42

1458 Words
SACHI'S POV Matapos ang nangyaring gulo ay hindi na kami nakapaghapunan pa ng sabay sabay. Pinag-stay din kasi ako ni Blake sa clinic nang hanggang alas dyes ng gabi. Ginawa niya iyon upang pansamantala raw akong makaiwas kay Lyca. At sa buong pag-stay ko sa clinic ay nakabantay lang sa akin si Blake. Halos matulog nga lang ako doon upang maiwasan si Blake. Hindi mo kasi alam kung paano siya kakausapin matapos ang mga nangyari. Ni hindi ko rin alam kung bakit ganoon siya ka-OA. Wala namang dapat kasing ipag-alala sa sugat ko dahil maliit lang iyon. Marahil ay alibi lang din niya iyon upang mailayo ako pansamantala kay Lyca. At nang makabalik naman kami sa dorm ay tulog na ang mga kaibigan namin kaya hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap muli si Lyca. Buong gabi akong hindi pinatulog ng mga nangyayari kaya naman mukha akong zombie ngayong umaga. Dahil sa wala pa ulit kaming mission ay balik na uli kami sa regular class. Maaga akong bumaba upang maghanda ng almusal. Umaasa akong maayos na si Lyca ngayon kaya naman mabilis akong nagluto. Kasalukuyan akong naghahanda ng hapag-kainan nang bumaba si Lyca. "Good morning, Lyca. Sakto, tapos na akong magluto ng almusal natin," magiliw kong sabi sa kaniya. Tiningnan lang ako ni Lyca bago siya dere-deretsong lumabas ng dorm. Nagulat man ay mas pinili ko pa rin siyang sundan. "Lyca, sandali lang," pagtawag ko sa kaniya. Humarap naman sa akin si Lyca ngunit tumingin siya sa akin na animo'y bored na bored siya. Ibang iba na siya sa Lyca na unang nakilala ko noon. "Alam kong masama pa rin ang loob mo. I'm really sorry, Lyca. Please naman, huwag na sana tayong ganito. Nami-miss ko na ang kaibigan kong si Lyca," sabi ko sa kaniya. Isang mapaklang tawa ang pinakawalan ni Lyca. "Kaibigan? Ang alam ko sa isang kaibigan ay hindi mang-aagaw. Pwede ba Sachi. Alam na alam ko na ang taktika mo. Sinadya mong mapalapit sa amin upang maagaw mo ang lahat sa akin, si Blake at ang pagiging prinsesa ko. But I am sorry to say, hindi mo sila maaagaw sa akin. Ako pa rin ang prinsesa, sa akin pa rin si Blake at ako pa rin ang rerespetuhin at tatanggapin ng mga Grandis. Tandaan mo yan." Naglakad palayo sa akin si Lyca habang ako ay naiwan na lang dito na tulala. Sobrang sakit kasi ng mga sinabi sa akin ni Lyca. Ni minsan ay hindi ko binalak na agawan siya sa kahit na anong aspeto pa. Hindi ko rin pinilit na mapalapit sa mga kaibigan niya at mas lalong wala akong planong agawin sa kaniya si Blake. I mean, sino ba naman ako, hindi ba? Kahit pagbali-baligtarin pa namin ang mundo, siya pa rin ang mananatili sa taas habang ako ay isang hamak na myembro ng nasasakupan niya. Hindi ko maintindihan kung saan nakuha ni Lyca ang mga ideyang iyon. Ang alam ko lang naman kasing issue namin ay ang hindi pagkuha sa kwintas niya. Ngunut nakakagulat na kung ano ano na ang mga nasabi niya sa akin. Dahil ba ito sa pagdala sa akin ni Blake sa clinic? Kung alam ko lang na magiging ganito, iniwasan ko na lang sana si Blake. Handa naman kasi akong mag-adjust para kay Lyca. Hindi ko kasi kayang nagagalit siya sa akin ng ganito. Marahan kong pinunasan ang mga luhang kumawala sa pisngi ko at saka ako nagpasyang bumalik sa loob ng dorm. Ngunit napapitlag ako nang makita si Blake na seryosong nakatayo sa may pintuan at deretsong nakatingin sa akin. "K-kanina ka pa ba dyan?" nauutal kong tanong sa kaniya. "Anong ginagawa mo dyan sa labas? At ganyan pa ang itsura mo?" imbes ay tanong niya sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko at nakapantulog nga pala ako. Marami rami nang estudyante ang naglalakad at pinagtitinginan na ako. Napakagat ako sa labi ko dahil sa kahihiyan. Agad na lang akong pumasok sa loob ng dorm at nagderetso sa kusina. Naabutan ko pa sina Clyde at Monica na inaamoy amoy ang luto ko. "Ayan ka na pala. Saan ka ba galing?" tanong sa akin ni Monica. "Dyan lang sa labas," sagot ko naman. "O siya, tara nang mag-almusal. Teka nasaan na pala si Lyca?" sabi pa ni Monica. Lihim akong napabuntong hininga. "Ano, nakaalis na siya papasok sa academy," naiilang na sabi ko. Tiningnan ko isa isa ang