9

1332 Words
MONICA POV Mas matinding training. Yan ang utos sa amin ni director. Kaya kahit gusto naming wag pumasok para mapuntahan si Sachi ay hindi namin nagawa. Pwede naman daw kasi namin syang puntahan after ng training. Ayaw na daw kasi ni director na magsayang ng oras para mas mapalakas pa kami. Gumagalaw na daw kasi ang mga dark maxine para makuha si Lyca. Kaya kailangan naming maghanda para maprotektahan si Lyca pati na din ang mga sarili namin. Napressure tuloy kami bigla, idagdag pa ang pag-aalala namin kay Sachi. Ang hirap magfocus kapag iniisip ang kalagayan ng isang kaibigan. At yan ang nangyayari sa amin ngayon. “Okay Grandis, enough!” Napatigil kami sa kanya kanya naming ginagawa dahil sa sinabing iyon ni Ms. Aira. Tumingin kaming lahat sa kanya. “Alam kong gusto nyo nang puntahan ang kaibigan nyo. So pagbibigyan ko kayo ngayon. You may go now.” Napangiti kaming lahat sa sinabi nyang yun, well except kay Blake na laging poker face. “But I need your hundred percent focus and attention tomorrow. Is that clear Grandis?” “Yes Ms. Aira.” Agad kaming nag-ayos ng gamit at nagmadaling pumunta sa hospital. Kahit pagod sa training ay hindi na lang namin ininda. Makakapagpahinga naman kasi kami sa hospital habang nagbabantay kay Sachi. Pagdating namin doon ay wala pa ding malay si Sachi. Pero stable pa din ang heartbeat nya which is a good thing daw sabi ni doc Ferdie. Naupo na lang ako sa tabi ng kama ni Sachi at pinagmasdan ang mukha nya. Maputla pa din sya pero kung mapagmamasdan, para lamang syang natutulog. Napakapeaceful kasing tingnan ng mukha nya. “Hey Sachi, gising na.”, sabi ko sa kanya kahit alam kong hindi naman nya ako maririnig. Umakbay naman sa akin si Lyca at umupo sa tabi ko. “Gusto kong sisihin ang sarili ko. Ako ang pinakamalakas na Maxine pero hindi ko sya nagawang protektahan.”, malungkot na sabi ni Lyca. “Wala kang kasalanan Lyca. Hindi matutuwa si Sachi kapag sinisi mo ang sarili mo.”, sabi ko naman sa kanya. “I know.” Nanatili lang kami dito sa kwarto ni Sachi hanggang sa maalerto kami sa tunog ng machine na nakakabit sa kanya. “Bumabagal ang hearbeat nya.”, natataranta kong sabi. “Teka, tatawagin ko si doc Ferdie.”, sabi ni Clyde at nagmadaling lumabas ng kwarto. “Sachi, hey. Wag ka namang magbiro ng ganyan.”, naluluhang sabi ni Lyca. “F**k.”, narinig kong sabi ni Blake. Napatingin ako sa monitor ng machine at mas lalong bumagal ang heartbeat ni Sachi. Hindi ko na din alam ang gagawin ko. Natataranta na din ako at naluluha katulad ni Lyca. Sachi, no, please. SACHI POV Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon at kung paano ako nakarating dito. Nasa isang malawak na damuhan ako ngayon, may ilog din na sobrang linaw ng tubig, at may mga paruparo at tutubi sa paligid. Sobrang ganda at sobrang peaceful ng lugar na ito. “Sachi.” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Isang lalaki at isang babae na hindi ko maaninag ang mukha. Pero nung maglakad sila palapit sa akin ay napaluha na lang ako. “Mom, dad.” Tumakbo na ako palapit sa kanila at agad silang niyakap. Sobrang namiss ko sila at sobrang saya ko na kasama ko na ulit sila. “Namiss ko po kayo ng sobra.”, umiiyak kong sabi sa kanila. “Kami din anak, sobrang namiss ka namin.” Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanila. Ayokong mawala ulit sila sa akin. Mahal na mahal ko sila at hindi na ako papayag na magkalayo pa kami. “Kamusta ka na Sachi?” Nakaupo na kami ngayon sa damuhan at tinatanong ako ni daddy. Ngumiti naman ako sa kanya bago sinagot ang tanong nya. “Okay na ako dad dahil kasama ko na ulit kayo.”, nakangiti kong sabi. “Ayaw mo na bang bumalik sa Special Academy?” Natigilan ako sa tanong na yun ni mommy. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. “Sachi, kailangan ka nila.”, sabi ni daddy. “Pero kayo ang kailangan ko mommy and daddy.”, umiiyak kong sabi sa kanila. “Anak, makinig ka. Hindi mo man kami kasama, lagi kaming nandyan sa puso mo.” “No mommy, hindi na ako babalik sa academy. Dito na lang ako sa tabi nyo. Dito na lang ako.” “Mahal na mahal ka namin ng mommy mo Sachi. Gusto din namin na kasama ka. Pero hindi pa ito ang tamang oras anak.” “Magpakatatag ka Sachi. Wag kang susuko agad. At lagi mong tatandaan ang mga itinuro namin sayo ng daddy mo.” Unti unting naglalaho sa harap ko sina mommy at daddy. Sinubukan ko pang hawakan ang mga kamay nila pero hindi ko na naabutan dahil tuluyan na silang naglaho. “Sachi!” Monica? Hinanap ko kung nasaan si Monica pero ako lang ang nandito. Sigurado akong si Monica yun at halata sa boses nya na umiiyak sya. Kailangan ako ni Monica. “Sachi, gumising ka na.” Lyca? Teka, ano bang nangyayari? “Sachi, ipagluluto mo pa kami.” Clyde. “Hey sub-grandis, wake up or I’ll burn you.” Napangiti na lang ako nung marinig ko ang boses ni Blake. Kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko. Dahil sa kagustuhan kong makasama ang mga magulang ko, nakalimutan ko na ang mga kaibigan ko na naghihintay sa akin sa Special Academy. Muntik ko nang ipagpalit ang magandang panaginip na ito sa makabuluhang reyalidad. Hay naku Sachi, minsan talaga hindi ka na nakakapag-isip ng tama dahil sa emosyon mo. Tss. MONICA POV “Hey sub-grandis, wake up or I’ll burn you.” Natigilan kaming lahat sa sinabing iyon ni Blake. Agad naman syang nabatukan ni director. “Baliw ka ba? Paano kung matakot si Sachi at hindi na sya gumising?”, inis na sabi ni director. “Tss.”, yun na lang ang nasabi ni Blake. Hindi pa din nagiging stable ang heartbeat ni Sachi. Habang tumatagal pa nga ay mas lalo pa itong bumabagal. Ginawa na din ni doc Ferdie ang lahat ng makakaya nya para matulungan si Sachi ngunit wala ding nangyari. Lahat kami ay sobrang nag-aalala na sa kalagayan ni Sachi. Malaki daw kasi ang posibilidad na tuluyang tumigil ang pagtibok ng puso ni Sachi. Ilang saglit lang ay tuluyan nang tumigil ang machine, ibig sabihin ay tumigil na din ang t***k ng puso nya. Hindi! “I’m sorry Director and Grandis.”, malungkot na sabi ni doc Ferdie. Natulala na lang ako, maski din ata ang mga kasamahan ko dahil nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto. W-wala na ba talaga si Sachi? “S-sachi.”, umiiyak na sabi ko. “Director, hindi ito pwedeng mangyari diba? Hindi pwede.”, umiiyak na baling ni Lyca kay Director. Hindi nagsalita si Director. Nakatitig lang sya kay Sachi. Bigla naman akong napatingin kay Blake na nagpalabas ng fire ball sa palad nya. “Blake?”, nagtatakang tanong ni Clyde. “I told you, I will burn you when you won’t wake up.”, seryosong sabi ni Blake na nakatitig din kay Sachi. “Blake, are you out of your mind?!”, sigaw naman ni Lyca. “You really hate me that much, right?” Lahat kami ay natigilan sa narinig namin except siguro kay Director at Blake. Dahan dahan kaming lumingon kay Sachi. “SACHI!” Sabay na sigaw namin ni Lyca. Agad namin syang niyakap. Buhay si Sachi, buhay ang kaibigan namin. “How come?”, narinig kong sabi ni doc Ferdie. “Does it matter doc? Ang importante ay buhay si Ms. Sachi.”, nakangiting sabi ni Director. Tama sya. Wala na kaming pakialam kung ano ba talagang nangyari. She lost her heartbeat but here she is, alive and breathing. Yun ang mahalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD