Nang gabing ‘yon ay para akong isang bulateng nilagyan ng asin sa higaan ko. Hindi mapakali at paulit-ulit lang umiikot sa kama. Hindi makatulog dahil sa lintik na kiliting naramdaman ko. Dahil si Diego ay pinakilig lang ako bago at pinaasa. Sa huli sisermonan niya rin pala ako. Naghilamos lang ako bago bumaba. Tutulongan ko nalang magluto si Ate Becky ng almusal. Wala ma akong magagawa sa malaki kung eyebag. Pero nasa sala palang ako ay naririnig ko na ang maingay na mga halakhak mula sa kusina. Nang silipin ko iyon ay nakita kung tumatawa si Diego kasama si Kuya at Ate Becky. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero alam kung nagsasaya sila. “Good morning Fabby, you look like a zombie,” my brother commented making me rolled my eyes on him. Sa dami ng sasabihin tungkol p

