Nagising ako sa ingay mula sa pinto ko. Antok na antok pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa walang hiyang Diego na ‘yon. Biro mo ba naman gawin akong katulong ako daw—Oh s**t!
“s**t! s**t! I alarm you on 5am. What happen alarm clock? Oh god! He’ll kill me,” halos magkandahulog-hulog pa ako sa kama sa pagmamadali ko. “Coming,” ilang beses pa akong nagsign of the cross dahil baka mamatay na ako pag labas ko.
Thank god its not Diego.
“Ate, okay ka lang? Luto na ang almusal kumain na tayo. Pero magbihis ka muna baka lalo lang masabon ni Kuya Diego sa itsura mo,” nakangiwing turo ni Paloma sa akin.
Nang tingnan ko ang itsura ko ay bigla akong nahiya. Mukha akong paparape sa labas sa itsura ko. Ayaw pa naman ni Diego na makikita akong ganito. Pinauna ko na si Paloma bago dali-dali akong naligo. Hindi ko na nga nagawa ang daily routine ko dahil baka umuusok na ang ilong ng atang masungit sa baba.
Naligo ako at naghanap ng shorts at tshirt bago ako bumaba. Ang mahal ng mga damit ko tapos ipangbabahay ko lang dito. Dapat binigyan man lang ako ni Kuya ng pambili ng bagong damit.
“Good morning, Miss Abba,” bat isa akin ni Cardo na mukhang kakapasok lang din ng kusina.
Nahiya naman ako kakagising ko lang tapos silang lahat ang dam ing ginawa. Tinulongan ko si Paloma na mag-ayos ng lamesa pero pinaupo na ako ni Paloma kaya naupo din ako. Pero bago pa lumapat ang pwet ko sa upoan ay nagsalita na ang lalaking may galit sa akin. Kaya agad akong napatayo.
“Sinong may sabi sayong uupo ka diyan?” bigla akong napatayo ng tuwid ng marinig yon.
“Kuya Diego—”
“Maupo ka Paloma. Ikaw Fabania, tapusin mo ang ginagawa ni Paloma. Pagkatapos ay labhan mo ang lahat ng nakatambak doon sa likod bahay. Hindi ka kakain hangga´t hindi mo iyon natatapos.”
Walang isang salita akong umalis ako doon at inayos ang mga pinaghugasan ni Paloma. Inayos ko din ang mga ibang nakalagay doon sa lababo. Muntik ko pang mahulog ang isang mabigat na kaserola mabuti nalang at nasalo ni Teo. Pero habang naghuhugas ay hindi ko mapatigil ang kamay ko sa panginginig. Para itong isang takot na batang nautosan sa lugar kung saan ayaw niya.
I bitter do this to make a point on him that even if I was born with a golden spoon in my mouth not all the things were spoon fed by my parents. Not all the things that i wanted were given to me free. What i have now were from my own perseverance and effort.
“Kuya hindi naman siya sanay—”
“Ayos lang ako Paloma. Kaya ko ito,” nakangiting baling ko kay Paloma na kita ang pag-aalala. Paniniguro ko sa kanya kahit alam ko namang hindi ko talaga kaya dahil hindi pa ako nakakapaglabas ng ganito.
Tiningnan ko ng masama si Diego bago ko siya tinalikoran. Gusto ko siyang awayin pero hindi ko magawa dahil kailangan ko rin siya. Bukod pa doon ay parang may isang bagay ang parang humihila sa akin pabalik sa kanya.
At nang makita ko ang tambak na labahin na kailangan kung labhan ngayon palang ay parang gusto ko ng maiyak. At pagsisihan ang pagiging mayabang ko sa harap ni Diego. Natuto ako maglaba dahil tinuroan ako ng Yaya ko pag in case daw na nagsolo ako kahit panty ko malalabhan ko. Pero ko naman akalain na halos isang drum na labahin angh ibibigay ni Diego. Mabuti nalang at meron siyang washing machine kung wala baka mag-alsa balotan na talaga ako.
Inayos ko muna at binanlawan ang mga damit nila na nakalagay sa drum. Pero halos manlumo na ako ng kahit anong banlaw ko ay wala man natatanggal kahit kaunti.
“God, why are you so f*****g dirty?” Naiinis kung hampas ng damit na hawak ko sa tubig.
“Sinusuot ´yan kaya madumi!”
Nilingon ko ang lalaking nagsalita noon. Napabusangot ako ng makita ko si Diego na mas nanlilimahid na ang suot kumpara sa kanina. Araw araw na nakakasama ko siya mas lalo akong naiinis sa kanya. Napanganga nalang ako ng ilapag niya ang isang balde ng mga damit pa.
“Damn you! How could I even finish that f*****g clothes? Do you want me to stay here until dawn?”
“Kung hindi mo kaya bukas ang pinto pwede ka ng umuwi!”
“I hate you! I f*****g hate you!”
Halos maiyak nalang ako sa frustrasyong nararamdaman ko sa kanya. Para bang sayang-saya ito na makita akong nahihirapan ng ganito. Napapadyak akong tumalikod sa kanya at isa-isa muling pinulot ang mga labahin. Wala akong pakialam kung umalis na siya o nanatili pa rin itong nakatayo sa likod ko. Kung kailangan kung labhan ng ito ay kailangan kung bilisan dahil ayokong matapos hanggang gabi dito.
Tapos ang walanghiya hindi pa ako pakakainin hangga´t hindi ako natatapos maglaba.
Sumpain sana siyang maging pangit. Nakakainis siya!
Pagod akong naupo sa tambak ng damit matapos kung maisampay ang isang balde na nalabhan ko. Wala siyang sinabing kailangang malinis na malinis ang mga damit pero ang hirap naman tingnan ng madumi ang nilabhan ko. Kaya kahit mahirap silang kuskosin at labhan ay pilit kung tinanggal ang mga mantsang nakadikit doon. Bakit kasi mga ganitong kulay pa ang sinusuot nila? Samantalang pwede naman ang itim na mga damit para hindi kita may may dumi o mantsa.
“Ate,” nilingon ko si Paloma na nakatago sa isang tabi.
“May dala akong tinapay kumain ka muna. Kahit huwag mo ng kuskosin ng husto. Kailangan lang malabhan siya kasi mga grasa ang nasa damit na yan mahirap tanggalin,” turo sa akin ni Paloma.
Sana naibulong niya man lang sa akin iyon kanina hindi ba? Halos matanggal na ang braso ko kakakuskos sa mga damit na iyon tapos grasa lang pala silang lahat. Ayoko na talaga sa earth.
“Sana binulong mo man lang kanina. I almost dislocate my arms from brushing this f*****g clothes!”
“Ate naman, tagalog lang tayo. Walang Englishan!” Kahit napapagod ako ay natawa nalang akong naupo sa tabi ni Paloma.
”Hindi ka ba papagalitan ng amo mong masungit? Baka mamaya ay para na namang pina kulo ang tubig ang itsura nun,” tudyo ko kay Paloma.
“Hayaan mo iyon si Kuya Diego. Babait din ‘yon sayo baka may naalala lang kaya lagi kang sinusungitan?” Kunot-noo ko siyang nilingon.
“Sino naman?” kunot noo kung tanong pero hindi niya na ako sinagot. Sa sobrang gutom ko ay naubos ko ang tinapay na dala niya. Sabagay sinong hindi magugutom sa santambak na labadang ito?
Pero pina tikim lang ako dahil kibit balikat lang ang isinagot sa akin. Akala ko pa naman may magagamit na ako agaisnt dito. Iniwan ko na sa isang tabi si Paloma at muling tinuloy ang labahan ko. Halos lumawa na ang laman ng washing machine sa sobrang dami ng inilagay kung damit. Ganito din ang ginawa ko kanina para madali akong matapos. Nagugutom na kaya ako mabuti nalang at dinalhan ako ni Paloma ng tinapay kaya nabawasan ang gutom ko.
Never in my life I experienced to get starve.
This is the fiest time that i crave for food that i can eat easily before. Diego really happy to see me like this--to see me in pain. I hate him for that.
“Hala Miss Abba, anong ginawa mo diyan sa mga damit?” Nagulat ako ng sumulpot si Cardo.
Dali-dali nitong tinakbo ang washing at tinanggal ang ibang damit na nakalagay doon. Tarantang-taranta ito habang nagmamadaling kumilos. Habang ako ay kampante lang siyang nilapitan ko siya at pinanood ang ginagawa niya.
“Ano bang ginagawa mo Cardo?” Naiinis kung tanong sa kanya.
“Kailangan tama lang ang ilagay mong damit,” mukhang naiinis niya ding sagot sa akin.
Naiinis din akong napapadyak, “paano ako matatapos kung konti lang ilalagay ko? Sabi ng masungit na si Diego kailangan kung matapos yan!” Naiinis kung singhal kay Cardo. Naiinis siya naiinis din ako dahil nakakaabala siya!
“Hay naku! Nagmamadali ka kung masira iyang washing palagay mo pa patigilin ka ni Kuya Diego? Papa labhan niya isa-isa ‘yan sayo gamit ang mga kamay mo. Ngayon isipin mo kung alin ang mas nakakapagod doon,” Napanguso ako ng walang lingon likod itong naglakad palayo. Naiinis ako sa ginawa ni Cardo pero may point siya kaya hindi ko na magawang mapagod.
Tiningnan ko ang mga natanggal niyang damit sa washing lagpas kalahati iyon. At halos iilang piraso nalang ang naiwan sa loob ng washing machine. Tiningnan ko ang mga kailangan ko pang labhan. Hindi pa yata ako umaabot sa kalahati. Pero pakiramdam ko ang sakit na ng buong katawan ko. Tapos ang kamay ko ay pulang-pulang na at parang humahapdi na rin.
Hindi ko alam na ganito kahirap ang maglaba.
Naalala ko tuloy ang Yaya ko sa US na laging nagrereklamo sa dami ng damit ko. Madalas pa ay pinapa ingatan ko sa kanya ito ng husto dahil mahal ang bili ko. Bigla tuloy akong nakonsensya at gusto ko siya ngayong tawagan at humingi ng tawad.
“Miss Abba pwede ka pong magpahinga. Hindi naman kailangang tapusin mo iyan ngayon. Papaki-usapan nalang—“
“Ayos lang ako Ino. Salamat nalang ayoko magkaroon ng utang na loob sa inyo. I can do this alone. I don’t want that Diego to take this chance to kick me in this house. I will you to your boss that I can stay in this house and that Diego sungit can leave.”
Puno ko ng panindigan itong tatapusin. Kahit pa abutin ako dito ng hanggang gabi. Baka mamaya sabihin ng boss nila Diego tamad ako. Pero kung makikilala ko siya ipapakita ko kung gaano ako kasipag higit pa sa inaaakala niya.
“But Miss Abba, si Kuya Diego—“
“Stop it, Teo! Alam ko ng masama ang ugali niyang Kuya niya. Ma pagtitiisan ko ang lahat. Pero sana matututo siyang makisama ng maayos dahil pareho lang kaming nakikitira dito. Tsk! Doon ka na nga baka maabotan kapa ni Sungit,” taboy ko sa kanya.
Baka mamaya ay pag-initan pa siya ni Diego kawawa naman. Mukha pa namang bully talaga ang itsura ni Diego.
Nang matapos ako sa mga tshirt at sinunod ko naman ang mga pantalon at meron pang mga overall at madaming towel. Kung ganito pala karami ang labahan nila bakit kaya hindi sila nagpapa laundry?
Sa sobrang kagustuhan kong matapos ang paglalaba ko ay hindi ako huminto kahit tanghaling tapat na. Mabuti nalang at dinadalhan ako ni Paloma ng pagkain. Ayoko pa ngang tanggapin dahil siguradong magagalit si Diego. Kahit naghahalo na ang luha at pawis ko habang naglalaba at nagsasampa ay tuloy lang ako. Hindi ko alam kung ito ba ang gusto ng mga magulang kung maranasan ko dito kaya ako pinauwi o sadyang napunta lang ako kay Diego nna masungit.
Kaya sa kahuli-hulihan kung sinampay ay halos magbunyi ako.
Ang tagal na oras ang hinintay ko para lang sa pagkakataong ito. Pakiramdam ko ay may allelujah kumakanta sa likod ko. Walang tao sa buong bahay ng matapos ako. Kaya naupo lang ako sa sofa magpapahinga lang ako saglit. Saglit lang talaga total wala naman si Diego.
