SACHI POV Natapos ang training class namin kay Ms. Aira na nakatunganga lang ako at pinapanood yung apat sa pagttraining nila. Sabi kasi sa akin ni Ms. Aira, obserbahan ko daw muna kung paano nakokontrol nung apat ang mga Special nila para daw magkaroon ako ng idea kung paano makokontrol ang Special ko. Then bukas, sya daw mismo ang magtetrain sa akin personally. “Nakakapagod.”, pagrereklamo ni Monica. Naglalakad na kasi kami pabalik sa dorm namin dahil tapos na nga ang klase. Nag-uunat unat pa nga si Monica, mukang napagod nga talaga sya kanina. Malapit na kami sa dorm nung makaramdam ako ng kakaiba sa paligid. Tiningnan ko ang mga kasama ko pero parang wala silang nararamdamang kakaiba. Isasawalang bahala ko na sana yun kaso lalong lumakas ang pakiramdam ko. “Yuko!”, sigaw ko kina M

