Hindi ko alam kung paano kakapitan ang lalaking ito. Ayoko sanang sumakay sa motor niya kasi galit ako sa kanya. Pero wala akong magawa dahil iiwanan niya daw ako doon. Dahil bago pa kami umandar ay sinabihan niya na akong kumapit. Hindi ko naman inakalang ganito siya magmaneho. Ngayon ay para akong tuko na nakakapit sa likod niya huwag lang akong dampotin sa gitna ng kalsada. At sabi ni Boni ay iiwan daw talaga niya ako doon sa park.
Si Boni ay ang nagtitinda ng balot kanina doon sa parke. Si Bonifacio Magtanggol ang kapatid ng masungit na lalaking ito.
Akala ko pa naman nakahanap na ako ng bagong kakilala.
Galit ba siya?
Ang kapal naman ng mukha niya kung siya pa ang may ganang magalit sa nangyari. Ako ang iniwan muli ng walang pasabi at ngayon ay mapipilitang pakisamahan ang masungit na ito.
"Paalam, Abba..." sigaw ni Boni bago siya mawala sa paningin ko.
Ang lalaking nagtitinda ng balot na matiyagang kumakausap sa akin kanina ay kapatid niya. Ang dami ko pa namang kinukwento dito tungkol sa kapatid niyang masungit. Ngayon ay napapaisip pa ako kung alam b na ba ang napag-usapan namin.
Lately sobrang nahahasa ang tagalog ko dito sa Pinas. Di gaya noon na madalas ko lang itong magamit kapag may bagong kakilalang Pilipino o dili naman kaya'y kapag nasa bahay.
Mom would always talk to me in English but if Dad's around were force to talk in Tagalog.
Nagulat pa ako ng tumunog ang tiyan ko. Hala hindi pa naman ako ganoon katagal nawala pero ‘yong gutom ko wala ng katapusan. Kaya hiyang hiya ako sa pagtunog nito. Pero sa tuwing luluwagan ko naman ang kapit ko sa kanya ay mas bumibilis ang takbo ng lalaking ‘to. Nananadya yata!
“Where are we?” taka kung tanong sa kanya ng huminto kami sa isang kainan.
Ngayon lang ako nakakita nito. Actually meron naman sa US pero hindi gaanong magkapareho. Mas maingay at magulo dito kahit gabi na. Pero puro mga kumakain at umiinom ang mga nandoon.
“Nagugutom ka diba? Baka sabihin ng kapatid mo pinapabayaan kita,” masungit niyang sagot bago ako tinalikoran at nauna ng maglakad.
Ayoko naman sumunod kaso mas nakakatakot naman maiwang mag-isa dito.
Tahimik akong sumunod sa kanya kahit hindi ko naman talaga alam kung saan kami pupunta. Lakad lang ito ng lakad na parang wala itong kasama pero nakaramdam ako ng takot ng parami ng parami ang tao sa paligid. Ngunit mas lalo akong binalot ng takot ng mawala sa paningin ko si Diego. Ilang beses ko pang inikot ang tingin ko sa paligid. Pero masyadong marami ang taong at halos hindi na ako makakilos dahil bigla silang nagsisiksikan sa tabi ko. Para akong karayom na nasa gitna ng dayami.
“Oh god, I cant breathe,” daing ko na para akong na suffocate sa dagsa ng tao. “Diego…” tawag ko dito kahit hindi ako sigurado kung naririnig niya din ba ako.
Natataranta na ako pero wala paring Diego na sumusulpot sa harap ko. Ilang beses kung sinubukang makaalis sa kumpol ng mga tao pero parang balewala lang dahil ang dami nila. Dinadala lang nila ako dahil sa sobrang bilis nila. Naiiyak na ako habang panay linga ko sa paligid dahil baka nandoon lang si Diego. Pero mas lalo akong nawalan ng pag-asa ng mas lalong hindi na pamilyar sa akin ang lahat ng nasa paligid ko.
Sabayan pa ng takot na baka hindi ko na siya makita ulit at baka sadyang iniwan niya na ako dito sa gitna ng bangketa.
“Ang sabi ko sumunod ka sa akin. Bakit nakaupo ka nalang diyan?”
Hindi ko alam kung anong reakyon ko ng tumingala ako at mukha ni Diego ang bumungad sa akin.Biglang nagliwanag ang buong paligid ko mukha niya palang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ng talunin ko siya ng yakap at nag-iiyak na yumakap sa kanya.
Para akong batang umiyak sa mga bisig niya.
“Tahan na. Pinagtitinginan tayo ng mga tao para kang bata. Bakit ka ba iyak ng iyak?” Hinampas ko siya sa dibdib habang nakayakap pa rin sa kanya.
“Kasi iniwan mo akong bwesit ka!” Naiiyak kung hampas sa kanya.
"Oh, siya tama na at masyado ka ng tyansing!" Sabi niya sabay layo sa akin sa katawan niya.
"Kakainis ka!"
Sa ilang araw kung kasama si Diego ay sa kauna-unahang beses ay narinig ko itong tumawa at humalakhak. Na animoy sobrang nakakatawa ang narinig nito. Tawa na halos mawala na ang mga mata nito sa sobrang saya.
Hindi ko alam na ang sarap niya palang panooring tumawa. Hindi ko alam na ganito pala ang itsura niya kapag tumatawa.
“Bagay sayo ang ngumiti. You look more handsome while smiling,” puna ko sa kanya habang nakatingala. Dahilan naman para bumaling sa akin at huminto siya sa pagtawa.
“Tara na. Habang gumagabi mas dumadami ang tao dito,” saad niya habang lumilinga-linga.
Hinila niya ako papunta sa isang side ng eskinita. Nakakatuwa ngang tingnan ang mga tao sa paligid para silang tubig iisa ang way ng pag-agos nila. Nang tingnan ko ang daanan ay may tali palang naghihiwalay sa kanila dahilan para hindi sila malito kung saan pupunta. Nakakatanga pala ang ganito natuwa pa ako simpleng bagay lang naman pala iyon.
Gumalaw ang ilong ko ng may maamoy akong mabango sa kung saan. Hindi ko namalayan na habang inaamoy iyon ay nahihila ko na rin pala si Diego. Huminto kami sa isang maliit na tindahan na may maraming iba’t ibang klase ng tinutusok.
“Masarap po ba ito?” Inosente kung tanong kay Manang na ikinatawa niya bigla.
“Oo iha, bilhan mo na ang girlfriend mo mukhang bagong salta.” Baling niya kay Dieogo na parang hindi narinig ang sinabi nito.
“Gusto mo?” Tumango ako. “Sigurado ka?” Muling niyang tanong na sinagot ko ulit ng isa pang tango.
Inantay pa namin maluto iyon at halos maglaway ako habang nakatanghod doon na matapos siyang magluto. Nang ibigay sa akin ni Manang ang dalawang stick na binili ni Diego ay halos magningning ang mata ko.
“Gusto mo?” Alok ko sa kanya. Pero piping nagdadasal na ang isip ko na sana ay umayaw siya. Dahil pakiramdam ko kulang pa ito sa akin.
“Sayo na mukhag gutom ka eh!” Pagkasabi niya noon ay agad kung nilantakan ang dalawang hawak kung stick.
Ang sarap pala talaga ng mga pagkain sa pinas ano? Noon halos wala akong ideya sa masarap na sinasabi nila. Then one of my friend tried to cook sinigang. It feels heaven when eating those foods.
“Ang sarap naman nito. Anong tawag dito?” baling ko kay Diego na abala sa kakalinga.
“Isaw? What that’s is the pig?”
“No. It’s the intestine of the chicken. Masarap diba?”
Hindi ko alam kung paano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Pero ngayon palang ay nasusuka na ako ng malamang bituka pala ang kinakain ko. Nagtatalo ang isip ko at sikmura ko ng malaman kung ano ang kinakain ko. Gusto ko sanag itapon pero masyadong masarap kaya kakalimotan ko nalang kung anong parte ito. Kunwari nalang wala akong narinig.
“Kunwari nalang hindi kita narinig,” saad ko sa kanya bago naunang naglakad. Pero nahila niya agad ang damit ko dahilan para mapabalik ako sa tabi niya.
“Bakit ba?”
“Kung maka bakit ba ka alam mo ang daan?” Napanguso ako sa sinabi niya.
Kaya ng tumalikod si sungit ay sumunod nalang din ako sa kanya. Habang naglalakad siya ay nagmamadali din ako dahil baka mamaya ay bigla na naman itong mawala. Pero sa sobrang abala ko kakasunod ko sa kanya ay hindi ko napansin na huminto na pala kami kaya napangiwi nalang ako ng bumundol ako sa dibdib niya.
“Tingnan mo nga ang dinadaanan mo. Wag kang laging lutang!” Grabi naman siya maka-lutang.
At as usual ay iniwanan na naman niya ako. Apaka sungit talaga ng lalaking ito. Mukha naman siyang gustong-gusto ng mga tao ba’t ako inaayawan ko siya.
Bumaling ako sa pinasukan niyang maliit na bahay-bahay. Parang isang ihip nalang doon ay gigiba na ito. Pagkapasok ko doon ay halos mapaatras ako sa dami ng mga taong nakaupo sa bawat lamesa meron pang nakapila. Pero ang masungit na si Diego ay prente ng nakaupo sa isang pandalawahang mesa at kumaway sa akin.
“Stop wondering will you?”
“Opo sir,” hindi ko mapigilang umikot ang mata ko sa kanya.
Kung pagsalitaan ako ay akala mo isa akong batang maliit.
“What is that?” Turo ko sa kanya ng may ilapag na parang pancit ang may kung anong laman.
“Just eat it and stop asking. Kailangan na natin bumalik sa talyer.”
“Naku Mami yan, ganda. Kain kana paborito iyan nitong si Diego. Ikaw naman Diego may girlfriend kana pala hindi mo lang sinasabi.” Napapiling ang ulo ko sa sinabi ng babaeng naupo sa tabi ni Diego sungit.
“Hindi ko siya girlfriend. Nakikitira pansamantala sa bahay. Ipagbalot mo ako ng lima nito. Kumain ka na, Nia.”
Sa sinabi niya ay dali-dali din akong kumain. At hindi na muling nagtanong pa. Dahil kung mag-usap sila ay parang wala naman ako doon. Ang dami niyang biniling pagkain bukod sa Mami na dala mula doon sa bahay-bahayan naming kinainan. Napahinto ako ng makakita ako ng may madaanan kaming isang churros stall. That was my favorite pero sa dami ng kinain ko ay nahiya na akong magpabili sa kanya.
“Anong ginagawa mo diyan?” Feeling ko tumulo na ang laway ko kaya pasimple ko itong pinonasan.
Im so kadiri lately. My god!
“Wala andiyan na.”
Buong byahe namin ay lumilipad ang isip ko sa paborito kung pagkain. Muntik pa akong makabitaw kaya as usual pinagalitan na naman ako ni sungit.
“Ate Abbaaa,” napangiti ako ng salubongin ako ni Paloma. At least may masaya pa na bumalik ako sa lugar na ito. “Akala ko hindi kana babalik.”
“Diyan lang namasyal lang ako sa labas,” alanganin kung sagot sa dito. Dahil kahit ako mismo ay nahiya sa inasal ko.
Hindi ko man lang kasi inalam ang rason ni Kuya bigla nalang akong nagwala sa harap niya. Nakakahiya naman sa mga kasama niya. At sa sobrang hiya ko ay parang ayoko ng pumasok sa loob ng bahay nila.
“Ano kailangan mo paba ng carpet para pumasok? Sinundo ka na ano pang gusto mo?”
Damn you! f**k you, Diego!
Paulit-ulit kung sinisigaw iyon sa utak ko habang nakatingin sa masungit na lalaking ito. Kung pwede ko lang siyang isumpa ng paulit-ulit ginawa ko na. Pero pag ginawa ko iyon ay baka palayasin na ako ng amo nila dito. Mukhang si Diego pa naman ang katiwala dito. Kakaasar talaga!
“Andiyan na.” Napapadyak pa ako sa sobrang inis ko bago ako sumunod sa kanya.
“Ms. Abba welcome back!” Salubong nila sa akin.
Mabuti pa talaga kahit ilang araw ko palang nakasama ay na appreciate ang presence ko hindi kagay ng lalaking iyon. Nang iikot ko ang mata ko ay wala ng Diego ang nandoon sa salas. Mukhang umakyat na ito.
“Salamat. Pero oras palang naman simula ng huli akong nandito kaya—Oh my god!Oh-my-god! Its my favorite,” natataranta kung sigaw habang nakatingin sa lamesang puno ng churros, chicken nuggets and the food like on the us.
“Pa welcome party namin ‘yan sayo Ate,” saad ni Paloma bago nag-apir sila kasama ang tatlong boys.
“Thank you! I really appreciate it,” yakap ko sa kanila para bigla nalang din ako maiyak.
“Hala, Ate ba’t umiiyak ka? Pagagalitan kami ni Bossing niyang eh!”
Hindi ko alam pero bigla nalang akong umatungal ng nakita ko ang mga pagkaing nasa harap ko. Namiss ko bigla ang buhay ko sa US sila Mommy at Dad at ang makukulit kung kaibigan doon. The life that I never imagined I need to leave instantly. Iyong mula pagkabata ay nasanay ako na iyon ang kinalakhan ko tapos sa isang iglap bigla nalang magbabago ang lahat.
“Sorry. Nababaliw na ako bigla na lang akong umiiyak. Kumain na ba kayo? I think Diego bought you some foods. Kumain na muna kayo.”
Ang lahat ng stress ko ng araw na yon ay binuhos ko s asa pagkain ng mga pagkaing nasa harap ko. Sabi pa nila Cardo ay para daw kaming nag-iinuman pero pagkain lang ang tinitira.
“What’s tinitira Cardo?” Curios kung tanong dito.
“Ah eh—Ino iexplain mo nga kay Madam kung ano ‘yon,” kakamot-kamot na turo nito kay Ino na nasa kabilang gilid ko.
“Ang ibig sabihin ni Cardo Ate, were look like drinking but the the only difference were eating food that supposed to be an alcohol.”
“Ang galing mo talaga, baby boy!” Tukso nila kay Ino habang ginugulo ang buhok nito.
“Ah I see. Haha sorry nakakaintindi naman ako and I can talk tagalog but not fluently. Anyway, I need to go to bed na. Mag-gagabe na rin kasi.”
Magliligpit pa daw sila pagkatapos nilang kumain kaya pinauna na nila akong umakyat. Pero pag akyat ko ng hagdan ay muntik na akong mapasigaw ng biglang lumabas doon si Diego na nakatapis lang ng tuwalya at basang-basa ang katawan.
“Oh god!” Sigaw ko ng biglang pag-atras ko ay mali pala ang naapakan ko.
Sa bilis ng kilos nito ay hindi ko namalayang nakalapit na ito sa akin. Maagap niiya akong nasalo at nahawakan sa bewang. Pero pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay habang magkadikit kaming dalawa. Dahil ang isa kung kamay ay nakahawak sa nag-uumigting niyang braso at ang isa naman ay nakatukod sa matigas niyang dibdib.
Napasinghap ako at sunod-sunod na napakurap ng mata ko ng bigla niya akong hapitin palapit lalo sa kanya at itayo ng maayos. Alam ko ang nangyayari pero tang’na para akong nililipad ng hangin—no actually parang kinukuha niya ang lahat ng hanging meron ako.
“Breathe, Nia. I wont eat you!” He whispered on my ears.
Shit, the husky voice of him.
Damn it! I feel like my underwear get loosen up a bit.
Agad akong lumayo sa kanya ng mahimasmasan ako sa nangyayari. Kinakain na naman ako ng imahinasyon ko dahil sa kanya.
“Sorry, nagulat lang ako sa biglaan mong pagsulpot,” saad ko habang inaayos ang sarili ko. Saglit ko pang pinadaanan ng kamay ko ang pisngi ko dahil feeling sobrang init noon.
“Okay. Pwede na baa kong makadaan?” Tasnong niya sa seryosong mukha.
“Ang sungit mo!”bulong ko ng makalagpas siya sa akin.
“Narinig kita, Fabania!”
Napa-ingos ako sa kanya. “Nilakasan ko talaga kasi manhid ka baka hindi mo alam!”
Halos mapasinghap ako ng inilang hakbang niya ang pagitan naming dalawa. Parang bigla na naman akong kinaposan ng hininga at agad nayakap ang sarili sa takot na baka kung ano ang gagawin niya.
“Tsk! Ngayon ulitin mo nga kung anong sinabi mo?”
“A-ang s-sungit mo!”
Og god! Feeling ko kakainin niya ako ng buo kasi halos hindi ito ngumi-ngiti.
“Did it bother you? Sa pagkakaalam ko hindi ko na problema kung nasusungitan ka sa akin. Ngayon matulog kana mahal na prinsesa kasi bukas mag-uumpisa kana ng trabaho mo,” kunot noo ko siyang nilingon.
“Trabaho?”
He smirked. “Oo trabaho. Nakikita mo ang buong bahay na ito? Ito ang magiging trabaho mo,” saad niya bago tumaas ang sulok ng labi nito ng makita ang itsura ko.
Napasandal ako sa dingding ng makaalis si Diego. Magtatrabaho ako dito sa bahay nila? Ang dugyot kaay ng mga tao dito. Tsaka wala naman akong alam sa gawaing bahay. Nakakainis naman kasi si Kuya bakit niya ba ako iniwan dito. Agad akong natigilan ng makarinig ako ng yabag at makitang paakyat ng muli si Diego.
“Alas singko dapat gising kana para maglinis ng buong bahay. Dahil ala sais palang ay nagigising na ang mga tao dito para magtrabaho—“
“But I can’t wake up that—“
“Hindi ko na problema ‘yon. Kung hindi ka magtatrabaho sa bahay ay ngayon palang mag-umpisa ka ng mag-alsa balotan at bukas ng umaga ay umalis kana dito.” Seryoso nitong saad bago ako muling tinalikoran.
Argh! Nakakainis ka talaga Diego. Pinasaya mo lang ang araw ko doon sa pipitsuging isaw na iyon tapos babawi ka din pag-uwi dito. Gustong-gusto mo talagang pahirapan ako. Ikaw siguro nagpresinta na maging katulong ako? Makakabawi din ako sa lahat ng ginagawa mo sa akin.
“I hate you!” Naiiyak kung padyak habang nakahiga sa kama.
Makakaganti rin ako sayo Diego tandaan mo yan!