"Atty. Dela Vega." Pagtawag ko sa lalaking nakaupo sa sala. He's having a tea while scanning some documents that's in his right hand. Kaagad na umangat ang tingin niya sa akin. He slowly put down the teacup and the documents before offering his hand for a shake hands.
"Good afternoon, Ms Lazaro." Seryoso nitong sabi bago lumingon kay Akihiro na nasa likuran ko. "So, you've met each other."
Saglit na tiningnan ko si Akihiro. Kita ko ang kaseryosohan sa kaniyang mga mata. Isang tikhim ang pinakawalan ko bago nagsalita. "Are you here to discuss about the last will and testament of my dad?"
Alam kong nabasa na nito iyon pagkalibing pa lang kay Dad. Nalaman ko rin mula kay Emily na kasabay ng pagbasa ng huling habilin ni Dad ay binasa rin ang huling habilin ng Mommy ni Akihiro. Noong isang araw ko pa tinawagan si Atty. Dela Vega. Kaya lamang ay abala pa ito sa ibang bagay. Marahil ay ngayon lamang ito nagkaroon ng oras para paunlakan ang aking imbitasyon.
"Yes," maiksing sagot ni Atty. Dela Vega. Saglit nitong tingnan ang documents na nasa harap. "Pero, pwede bang kami muna ni Akihiro ang mag-usap?"
Kaagad na umigkas ang aking kilay. "Kung tungkol iyan sa hacienda, may karapatan akong manatili rito."
Bahagyang natilihan ang abogadong kaharap ko. Muli itong sumulyap kay Akihiro. "Mr. Santibañez?"
"Sure," sagot ni Akihiro bago naupo sa pang-isahang upuan. "Actually, sasabihin ko rin naman sa kaniya ang tungkol sa pag-uusapan natin. Mabuti na sigurong siya na mismo ang makarinig mula sa iyo ng tungkol doon."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Akihiro. Diyata't seryosong bagay ang kanilang pag-uusapan. At mukhang may kinalaman talaga sa akin.
Maya-maya lamang ay nagsimula nang magsalita ang abogado. Pinag-usapan nila ang tungkol sa problema sa manggahan. Akala ko'y iyon lamang ang kanilang pag-uusapan. Nagulat na lamang ako nang dumako ang paksa nila sa nangyaring paghabol sa akin ng mga hindi kilalang kalalakihan.
"It's very obvious that there's someone trying to take your life. Ang nangyari sa manggahan ay hindi nalalayo sa nangyari sa'yo, Mayumi." Seryosong sabi ni Atty. Dela Vega.
Lalong lumalim ang kunot sa aking noo. "Anong ibig ninyong sabihin?"
"Base sa mga nakalap na information ng mga inupahan naming mag-imbestiga. Tatlong tao lamang ang maaaring nasa likod ng kaganapang ito." Sagot ni Atty. He reached for his phone. Saglit niya iyong binuksan bago inabot sa akin. "Iyan ang mga CCTV footages na nakuha ng investigator ni Akihiro. Nang hingiin niya iyan sa isa sa mga tauhan ninyong nakatalaga sa security house—napansin niya kaagad na my mali sa mga CCTV footages."
Salubong ang kilay na pinanood ko ang video. Kuha iyon sa lugar kung saan tumirik ang aking sasakyan. Ang sumunod na video ay noong hinabol na ako papunta sa maliit na kubol na malapit sa manggahan. Understandable na iyon kaagad ang sumunod na video, dahil imposibleng magkaroon ng surveillance camera sa gitna ng malapad na taniman ng mga bulaklak. Pero ang ikinapagtataka ko lamang ay wala ang kuha noong binangga ang aking kotse.
"Pinutol nila ang video." Komento ko.
"I know." Sagot ulit ni Atty. Dela Vega. "Kaya pinapuntahan ko ang talyer. Ang sabi, nawalan daw ng preno ang sasakyang bumangga sa kotse mo. Pinagpalagay na aksidente ang nangyari. Isa pa, hindi ka nagreklamo. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nauwi sa aksidente ang dapat ay isang murder case."
I gulped. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Ramdam ko rin ang biglang pagnginig ng aking mga kalamnan. Wala sa sariling napalingon ako kay Akihiro. Malamig pa rin ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla'y parang gusto ko na lamang maiyak.
"Anong kinalaman niyon sa problema sa manggahan?" Medyo nabigla ako sa kalmadong pagtatanong ko kay Atty, sa kabila ng takot na nararamdaman ko.
Atty. Dela Vega, heaved a sigh. For a second he was hesitant. Subalit nang mapansin nito ang kagustuhan kong malaman ang lahat ay kaagad rin itong nagsalita. "Ang pagnanakaw sa manggahan at pagtangka sa buhay mo ay kagagawan ng iisang tao. And that person's related to you."
"May alam na ba kayo kung sino?" Tanong ko.
"Tatlong tao ang lihim na iniimbestigahan ng taong kinuha ni Akihiro." Saglit na huminto si Atty. Dela Vega. Kinuha nito ang isang folder sa suitcase na dala. "Here's the pictures."
Hindi ako nakaimik. Tatlong mukha ang nakalagay sa folder. Lahat ay kilala ko, lahat ay malapit sa akin. Marahan akong umiling bago sumulyap kay Akihiro. "I...I—how? Why?"
"Make it four, Atty. Ako ang pangunahing pinaghihinalaan ni Mayu—."
"No!" Malakas kong sabi na ikinalingon ng dalawang lalaking kausap ko. "I mean, yes, pinaghinalaan kita. Pero nakita ko ang totoo. Mali ako sa mga nasabi at ipinakita ko sa'yo, Akihiro. Hindi mo ako masisisi roon. But now that these informations came out, malinaw na sa akin ang lahat."
"Gaano kalinaw?"
Natameme ako sa tanong niyang iyon. "Basta hindi na katulad ng dati ang tingin ko sa'yo. Mabuti kang tao."
"And?" Tanong pa niya.
"Ah, totoo lahat ng mga sinasabi mo. Maga—."
"And?" Sabi niyang pinanlalakihan ako ng mga mata.
"A-And...and I'm sorry."
"Good."
Isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Atty. Dela Vega. Marahan itong tumayo. Pagkatapos nitong ayusin ang mga gamit na dala ay kaagad na itong nagpaalam.
"Masaya akong magkasundo kayo. Hindi na kayo mahihirapang pakisamahan ang isa't isa. I can't wait to see you guys getting married."
Tila nawalan ng kulay ang aking mukha. "Anong sabi mo?"
"What?" Salubong ang kilay na sabi ni Atty. "Oh, nakalimutan kong sabihin na nakasulat iyon sa last will and testament ng dad mo. Gusto niyang magpakasal kayo ni Akihiro. Kaya nga siya narito at pinamamahalaan ang buong hacienda at ang LGC. Anyway, I have a dinner meeting with my client. Tatawagan ko na lang kayo kapag may report na akong natanggap."
Hanggang sa makaalis si Atty. Dela Vega, ay tulala pa rin akong nakatitig sa pinto. Tila ayaw tanggapin ng utak ko ang mga sinabi nito. I'm sure he's just messing around. Binibiro kaming dalawa ni Akihiro. Marahil ay naengganyo sa nakitang pag-uusap namin kanina.
"Dinner's ready!" Sigaw ni Emily mula sa kusina. Mabilis na nilingon ko ang folder sa coffee table. Akma ko iyong kukunin nang maunahan ako ni Akihiro.
"We'll be there in a minute. May pag-uusapan lang kami ni Yumi." Nakangiting sabi ni Akihiro bago ako hinila paakyat sa kuwarto ko.
"I can't believe it!" Malakas kong sabi pagkapasok namin sa kuwarto ko.
"Alin? Ang kaalamang gusto ni Tito Arnold na magpakasal tayo?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Akihiro. Naglakad lang ako palapit sa kama at walang pasabing nahiga.
"Sino sa tingin mo ang nasa likod ng mga nangyayari? May kinalaman kaya iyon sa pagkamatay ni Dad at Tita Eliza?"
"Tita Eliza?" I saw how he suppressed his smile.
"Seryoso ako, Akihiro. Ang totoo natatakot ako na baka bigla na lang akong matumba dahil wala na akong buhay. Paano kung patayin nila ako habang tulog ako? Paano kung lasunin nila ako? Paano kung maulit—."
"Hey, calm down. May hint na tayo. Ang maaari lang nating gawin ay mag-ingat."
Marahan na lamang akong tumango. Pinikit ko ang aking mga mata. Ilang minuto siguro akong nakapikit nang bigla akong mapamulagat. Nakita ko si Akihiro sa dulo ng kama kung saan nakapuwesto ang mga paa ko. Seryoso niyang inaalis ang boots na suot ko.
"Magbihis ka na para makapaghapunan na tayo." Sabi ni Akihiro nang maalis niya na ang boots sa mga paa ko.
Pinilit kong bumangon kahit na parang gusto ko na lang dumiretso sa pagtulog. Mataman kong pinagmasdan si Akihiro na nakatitig lang sa akin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Tinanggap mo ba ang hiling ni Dad?"
Umiling si Akihiro. "I'm planning to leave everything to you. May condition ang pagpapakasal natin. You're already twenty-five. At wala namang naging problema sa limang taon na pamamalakad ko sa mga iniwan ni Tito Arnold. Hindi ka naman nagpumilit na ibigay ko sa'yo ang lahat ng ari-arian sa nakalipas na mga taon."
"Wait, I don't get it."
Huminga ng malalim si Akihiro. "Ang sabi ni Tito at ni Mommy; magpapakasal tayo kung magpupumilit kang kunin sa akin ang pamamalakad sa hacienda at sa LGC habang hindi ka pa tumutuntong sa edad na bente-singko. Kapag tinanggihan ko naman ang posisyong inalok ni Tito, mawawalan ako ng mana. Hindi sa akin mapupunta ang kompaniyang naiwan ni Mommy."
"You mean to say, malaya ka nang umalis ng hacienda dahil twenty-five na ako?" I asked.
