"Sir Hiro, may bisita po kayo. Nasa sala na po siya. Shane daw po ang pangalan." Pagbibigay alam ni Sandy kay Hiro habang nasa kalagitnaan kami ng dinner. Pasimpleng tumaas ang kilay ko.
Gaya nang iniutos ko kay Akihiro kanina, hindi nga siya tumuloy sa bayan para kumuha ng magkakabit ng internet. Hindi rin niya nasundo ang Shane na iyon. Inaasahan kong maliligaw ang bisita niya dahil nasa dulong bahagi na kami ng aming bayan. Pero mukhang may sense of direction nga ang isang iyon. Sayang.
"Papuntahin mo siya rito sa dining hall nang makapaghapunan na rin siya. Ayos lang naman-."
"Excuse me?" Taas ang kilay na sabi ko kay Akihiro. "Hindi ko gustong may ibang taong kasabay sa pagkain. Kaya Sandy, maghintay kamo siya sa sala at kumain na lang pagkatapos namin."
"What the heck? Bisita ko si Shane, Mayumi. I'm the one to decide whether he-."
"Pero pamamahay ko-wait." I paused. Tila may mali yata sa narinig ko. "Lalaki si Shane?"
"Wow, pare. Mukha ba akong bakla sa paningin ng asawa mo?" Singit ng boses mula sa likuran ko. Kaagad akong lumingon rito. Isang lalaking may kulay itim na itim na buhok. Nakasuot ito ng maong pants at black shirt.
"Hindi kami mag-asawa." Sabi ko sabay irap. Mapresko ang kaibigan ni Akihiro. Mukhang hindi kami magkakasundo.
"You're living in the same-"
"Will you shut up?" Inis kong sikmat na ikinangisi nito. "Kung kakain ka, umupo ka na. Hindi lalapit sayo ang mga pagkain."
I heard everyone laughing. Kasama roon si Akihiro na ngayon ay napapailing. Damn! Nasira ang plano kong pahirapan ang kaibigan ni Akihiro. Hindi ko inaasahang ang pangalang Shane ay isang lalaking nuknukan ng kapreskuhan ang nagmamay-ari. Sayang talaga.
Pagkatapos maghapunan ay kaagad na akong tumungo sa aking kuwarto. Maaga pa naman kaya nilibang ko muna ang sarili sa panonood ng horror movies. Nakatatlong pelikula yata ako. Alas dose na ng hating-gabi ako natapos. Wala naman akong gagawin bukas kaya ayos lang na tanghaliin ako ng gising.
"Twelve-thirty..." Nagpasya na akong matulog. Pero limang minuto na akong nakapikit ay hindi pa rin ako nakakatulog. Kumakalam ang sikmura ko. Gusto ko ng pagkain.
Nahahati ang isipan ko kung bababa ako sa kusina o pipilitin ang sariling matulog. Sa paglipas ng sampung minuto, natalo ng tiyan ko ang aking utak. Mabilis akong bumangon. Hindi na ako nagsuot ng tsinelas. Tuloy-tuloy akong naglakad nang nakapaa pababa sa kusina.
"Let's see..."
Binuksan ko ang refrigerator. Purong cakes and dessert ang nasa ref. Hindi ko iyon gusto. Ang ulam naman na nasa microwave ay hindi ko rin gusto. Kaya nauwi ako sa pantry na nasa tabi lamang ng refrigerator. Isang pack ng pancit canton ang kinuha ko sa lagayan ng mga instant noodles. Pagkatapos niyon ay kumuha ako ng itlog sa ref. Kinuha ko rin ang natirang spam na hindi nailuto kaninang umaga. Napapangiti na lamang ako habang inuumpisahan ang pagluluto.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng cheese sa noodles nang may tumikhim sa aking likuran. Isang tili ang kumawala sa aking bibig. Muntik pa akong mapaso sa kawaling pinaglulutuan.
"Are you trying to kill me?!" Galit na sikmat ko kay Akihiro na nakatayo't nakasandal sa pinto ng refrigerator habang magkasalikop ang mga braso.
"Bakit hindi ka nagbubukas ng ilaw?" Tanong niya saka nilapitan ang switch na nasa gilid.
"Bakit gising ka pa?" I asked.
"I was working." Kaswal niyang sagot bago kinuha sa akin ang pagluluto ng instant noodles. "Nasa sala ako nang bumaba ka. Hindi mo ako napansin."
"I didn't know you were there."
"I know..."
Si Akihiro na ang tumapos sa pagluluto. Kaagad niyang inihain iyon sa lamesa. At tahimik na naupo sa aking harapan.
"Instant noodles-that's not healthy." Komento niya matapos kong isubo ang tinidor na may pancit canton.
Napapairap na ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Bahala siya riyan. Kung gusto niyang kumain, kumuha lang siya. Hindi iyong marami pa siyang sinasabi.
"Aalis ako bukas."
Natigil ako sa pagnguya ng spam nang marinig ko ang sinabi ni Akihiro. Hindi ko napigilan ang pagsasalubong ng mga kilay. Aalis siya? Saan naman siya pupunta? Hindi ba't magpapakabit kami ng internet?
"Where are you going?"
Tumaas ang dalawang kilay ni Akihiro. "Office..."
Kaagad kong binitiwan ang tinidor na hawak. Mariin kong tinitigan si Akihiro. "May problema ba sa opisina?"
Dapat ba akong mag-alala sa simpleng pagpunta ni Akihiro sa opisina? Alam kong baka napaparanoid lang ako dahil sa mga nangyayari. Pero siguro naman may karapatan akong makaramdam ng ganito lalo pa't may kinalaman na naman sa property ni Dad.