mga kaibigan ko at mababakas sa kanila ang pagiging malungkot. Ngunit tinabunan nila iyon ng ngiti sa mga labi nila kahit na kita pa rin iyon sa mga mata nila. "Hala, kumain na tayo at baka ma-late pa tayo," masiglang sabi ni Clyde. Nagsimula na siyang sumandok ng pagkain niya at sumunod sa kaniya si Monica. Tahimik kaming kumain ng almusal at nang matapos ay nagsibalikan na kami sa aming mga kwarto upang maligo at magbihis. Nang matapos na ako ay agad akong bumaba sa salas. Si Blake pa lang ang nandoon kaya doon na lamang ako pumwesto sa medyo malayo sa kaniya. Wala naman siyang naging kahit na anong reaksyon kaya lihim akong napabuntong hininga. Paanong iwas pa ba ang kailangan kong gawin upang hindi ako pagselosan ni Lyca? Kung tutuusin nga ay hindi ko na kailangang umiwas pa sapagkat si Blake na mismo ang umiiwas sa akin. Ni hindi naman kami close para isipin ni Lyca na may gusto sa akin si Blake. At si Blake na rin mismo ang nagsabi na hinding hindi naman niya ako magugustuhan. Ilang saglit pa ay nakababa na rin sina Clyde at Monica. Sabay sabay na kaming naglakad papasok sa academy. Nang makarating kami sa may hallway ay humiwalay na ako sa kanila dahil iba ang room ko sa kanila kapag Morning class. Tahimik lang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa classroom ko. Katulad ng dati ay magugulo pa rin ang mga kaklase ko at kapag dumating ako ay tatahimik silang saglit at saka mag-iingay ulit. Marahan akong napailing nang makaupo ako sa upuan ko. Balak ko sanang umub ob muna sa desk ko habang wala pa ang teacher ngunit hindi ko na nagawa sapagkat nagsilapitan sa akin ang mga kaklase kong babae. Akala ko ay makikipagkaibigan na sila sa akin ngunit nagkamali ako. Nagulat na lamang ako nang isang malagkit na kulay orange na likido ang bumuhos sa katawan ko. Basang basa ako at lagkit na lagkit nang marinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko. Hindi pa sila nakuntento dahil may mga nagbato pa sa akin ng mga harina na kumapit na sa buong katawan ko. Lihim akong napabuntong hininga. Buong akala ko ay sa mundo lang ng mga mortal may ganitong klase ng pambubully. Hindi ko akalain na mararansan ko rin pala ito dito sa school na ito. "Yan ang bagay sa 'yo dahil sa pagpapaiyak mo kay Ms. Lyca," narinig kong sabi ng isa kong kaklase. Lihim kong naikuyom ang mga kamao ko. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman dahil sa narinig ko. Ito ba ang dahilan ng maagang pagpasok ni Lyca upang maipamalita sa lahat ang naging away namin? Ngunit bakit pa siya aabot sa puntong iyon? Ganoon na ba talaga kalaki ang galit niya sa akin upang maski ang mga kaklase ko ay kakuntsabahin niya upang pahirapan ako? Kinakantyaw pa ako ng mga kaklase ko na kesyo mang-aagaw daw ako, na ang kapal daw ng mukha ko e isang hamak na Sub-Grandis lamang ako. Na akala mo ay kung sino akong umasta. Kung ano ano pa ang sinabi nila sa akin na hindi ko na lang pinagpapansin. Nagdesisyon na lamang ako na pumunta sa clinic upang makapagpalit ng uniform. Ang dungis dungis ko kasi at kung sa dorm pa ako pupunta ay baka makita pa ako nina Monica. Nang makita ako ng nurse sa clinic ay hindi na siya nagtanong pa sa akin. Itinuro na lamang niya ang CR kung saan pwede akong maligo. Binigyan din niya ako ng isang malinis na uniform. "Walang logo ang blazer na ibibigay ko sa 'yo ha. Hindi kasi kami nagkakaroon ng ganyan dito sapagkat wala pang Grandis o Sub-Grandis ang na-bully ng katulad ng sa 'yo," alanganing sabi pa sa akin ng nurse. Napangiti naman ako. "Pwede po bang sa atin na lang ito? I mean, huwag na po sanang makarating sa kahit na sinong Grandis o mga teacher ang tungkol dito." "Makakaasa ka, hija. Sige na, maligo ka na." Agad akong pumasok sa CR at nagshower doon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako pahihirapan ng ganito ni Lyca. Ngunit sana dumating ang panahon na bumalik sa dati ang pagkakaibigan namin. Hindi ko kasi gugustuhin na makaaway pa siya ng matagal. Baka hindi ko kayanin ang pambu-bully sa akin ng mga estudyante. Baka kung anong magawa ko pa na hindi maganda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD