CHAPTER 3

1795 Words
MONICA POV “Sachi!” Biglang nawalan ng malay si Sachi nang mapakalma niya ang Special niya. At nagulat ako dahil mabilis na nakalapit sa kaniya si Blake at sinambot ito. “Dalhin na muna natin siya sa bahay.” suhestiyon ni Clyde. Walang imik na naglakad si Blake habang buhat pa rin ang walang malay na si Sachi. Pero nagkatinginan kami ni Clyde nang magbukas ng isang portal si Blake papunta sa Special Academy. “Teka, dadalhin na natin siya kay Director?” tanong ko kay Blake. Lumingon siya sa amin and he gave us his death glare. “Okay, sabi ko nga.” sabi ko na lang habang nakataas pa ang dalawang kamay. Kapag kasi nagglare na si Blake, wala nang makakapigil pa sa gusto niyang gawin. Kaya nga halos lahat ng Maxine ay takot sa kaniya. Kami lang talaga ni Clyde ang nakakatagal sa kaniya. Sumunod na lang kami ni Clyde kay Blake papasok sa portal. And with just a blink of my eyes, nandito na kami sa Special Academy. Dumeretso si Blake sa tambayan namin at maingat niyang inihiga si Sachi. Ang tambayan kasi namin ay isang room kung saan may bed, kitchen at salas. Para siyang isang maliit na bahay. Bakit may tambayan kaming ganito? Dahil kami ang tinatawag na Grandis kung saan ang Special namin ay ang elements ng Earth which is fire, water and air. May isa pa kaming kasama, siya si Lyca Samaniego. Hindi namin siya kasama sa paghahanap kay Sachi dahil delikado para sa kaniya ang lumabas ng academy. “Okay lang ba siya?” nag-aalalang tanong ko sa kanilang dalawa. “Siguro naman. First time niya siguro na magamit ang kaniyang Special kaya nawalan siya ng malay. Pagkagising na lang niya, saka natin siya dalhin kay Director.” sabi ni Clyde. Si Blake naman ay nakaupo lang sa sofa na siya lamang ang tanging nakakaupo. Kaniya raw kasi iyong sofa na iyon kaya hindi kami makaupo ni Clyde doon. Ang sofa na iyon ay single lang. “Hoy Blake! Anong ginawa mo kay Sachi? Bakit ganoon na ang naabutan namin sa gubat?” tanong ko naman sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin at hindi man lang ako sinagot. Bakit pa ba ako mag-aaksaya ng panahon para magtanong sa kaniya kung alam ko naman na hindi niya ako sasagutin. Napaisip tuloy ako, paano ko ba naging kaibigan ang lalaking ito? SACHI POV Napamulat ako bigla ng mata. Bumangon ako at napahawak sa noo ko dahil ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari? Sobrang sakit ng ulo ko na parang binibiyak ito. “Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?” Napatingin ako kay Monica na nakangiti sa akin. Kasama niya sina Blake at Clyde. Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid at napagtanto kong hindi ito ang kwarto ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa kanila. “Nasa Special Academy ka.” Special Academy? Ang sinasabi nilang paaralan nila? Paano ako napunta rito? Sinamaan ko ng tingin silang tatlo. Napatayo naman sina Clyde at Monica habang si Blake ay nakaupo pa rin. “k********g itong ginawa niyo. Pwede ko kayong ipakulong.” pagbabanta ko sa kanila. “May magagawa ba ang mga pulis sa mga Special namin?” seryosong sabi ni Blake habang pinaglalaruan ang apoy na nasa kamay niya. Kahit ipakita pa sa akin ni Blake ang kakayahan niya, hinding hindi ako matatakot sa kaniya. Naniniwala na ako sa mga sinasabi nila pero hindi ang part na katulad nila ako. “Kailangan ko nang umuwi.” seryoso kong sabi sa kanila. “Hindi ka na makakabalik sa mundong kinalakihan mo. Kung babalik ka doon, baka mapahamak ang mga taong nasa paligid mo dahil sa Special mo. Kung naaalala mo ang nangyari kanina, muntik mo na kaming masaktan dahil hindi mo makontrol ang Special mo.” dere deretsong sabi ni Blake. “Clyde, narinig mo ‘yon? Ang haba ng sinabi ni Blake.” manghang mangha na sabi ni Monica. Okay? “Pinakamahabang sentence na niya iyon simula nang nabuhay siya.” sabi naman ni Clyde. Hindi ko na lang sila pinansin. Tumayo ako at nagderetso sa may pinto. Kailangan ko nang umuwi at lumayo sa mga baliw na ito. Nang dahil sa kanila ay nagkaroon tuloy ako ng absent. Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit kusa itong bumukas. Bumungad sa akin ang isang lalaki na ang edad siguro ay nasa apatnapu pataas. “Director.” sabay na sabi nina Clyde at Monica. Hinila naman ako ni Blake at itinabi sa kaniya. Pumasok naman sa loob ang lalaki na tinawag nilang Director. “Children, siya na ba ang pinapahanap ko sa inyo?” tanong nang Director habang nakatingin sa akin. “Opo Director, siya na nga po.” magalang na sagot ni Clyde. “You are?” tanong sa akin ni Director. “Sachi Annasha Adamson po.” pagpapakilala ko naman. “Nice to meet you Ms. Sachi. I am Mr. Bryan Montero, the director of Special Academy.” Montero? Sa pagkakatanda ko ay Montero rin ang apelyido ni Blake. Magkaano ano kaya sila? Para namang nabasa ni Mr. Bryan ang iniisip ko dahil ngumiti siya sa akin. “I am also the father of Blake.” “Kaya po pala. Nice to meet you too po. Sige po, kailangan ko nang umuwi.” Yumuko pa ako sa harap ni Mr. Bryan at aalis na sana kaso nahawakan ako ni Blake sa braso ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin at ganoon din ang ginawa niya. “Mukhang naguguluhan ka pa Ms. Sachi. Huwag kang mag-alala, ipapaliwanag namin sa iyo ang lahat. Let’s go to the office.” Lumabas na si Mr. Bryan at sumunod naman sa kanya si Blake. And since hawak niya ako sa braso kaya napalakad na rin ako. “Hey, let go of me. Kaya kong maglakad mag-isa.” mataray kong sabi kay Blake. Inirapan niya ako at marahas na binitawan ako. Nauna siyang maglakad at agad naman akong sumunod. Nasa likod ko sina Monica at Clyde na nagbubulungan. Hindi ko na lang sila pinansin. Inilibot ko na lang ang paningin ko sa lugar na tinatawag nilang Special Academy. Maraming estudyante ang nakakalat sa paligid at halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Medyo nailang pa nga ako pero pinagsawalang bahala ko na lang. Mukhang normal na school lang naman ito. Walang masyadong pinagkaiba sa school na pinapasukan ko. Pero nagugulat ako sa mga estudyanteng nandito dahil hindi normal ang mga ginagawa nila. Merong lumilipad, merong nagiging dalawa, merong lumalabas na kung ano ano sa kamay. Basta iba iba sila at ang hirap ipaliwanag. “We’re here.” sabi ni Mr. Montero. Agad akong napatingin sa building. Sinabi ko bang parang normal na school lang ang Special Academy? Well, binabawi ko na pala ang sinabi kong iyon. Iyong building kasi na nasa harapan namin ngayon ay kasing laki ng tatlong building sa school na pinapasukan ko. Sa may pinto nito ay may nakalagay na “Office of the Administration”. Pinagmasdan ko ang pinakataas ng building dahil pamilyar ito sa akin. “Ito ang building kung nasaan ang lahat ng opisina ng mga officer ng Special Academy.”, bulong sa akin ni Monica kaya napatango na lang ako. Pagkapasok namin sa building ay namangha na naman ako. Sobrang laki kasi sa loob pero ang nakakapagtaka, tatlong palapag siya pero walang hagdan. Paano makakaakyat sa mga opisina dito? Halos lahat ng office ay nasa ikalawa at ikatlong palapag. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang lumipad silang lahat. Namangha ako sa kakayahan nilang makalipad ngunit naiwan lang akong mag-isa dito. Nakalimutan ata nila na may kasama silang normal na tao. “Excuse me.” nahihiya kong sabi sa kanila at sabay sabay naman silang lumingon sa akin. Bigla namang bumaba ulit si Blake at nagulat ako nang binuhat niya ako. Parang isang sako ng bigas lang ako dahil ganoon ang way niya ng pagbuhat sa akin. “Teka!” singhal ko sa kaniya. Nagsasalita ako pero tanging likod niya lang ang nakikita ko. “Kaya mo bang lumipad?” malamig niyang tanong sa akin. “No.” “Then shut up!” Hindi na ako nagsalita pa dahil bigla akong natakot kay Blake. Ang lamig lamig kasi ng boses niya at kabaligtaran ito ng Special niya. Ibinaba ako ni Blake pagkarating namin sa ikatlong palapag. Tatawa tawa pa nga sina Monica at Clyde nang makita nila kami habang itong Blake na ito ay walang reaksyon at plain lang ang expression ng mukha. Pumasok kami sa pinakadulong office dito sa third floor. Ito na ata ang opisina ni Director. Pagkapasok namin doon ay agad kaming pinaupo. Medyo inilibot ko pa ang paningin ko sa loob. Madaming papel sa table ni Director, then sa gilid ay puro libro na nakaayos sa shelves. Tipikal na opisina lang naman siya. “So Ms. Adamson, this is your room number and the key, your uniform and other clothes. And of course your allowance.” Iniabot niya sa akin ang isang maliit na box. Kinuha ko naman iyon at nagtatakang tiningnan siya. Sabi niya kasi, nandito ang mga uniform at damit, pero ang liit ng box. “Teka lang, uniform? You mean dito na ako papasok? Akala ko ba papalinawagan niyo lang po ako?” “Yes Ms. Adamson. Simula ngayon ay dito ka na papasok dahil may taglay kang Special.” “Mawalang galang na po pero wala akong Special. I’m just a normal girl, nothing’s special.” “May Special ka Sachi, at iyon ay ang Plantae. Remember, nagamit mo iyon sa amin bago ka nawalan ng malay.” paliwanag naman ni Monica. Inilapag ko ang box sa table ni Director at tumayo agad. “Okay, naniniwala na ako sa mga Special niyo. Naniniwala na ako na ang lugar na ito ay para sa mga Maxines. Pero hindi ako katulad niyo. Kaya babalik na ako sa mundo kung saan nababagay talaga ako.” “You can’t Ms. Adamson.” seryosong sabi ni Director. Lumapit siya sa akin kaya medyo napaatras ako. “The moment you enter the portal, your existence in the normal world had been erased. At kapag ipinagpilitan mong bumalik doon, babalik ka sa pagiging sanggol.” sabi pa niya. “Pero normal ako, hindi ako Maxine.” pabulong kong sabi. “Pasaway.” narinig kong sabi ni Blake kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Blake, Clyde and Monica, hintayin niyo na lang siya sa labas. Kakausapin ko lang siya.” utos ni Director doon sa tatlo. Agad naman silang sumunod at binuksan ang pinto. Lalabas na rin sana ako ngunit tinulak ako ni Blake at agad na isinara ang pinto. Kaya naiwan ako rito kasama si Director. Humanda sa akin mamaya iyang Blake na ‘yan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD