SACHI POV
“Okay ka na ba talaga Sachi? Baka masakit pa yang sugat mo.”
Napatawa na lang ako kay Monica. Simula kasi kanina sa ospital ay puro ganun na lang ang tanong nya sa akin. Kung okay na ba daw ako, kung may masakit ba daw sa akin, baka daw kailangan ko pang magpatingin kay doc Ferdie. Hanggang sa makarating kami sa dorm namin ay tinatanong na naman nya ako. Nadischarge na kasi ako sa ospital kaya nakauwi na ako sa dorm.
“I’m more than okay.”, nakangiti kong sabi sa kanya.
“Sure?”
Isa pa itong si Lyca, kanina pa din nya ako tinatanong. Tinatawanan ko na nga lang sila eh.
Natigilan naman ako nung biglang tinanggal ni Blake ang benda ko sa braso. Sisigawan ko na sana sya kaso hindi ko na naituloy dahil sa biglaang paglapit sa akin nina Monica, Clyde at Lyca. Nagtatakang nakatingin sila sa sugat ko kaya tumingin din ako dun.
“Eh? Magaling na ang sugat ko?”
Wala na kasing bakas nang kahit na ano sa braso ko. As in parang hindi ako nasugatan, kahit peklat ay wala din.
“Fully recovered ka na nga.”, manghang sabi ni Clyde.
Napangiti na lang ako. Sabi sa akin nina Monica, muntik muntikan na daw akong mamatay dahil sa lason na meron dun sa arrow na tumama sa akin. Dumating pa nga daw sa puntong nawala na talaga ang heartbeat ko, kaya himala daw nung bigla na lang akong magising. Nagtaka din ako sa nangyari sa akin pero nagpapasalamat pa din ako na binigyan pa ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.
Since gabi na din kaya pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Hayy, namiss ko ang kwarto ko.
Agad akong umakyat sa kama ko at nahiga. Pero since halos dalawang araw din akong tulog kaya hindi ako dalawin ng antok. Kaya nagpasya na lang ako na lumabas ng kwarto. Lalabas sana ako ng building namin pero nakita ko ang ilang guardian na nakabantay sa may pinto.
Buti na lang pala na itinuro sa akin ni Monica ang secret passage nitong building. Kaya dun ako dumaan para makalabas. Tagumpay naman akong nakalabas nang hindi napapansin ng mga guardian.
Nandito ako ngayon sa likod ng dorm namin. Nakaupo ako sa damuhan habang nakatingala sa kalangitan. Bigla kong namiss ang magulang ko. Nung buhay pa kasi sila, kapag hindi ako makatulog, lalabas kami ng bahay para magstar gazing hanggang sa makatulog na ako.
“Lalim ng iniisip mo ah.”
“Lyca.”
Ngumiti sa akin si Lyca at naupo sya sa tabi ko.
“Bakit nandito ka pa?”, tanong nya sa akin.
“Hindi ako makatulog eh. Nasobrahan na ata ako sa tulog.”, tatawa tawa kong sagot sa kanya.
“Salamat Sachi dahil dumating ka sa buhay namin. Thank you.”
“Sus, magdadramahan pa ba tayo. Eh ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?”
“Iniisip ko lang kasi yung kaligtasan nyo. Nang dahil sa akin, napahamak ka. At baka hindi ko na kayanin kapag nangyari ulit yun.”
Nakaramdam ako ng awa para kay Lyca. Hindi lang kasi ang kaligtasan nya ang iniisip nya, pati ang sa amin ay inaalala nya.
“Alam mo ba, hindi dapat ako nandito. I mean, lumaki akong normal, walang special. Ni hindi ko nga alam na may ganitong nag-eexist sa mundong ito. Pero look at me, I’m stucked in this world. Siguro may mga bagay lang talaga na kahit ayaw natin, wala tayong magagawa. May mga sitwasyong nakalaan sa atin na hindi natin pwedeng takasan. Ang kailangan lang nating gawin ay tanggapin ito. Ito ang nakatadhana sa atin eh. This is our journey.”
“Naks Sachi, ang lalim nun ah. May pinaghuhugutan ka.”, pabirong sabi sa akin ni Lyca.
Ngumiti ako sa kanya at tumingala ako sa kalangitan. Bigla ding sumagi sa isipan ko ang panaginip ko kung saan nakasama ko ulit ang mga magulang ko.
“May narealize lang kasi ako nung wala akong malay.”, seryoso kong sabi sa kanya.
“Eh?”, takang tanong nya sa akin.
“Kahit gaano pa kaganda ang panaginip natin, kailangan pa din nating gumising sa realidad. Because reality is reality.”
“Wow Sachi.”, tatawa tawang sabi sa akin ni Lyca.
“Sus wag mo na lang pansinin ang sinabi ko. Dala lang ito ng dalawang araw na tulog.”, nakangiti kong sabi sa kanya.
Nagulat kami pareho ni Lyca nung biglang sumulpot sa harap namin si Blake. Masamang tingin ang ipinukol nya sa amin pero syempre hindi ako nagpatalo, sinamaan ko din sya ng tingin.
“Pasok!”, maawtoridad nyang sabi sa amin habang nakaturo pa sa pinto ng dorm.
“Is that how you treat your future wife Blake?”, nakangising tanong ni Lyca na ikinagulat ko naman.
“Future wife?”, takang tanong ko kay Lyca.
“Yeah, I’m his future wife.”, sagot naman nya sa akin.
“Seriously? Nagkagusto ka sa lalaking ito?”, hindi makapaniwalang tanong ko na ikinatawa ng malakas ni Lyca.
Future wife so it means engaged na sila. Bakit hindi ko man lang nahalata na magsyota ang dalawang ito? At hindi din naman ako makapaniwala na marunong palang magmahal itong si Blake. At lalong hindi ako makapaniwala na nagkagusto sa kanya si Lyca. Unbelievable.
“Will you just get inside especially you Lyca?”, naiinis na sabi ni Blake.
Infairness naman pala sa kanya, nagsasalita pala sya kapag si Lyca na ang concern. Well, baka nga mahal nya talaga si Lyca. Akalain mo yun, may puso pala sya. Hahaha.
“And now your overprotective?”, pang-aasar pa ni Lyca.
Gusto kong matawa sa dalawang ito. Hindi ko maimagine kung paano sila naging sila, kung paano nanligaw si Blake at kung paano sya sinagot ni Lyca. Ni hindi ko man lang nahalata na may something sa kanilang dalawa. Kung si Clyde at Monica pa sana, maniniwala ako pero sila? Hala ewan.
“Tss.”, yun na lang ang naging reaksyon ni Blake.
“Hay naku Blake, kelan ka kaya magiging madaldal noh?”, nakangiting sabi ni Lyca.
“Sige na, papasok na ako. Good night Sachi.”
Humalik sa pisngi ko si Lyca bago sya pumasok sa dorm habang ako ay naggood night din sa kanya. Pero bago pa man sya tuluyang pumasok ay lumingon pa sya kay Blake.
“Good night future husband.”
She winked at Blake then tuluyan na syang pumasok. Napangiti na lang ako habang itong si Blake ay blangko lang ang ekspresyon. Wala man lang I love you. Hay naku, kung ako ang gf nitong lalaking ito, makiipagbreak na ako sa kanya. Wala man lang sweetness sa katawan eh. Paano kaya sya minahal ni Lyca?
“There’s no something between us.”
Napatingin ako bigla kay Blake na nakasandal na ngayon sa isang puno habang nakatingin sa akin.
“Hah?”
“It was just written in Fatum Book. The earth and fire maximus are destined to each other.”
Sa pagkakaalam ko, ang Fatum book ay isang prophecy book na pinangangalagaan ng Special Academy. Pero teka nga, hindi yun ang concern ko. Bakit ba sinasabi sa akin ito ni Blake? At kelan pa sya natutong magsalita ng mahaba?
“That’s why she said those future wife and husband because of it.”, dugtong pa nya.
“So you mean, hindi kayo magsyota? Hindi nyo mahal ang isa’t isa?”
“Obviously.”, maikli nyang sagot sa akin.
“I see.”
“Sino nga ba namang magmamahal sa katulad ko diba? Like seriously, sinong magkakagusto sa akin?”
Natigilan ako sa sinabi nyang iyon. Nakaramdam naman ako ng guilt dahil sa naging tanong ko kay Lyca kanina. Parang pinalabas ko na imposibleng may magkagusto kay Blake. Tsk. Ano ba tong mga iniisip ko?
“That’s not what I meant Blake.”, mahina kong sabi sa kanya.
“No need to explain. I understand. I’m a man a few words, that’s why I know na hinding hindi magkakagusto sa akin si Lyca, even you.”
“Pero madami ka nang nasabi ngayon, madaldal ka na.”, nakangiti kong sabi sa kanya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Pero seriously, natutuwa talaga ako dahil ang daming nasabi ngayon ni Blake. Huling beses ko ata syang narinig na magsalita ng madami nung dinala nila ako dito sa Special Academy.
Napaiwas naman ng tingin sa akin si Blake na lalong ikinatuwa ko.
“You like her, don’t you?”, seryoso kong tanong sa kanya na ikinabaling nya ulit sa akin.
“Who?”, nakakunot ang noo nyang tanong sa akin.
“Lyca.”
Hindi sya umimik pero umiling sya na ipinagtaka ko naman. Wala syang gusto kay Lyca? Naman. Niloloko ata ako ng lalaking ito. Halata naman sa kanya na may gusto sya kay Lyca eh.
“Eh?”
“Making her safe doesn’t mean that I like her. I am just concern because she is my friend.”
Dumadaldal na talaga sya. Ibabalita ko ito kina Monica. Good news kaya ito. Hahaha. Dadaldalin ko pa pala sya para magsalita pa sya ng magsalita.
“Eh paano yun, nakatadhana kayo sa isa’t isa. You should love her.”
“Hindi ko kayang mahalin ang isang babae dahil lang sa yun ang sinasabi ng Fatum book. Love is felt with the heart, not dictated by any kind of book.”
“Wow.”
Yun na lang ang nasabi ko. Hindi ko akalain na may ganito palang pag-iisip ang isang ito. May puso pala talaga sya?
“Pumasok ka na sa loob dahil baka may umatake na namang dark maxine.”, utos nya sa akin.
“Hindi naman ako ang kailangan nila eh.”, pagdadahilan ko kasi ayoko pang pumasok sa loob. Hindi pa ako inaantok.
“Kahit na, delikado kaya pumasok ka na.”
“Teka lang, hmm, wala ka ba talagang nararamdaman para kay Lyca? Kahit konti?”, pangungulit ko sa kanya para mapatagal pa ako dito sa labas.
“Wala.”, maikli nyang sagot sa akin.
“Ganun? Sabagay, nakatadhana kayo kaya naniniwala ako na matututunan mo din syang mahalin.”, nakangiti kong sabi sa kanya.
“Pumasok ka na sa loob.”
Itinulak nya ako papasok sa loob pero dahil matalino ako, hinawakan ko ang braso nya kaya napasama sya sa loob ng dorm namin. Agad kong isinara ang pinto at inilock iyon.
“Like what you said, delikado sa labas kaya dapat andito ka na din sa loob. Good night Blake.”
Pagkasabi ko nun ay naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Pero bago ko pa man buksan ang pinto ay nagsalita pa sya.
“Good night Sachi.”
Napangiti naman ako then pumasok na ako sa kwarto ko. Umakyat ako sa kama ko at nahiga. Ipinikit ko ang mga mata ko nang may ngiti sa labi.