipagkaibigan na sya sa akin. At ang mas nakakatuwa pa ay binanggit nya ang pangalan ko.
Habang naglalakad ay pinagtitinginan ako ng ibang estudyante. Marahil ay nagtataka sila kung bakit nakangiti ako. Pero wala akong pakialam, ang mahalaga sa akin ay pinansin na ako ni Brianna.
Sa sobrang kasiyahan ko ay hindi ko napansin ang isang babae na kasalubong ko. Kaya ang nangyari ay nagkabanggaan kami.
"Sorry mi-----, ate?!"
Anong ginagawa ni ate Rysha sa Special Academy? Sh*t.
Tatakbo na sana ako palayo sa kanya pero agad nya akong hinawakan sa braso at hinila papunta sa may garden. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya dahil mahigpit ang hawak nya sa akin. Ramdam ko ang galit nya at hindi ko sya masisisi.
Pagkarating namin sa may garden ay ikukumpas na sana nya ang kamay nya pero agad ko syang pinigilan.
"Anong gagawin mo ate?"
"Malamang, bubuksan ang portal dahil uuwi na tayo.", mahina pero madiin nyang sabi sa akin.
"Hindi ate, hindi ako uuwi."
Binawi ko ang braso ko at tumalikod sa kanya.
"Ganyan ka na ba talaga Akeeyan? Wala ka na bang pakialam sa psyche world? Kina mommy at daddy?"
Napahinto ako sa paglalakad at naikuyom ko ang mga kamao ko. Hindi ako sumagot pero nanatili lang akong nakatayo.
"Anong nangyayari sayo Akeeyan? Bakit bigla kang nagbago?"
"Hindi ako nagbago ate, nagmahal lang ako.", pag-amin ko sa kanya.
"Yang pagmamahal na yan ang sisira sa mundo natin. Nahihibang ka na ba?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na humarap kay ate. Medyo nagulat pa nga ako dahil umiiyak si ate. Umiiyak na naman sya.
"Akala ko maiintindihan mo ako kasi naranasan mo na ang nararanasan ko."
Hindi ko gustong sumbatan si ate. Hindi ko gustong ipaalala sa kanya ang sakit na dinanas nya noon. Pero hindi ko naman kasi akalain na susundan nya ako dito para pauwiin sa mundo namin. Ang gusto ko lang naman ay ang makilala at makasama si Brianna.
"Akeeyan."
"Ate, please. Babalik din naman ako sa atin eh. Konting panahon lang naman ang hinihingi ko para makasama ang babaeng mahal ko."
"Mas lalo ka lang masasaktan sa mga ginagawa mo. Dadating pa din ang panahon na iiwan mo sya at babalik ka sa mundo natin. Kaya itigil mo na ito Akeeyan. Umuwi na tayo."
"Sorry ate, pero hindi ako uuwi."
Hindi ako uuwi lalo na at pinansin na ako ni Brianna. Ayoko nang palagpasin pa ang chance na magkalapit kaming dalawa. Alam kong nagiging selfish ako. Pero ito talaga ang gusto ko. Matagal kong hinintay ang pagkakataong makausap at makasama si Brianna. And I will never let this chance slipped away.
"Sorry din Akeeyan. Pero bilang nakakatandang kapatid mo, sasama ka sa akin."
Nagulat ako nung biglang magpalabas ng air special nya si ate. Ibinato nya ito sa akin at dahil nga sa sobrang gulat ay hindi ko magawang makaalis sa pwesto ko para makaiwas sa atake nya. Pero bago pa man ako matamaan ng special nya ay may isang kumpol na dahon ang nagsilbing shield ko. Nagkalat ang mga dahon sa paligid namin dahil ito ang tinamaan ng air element ni ate.
"Don't you ever messed up with my brother!"
Lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa boses na narinig ko mula sa likuran ko.
"Brother?!", hindi makapaniwalang sabi ni ate.
"Okay ka lang ba Akeeyan?"
Lumapit sa akin si kuya Throy at chineck ako kung may galos ba ako.
"O-okay lang ako k-kuya.", sagot ko naman sa kanya.
Tumingin ako kay ate na gulat na gulat pa din sa mga nangyayari. Gusto ko syang lapitan. Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko magawa dahil nandito si kuya Throy.
"Ibang klase ka din talaga eh noh. Pati bata, papatulan mo. Sino ka ba sa inaakala mo?", galit na sabi ni kuya kay ate.
Parang natauhan naman bigla si ate at galit na tumingin kay kuya.
"Wala kang alam kaya wag kang makialam dito!", galit din na sabi ni ate.
"May pakialam ako dahil kapatid ko ang balak mong saktan."
"Kapatid? Kailan mo sya naging kapatid huh?"
Gusto ko silang awatin sa pag-uusap nila dahil baka kung ano pang masabi ni ate. Pero hindi ko magawang makasingit sa kanilang dalawa.
"Malamang nung ipinagbuntis sya ng nanay namin."
"Wow hah, as if namang paniniwalaan ko yang sinabi mo."
"Eh bakit ba ako nagpapaliwanag sayo. Akeeyan, let's go."
Hinawakan ni kuya ang braso ko at hinila ako. Pero hindi pa man kami tuluyang nakakalayo ay hinawakan ni ate ang isa ko pang braso.
"Wala kang pupuntahan Akeeyan. Mag-uusap pa tayo."
Ramdam na ramdam ko na talaga galit ni ate pero nakikita ko din ang pain sa mga mata nya. Yung pain na ilang taon na nyang dinadala sa puso nya. Bigla akong nakaramdam ng guilt. Alam kong mas nasasaktan sya ngayon dahil nasa harapan nya ang lalaking minahal at marahil ay minamahal pa nya.
"I told you, not my brother."
Pagkasabi nun ni kuya Throy ay bigla na lang tumalsik palayo si ate at tumama sya sa isang puno.
"Ate!"
Lalapit na sana ako sa kanya pero mas lalong hinigpitan ni kuya ang pagkakahawak sa akin.
"May balak ka pang tulungan sya? Muntik ka na nyang saktan Akeeyan.", galit na sabi sa akin ni kuya.
"Pero.."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Gusto kong lapitan si ate at humingi ng sorry sa kanya. Gusto kong magpaliwanag, gusto kong ipaintindi sa kanya ang lahat ng nangyayari. Pero paano?
"Ikaw!", turo ni kuya kay ate.
"Pasalamat ka dahil babae ka kaya yan lang ang inabot mo. Pero ito ang tatandaan mo, wag na wag mo nang tatangkaing saktan pa ang kapatid ko dahil hindi lang yan ang aabutin mo."
Kuya Throy can be a good brother. He always care for me. He always there to protect me. Pero hindi ko akalain na ang pagiging kuya nya ay magagawa nyang saktan ang ate ko na syang tunay kong kapatid. I really felt guilty for what's happening right now.
Hinila na ako ni kuya palayo kay ate. Hindi ko na din nagawang lingunin pa si ate Rysha dahil nakokonsensya ako. Ito na ba ang consequence ng mga naging desisyon ko?