DIEGO’S POV Sinilip ko ang orasang nasa mga bisig ko. Ilang oras nang tulog si Nia pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Ang sabi ni Yuki ay magigising din daw ito kalaunan, masyadong lang nastress ang katawan nito. Grabi naman mastress ang babaeng ito halos bente kwatro oras na itong tulog. “Kuya tulog pa din?” nilingon ko si Boni kasunod si Paloma na may dalang almusal ko. “Pinepeke na yata ang pagkatulog kaya ganyan.” “Magsabi ka ng totoo, Kuya sinapak mo yang si Abba no? Kaya tulog pa rin hanggang ngayon. Ah, baka kailangan ng halik kaya hindi magising?” sinamaan ko ng tingin si Bonifacio na agad sinarado ang bibig. “Kung ikaw ang sapakin ko ng manahimik ka? Wala bang kliyente sa baba at nandito ka? Tulongan mo sila, Teo hindi ka amo dito,” amba ko sa kanya ng

