NAKABALIK na kami ng Manila kahapon at ang kapatid kung kontrabida ay hindi na ako pinabalik sa bahay ni Diego. Wala na daw ba akong balak na gawin ang gusto ko bukod sa pagsunod kay Diego. Kaya napilitan akong tumira sa condo ni Sari, gusto pa nga ay bilhan ako ng condo. Pero hindi na ako pumayag dahil sayang rin naman kung ikakasal na kaming dalawa wala ng titira doon. “Baby, sigurado ka bang—” “Dieogo pang ilang beses mo ng tinanong ‘yan at naiinis na ako sa kakasagot sa ‘yo. Kaya tama na huh!” sagot ko sa kanya bago ako pabagsak na nahiga sa kama ko. Walang nabago sa inayos kung condo ni Sari nagdagdag lang si Kuya ng iilang gamit. Kailangan ko daw iyon dahil wala akong alam sa bahay. Siguro kung gaya noon baka nagpasalamat pa ako sa kanya. Pero ngayon ay marunong na ako ng mga ga