"Ganoon nga." Akihiro paused. Saglit niya akong pinakatitigan. "Sa tingin ko naman magagampanan mo ang tungkulin mo. Matalino ka, matapang. I'm sure, makakayanan mo ang pamamalakad sa LGC."
"Matalino? Ang bobo-bobo ko nga eh. Pinagbintangan kita kahit na wala naman akong ebidensiya." Napapairap kong sabi bago tumayo at naglakad palapit sa walk-in closet.
"Dumarating talaga ang ganoong pagkakataon sa tao. Minsan ay kailangan nating magkamali para matuto. Sa tingin ko naman napagtanto mo na ang lahat." Sagot ni Akihiro na siyang ikinabuntong-hininga ko.
Isang white shirt at maong shorts ang kinuha ko. Bahagya kong isinara ang pinto ng walk-in closet para makapagpalit. Naiwan sa labas si Akihiro. Ewan ko ba. Pero nang sabihin niyang aalis na siya ay tila nakaramdam ako ng kaunting lungkot. Marahil ay dahil iyon sa mawawalan ako ng kabangayan dito sa bahay. May takot din akong nararamdaman. Paano kung sa pag-alis niya ay malagay na naman sa panganib ang buhay ko?
"So, when are you planning to leave? I mean, do you really need to?" I asked trying to sound okay, kahit na alam kong nanginginig ang aking boses. I cleared my throat.
"Next month." He answered.
Hindi na ako sumagot o nagtanong pa. Next month? Anong exact date? Para malaman ko kung ihahanda ko ba ang sarili ko o hindi. Nakakainis. Naalala ko na naman tuloy iyong bigla niyang pag-alis sa school.
Pagkalabas ko ng walk-in closet ay nakita ko kaagad si Akihiro na nakaupo sa dulo ng kama. Nakatalikod siya sa akin. Hawak niya ang folder at tahimik na binabasa ang laman niyon.
"Let's go?" Sabi ko bago naunang lumabas.
—
"What do you think?" Tanong ko kay Akihiro. Nasa taas ulit kami ng burol. Pinag-uusapan ang tungkol sa tatlong taong palihim naming inoobserbahan.
"Ikaw, sino sa tingin mo? Lahat sila malapit sa'yo. Wala ka bang kakaibang napapansin sa kanila?" Balik tanong sa akin ni Akihiro. Tama naman siya. Sa aming dalawa dapat ako ang mas alam kung may mali ba sa ikinikilos ng mga taong pinaghihinalaan namin.
"Wala namang nagbago kay Manang Susan. She's still the same. Maalaga pa rin sa akin. Emily's kinda exaggerated this past few days. Si Tatang Ben naman, palagi pa ring nakangiti gaya ng dati."
"So you think it's Emily?"
"Lahat sa kaniya itinuturo. Binangga ang sasakyan ko the night before she called you at sinabing uuwi siya rito. Sinabi niya rin sa akin na si Kuya Vince ang nagsabi sa kaniya na umuwi na ako."
"Isn't it just a coincidence?"
"Hindi sila close. Hindi nila gusto ang isa't isa. At dahil iyon sa isinumbong ni Kuya Vince ang ginawang pang-aaway ni Emily sa dating nobya niya."
"But what if, there's something more than that? Paano kung ganoon talaga si Emily?"
"What do you mean?" Tanong ko. Walang pasabing inilapit ko ang mukha kay Akihiro. Hindi man lang siya natinag. "Sino sa kanila ang pinaghihinalaan mo?"
"Wala sa kanila." Seryoso niyang sagot na ikinakunot ng noo ko.
"Huh?" Takang sabi ko. "Sino pala?"
"Well, hindi pa ako sigurado. Pero huwag kang mag-alala. Bago ako umalis ay malalaman natin kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito." Nakangiting sabi ni Akihiro bago ginulo ang aking buhok. Salubong ang kilay na bumalik ako sa maayos na pagkakaupo.
"Ang boring..." Sabi ko bago bumuntong-hininga.
"You want internet?"
Bigla akong napalingon kay Akihiro. Bahagya siyang natawa sa naging reaksiyon ko. Siguro ay nakita niya kung paano kuminang ang aking mga mata. "Magpapakabit ka?"
"Kung iyon ang gusto mo."
"Siyempre! Nakakairita kasi minsan ang pocket wifi."
"Sige, pupunta ako sa bayan mamaya para—."
"Sasama ako!"
"Actually may susunduin din ako sa bayan. Isasabay ko na lang ang pagpapakabit ng internet."
"Sinong susunduin mo?"
"Uh, si Shane."
Awtomatikong umigkas ang aking kilay. Inis na inirapan ko si Akihiro. "Huwag ka nang magpakabit ng internet."
"What, why?"
"Gusto kong maglibot. Kaya bukas ka na pumunta sa bayan. May sense of direction naman siguro iyang Shane na iyan. Sabihin mo na lang ang papunta rito." Mahaba kong sabi na ikinahagalpak niya ng tawa. Gago ba siya? Hindi niya ba nakikitang naiinis ako? Kung ganoon, humanda sa akin ang Shane na iyon. Pahihirapan ko ang bisita ni Akihiro.