Pero napabalikwas nalang ako ng bangon ng magising ako ay hindi na hapon o gabi kundi alas diyes na ng umaga. Nang tingnan ko ang labas ng kwarto ay umaga na talaga. Teka paano ba ako napunta dito? Nasa sala lang ako ng matulog ako eh! Pero ngayon nandito na ako sa kwarto ko at literal na ang sarap pa ng tulog ko. Minumulto na yata ako!
Naligo at naghanap lang ako ng pajama dahil ang sakit ng katawan ko at nilalamig ako.
Pero napabalikwas nalang ako ng bangon ng magising ako ay hindi na hapon o gabi kundi alas siyete na ng umaga. Nang tingnan ko ang labas ng kwarto ay umaga na talaga. Teka paano ba ako napunta dito? Nasa sala lang ako ng matulog ako eh!
Pagbaba ko ay maingay na ang sala wala din tao ang second floor. Mukhang nagkakasiyahan sila ngunit ng makita ako ng isa sa kanila ay bigla silang tumahimik at parang walang nangyari. Mabaho ba ako? Kakaligo ko lang naman ah!
Napaamoy ako sa sarili ko ng wala sa oras.
Maraming lalaki doon at iyon ang una kung napansin. Lahat sila nakatingin sa akin na parang nakakita sila ng multo.
“Is there a problem?” hindi ko mapigilang tanong ng tumapat ako kay Ino.
“Wala naman Ate Abba. Nandoon si Paloma sa likod gusto mong samahan?” hindi siya talaga tanong. Dahil bago pa ako makasagot sa kanya ay tinulak niya na ako palabas ng kusina.
Nagtataka man sa inasal ni Ino ay hinayaan ko nalang siya. Hinayaan ko siyang dalhin ako kay Paloma. Natagpuan ko si Paloma sa likod bahay na nakaupo sa isang bench na gawa sa puno at meron ding upoan doon.
“Anong nangyayari? May problema ba sila sa akin na hindi ko alam?” kunot noong baling ko sa kanilang dalawa.
“Ahh.. ano kasi Ate—”
“Yes, Paloma. I’m listening.” Humarap pa ako sa kanya para malaman niya na okay lang kung anoman ang sasabihin niya.
“Wala namang problema Ate,” sabat ni Teo.
“Then bakit bigla silang tumahimik ng bumaba ako? Ako ba ang pinag-uusapan nila o ayaw nila sa akin?” Sunod-sunod kung tanong sa kanya.
Hindi ko maatim na tratohin ng ganon kung wala naman akong alam na ginawang masama sa kanila. I don’t even know them to act like that in front of me. Akala mo kriminal ako kung titigan nila.
“Bakit naabala kaba ng pagtahimik ng mga tao sa loob? Syempre tatahimik sila kasi bago ka. Kasi baka hindi ka nila kilala. Bakit piling mo sayo lahat iikot mundo ng mga tao? Wake up, wala ka na sa inyo! Nandito ka sa Pinas kasi pagod na silang lahat sayo.”
Habang nakakuyom ang kamao at patuloy ang pagpatak ng luha ko ay hinayaan ko siyang alipotashin ako.
Baka ikakaluwag ng araw niya ang pagbitaw sa akin ng mga masasamang salita. Baka sakaling bukas mabait na siya sa akin at hindi na ganito ka sama ang trato niya sa akin. Pero sino ba ang niloko ko? May pinaghuhugotan yata ito ng galit kaya ganito ito kasungit.
“You don’t have to shout!”
He smirked. “You don’t have to cry!” he said and leave.
Hindi ako balat-sibuyas.
Hindi rin mabilis sumama ang loob ko sa mga bagay-bagay. Pero kung ganito siya hindi ko nalang mapigilang hindi maiyak. Iyong mga salita niya ang sakit lang sa dibdib. Na para bang kahit gaano kabuti ang gawin ko magiging masama ako sa paningin niya.
“Then you don´t have to say such horrible thing. I knew i´m covered with flaws. But that’s who I am how can I change into a person I am not?” Naiiyak kung sigaw habang nagmartsa palayo doon.
Frustrated, hurt, disappointed. Iyon ang nararamdaman ko ngayon kahit anong gawin kung tanggi nasasaktan parin ako. Nasasaktan ako sa katotohanang paulit-ulit niyang pinapamukha sa akin. Mga katotohanang iniiwasan ko dahil alam kung masasaktan ako ng husto.
I am not perfect and I knew that I am beyond repair.