NAGISING ako na may mabigat na bagay ang nakapatong sa akin. Nang silipin ko ito ay halos idagan niya na ang katawan niya sa akin. Ang sarap ng tulog nito sa tabi ko na para bang pagod na pagod ito. Sabagay pagod na pala talaga kami kagabi dahil mag-uumaga na yata ng matulog kaming dalawa dahil halso ayaw ng magpahinga ng loko. Kung saan-saan niya ako binuhat kagabi dahil baka daw masira ang kama kung sa kama lang kami hihiga. Para kaming baliw kagabi na kung saan nalang niya ako biglang isasandal at ayos na ang laaht. Bumabawi daw siya sa ilang linggo siyang wala sa buhay ko. Akala mo pag-aari niya ang kubo na ito para binyagan ang bawat kanto nito. “Good morning!” bati ko sa kanya ng sumiksik ako sa tabi niya. “Mas maganda ka pa sa umaga, baby. Maligo na tayo,” aya niya sa akin na

