Naiinis akong sumakay ng taxi at nagpunta ng mall. Bahala s’ya sa buhay n’ya damhin n’ya ang pag-iinarte niya. Ang dami n’yang alam! Pagkababa ko ng mall ay dumiretso ako sa department store at hinanap ang babies section. Ang inis ko kay Diego ay biglang nawala ng makita ko ang cute na mga gamit at damit pangbata. Parang bigla akong napaligiran ng maraming baby. Noon magagandang damit at kung ano-anong materyal na bagay ang gusto kung bilhin at makikita. Pero ngayong merong maliit na buhay sa tiyan ko parang lahat ng gusto ko ay tungkol nalang sa kanya. Ganito pala ang pakiramdam ng mga magiging Nanay ano? Iyong tipong wala ka ng pakialam sa ibang tao kung hind isa kanya nalang nakatutok ang lahat ng atensyon mo. “Mam, babae po ba o lalaki?” lapit sa akin ng isang sales lady. “Actu

