Dalawang araw na ako dito sa bahay ni Kuya Jed pero hindi pa rin ako komportable. Hindi ko alam kung naninibago ako sa bahay o sadyang naninibago akong kasama siya. O baka dahil masama ang loob ko sa kanya kaya ganoon. Niligpit ko ang mga kalat sa loob ng kwarto ni Kuya. Sobrang kalat noo at parang binagyo. Noong tumira ako kila Diego natuto na tuloy akong maging maselan dahil sa kanya. Naranasan ko ba namang kumain lang kung ano ang hinahain sa akin sa loob ng isang buwan. Natuto akong magkaroon ng konsiderasyon sa iba. “Senorita Abba, ako na po ang tatapos niyan,” nilingon ko si Ate Becky ang kasama ni Kuya sa bahay. “Naku, ayos lang po kaya ko naman ng tapusin,” tipid kung ngiti sa kanya. Dalawa lang kasi kaming magkasama dito sa bahay at maagang umaalis si Kuya paluwas ng Manil