"Don't worry, Princess. May dadaluhan lang akong meeting." He smiled. "I'll be home at night. So, you have to wait me. We'll eat dinner together."
My jaw dropped. And I'm very sure that my heart skipped a beat. "What the hell are you talking about? I'll eat dinner alone."
Damn it! I know my whole face is starting to blush. Palakas din nang palakas ang t***k ng aking dibdib. What is wrong with me?
"We'll see..." He smirked!
Umirap na lamang ako. Nang maubos ang aking kinakain ay kaagad na akong nagpaalam na babalik na sa kuwarto. Tumango lang siya at sinabing matutulog na rin pagkatapos ng ginagawa niya. Baliw. Hindi naman ako nag-e-expect ng sagot mula sa kaniya. Ay ewan!
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kahit pala maaga ang gising ko, hindi ko pa rin naabutan si Akihiro. Damn it. Gusto ko lang naman siyang makita bago siya umalis. Ewan ko sa sarili ko kung bakit. Basta gusto ko siyang makita!
"Why so grumpy?" Taas ang kilay na tanong sa akin ni Emily. Naabutan ko itong inaasikaso ang kaniyang french toast at gatas. Hindi ito nag-iisa. Kasama nito sa malaking table si Shane na nakangisi at si Kuya Vince.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Emily. Kumuha na lang ako ng baso at nagsalin doon ng tubig. Naiinis talaga ako.
"Someone's missing her husband."
"Eh kung ibato ko sa'yo itong hawak kong baso?" Pagtataray ko kay Shane. Wala akong pakialam kung kaibigan man ito ni Akihiro. Hindi talaga ako mangingiming batuhin ito ng hawak ko kapag hindi ito tumigil sa ginagawa nitong pang-aalaska sa akin.
Sabay-sabay ang ginawa naming pagsulyap kay Kuya Vince nang mabitiwan nito ang hawak na kubyertos. Isang tikhim ang pinakawalan nito. "I'm sorry about that. Nabigla lang ako. Hindi ko alam na kasal na kayo ni Akihiro. Hindi kaya buntis ka, kaya ka ganiyan? Aburido?"
Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko. Malakas na halakhak ang pinakawalan ni Shane. Dahil doon ay nilapitan ko ito at walang pasabing hinatak ang buhok. Nahulog ito sa kinauupuan. Kaagad ko itong tinulak kaya napadapa ito. Mabilis na sinakyan ko sa likod si Shane at muling hinatak ang buhok.
"This is all your fault! Tingnan mo, pati si Kuya Vince kung anu-ano ang iniisip!" Sigaw ko. Hindi ko napaghandaan ang kamay ni Shane na humila sa damit ko. "What the!"
"Bibitiwan mo ako o sisirain ko itong damit mo?"
"Ano ba?! Tumigil na kayong dalawa." Boses ni Kuya Vince ang sumulpot. Magkatulong sila ni Emily sa paghihiwalay sa amin ni Shane.
"Aba't-."
"Hey, that's enough! Para kayong mga bata!" Pag-awat sa amin ni Emily. Ganoon pa man, hindi kami nagpatinag ni Shane. Lalo akong nainis nang sabunutan din ako nito. Naalis ako sa pagkakaupo sa kaniyang likuran.
"Bakla ka ba?! Bakit mo ako sinasabunutan?!"
"Babae lang ba ang may karapatang manabunot?!" Balik tanong nito sa akin habang mahigpit pa ring nakahawak sa buhok ko. "Bitiwan mo na ako Mayumi!"
"Bitiwan mo muna ako!" Sigaw ko. Lalo kong hinigpitan ang pagkakasabunot sa kaniya. Ganoon din ang ginawa niya sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi ang bumuwelo at malakas na iumpog ang ulo ko kay Shane. Pero imbes na ito lang ang masaktan, pati ako'y nadamay. Hindi ko napansing bumuwelo rin pala ito. Sa katangahan naming dalawa, heto, parehong dumudugo ang ilong namin.
"What the f**k is happening here?!" Dumagundong ang boses na iyon ni Akihiro. Pareho kaming natigil ni Shane. Tulala kaming nakatitig kay Akihiro na nasa bungad ng dining hall. Nakaupo pa rin kami ni Shane sa sahig at walang tigil sa pagdurugo ang aming mga ilong.
"I told them to stop fighting dahil baka marinig mo. Hayan, parang mga manok na katatapos lang magsabong." Mataray na sabi ni Emily bago naglakad pabalik sa kinauupuan nito kanina. Ganoon din si Kuya Vince. Tahimik nitong ipinagpatuloy ang pagkain.
"Both of you, go to the library." Malamig na sabi ni Akihiro bago matalim na sumulyap sa akin.
"It was his-."
"Hindi kita tinatanong, Mayumi." Sabi niyang ikinayuko ko. Damn. Titig pa lang ni Akihiro tumitiklop na ako. Ngayon, parang tutulo na ang luha ko dahil sa pagsusupla niya sa akin.
Inis na tumayo ako. Saglit na inayos ko ang aking buhok. Pinunasan ko rin ang dugo sa aking ilong. Pagkatapos niyon ay walang pasabing naglakad na ako paalis. Pero hindi ako pumunta sa library. Dumiretso ako sa kuwarto ko. Bahala sila sa buhay nila. Naiinis pa rin ako!
Pagkarating sa kuwarto'y kaagad akong naghilamos. Hindi na ako nagsuklay ng buhok. Masakit ang anit ko, kaya itinali ko na lang iyon. Oh God. My blonde hair's ruined! Bwisit talaga ang Shane na iyon! Nakakainis!
Napapikit na lang ako ng mariin nang makita sa salaming punit na ang suot ko t-shirt. Inis na hinubad ko iyon bago padabog na naglakad palabas ng banyo na tanging bra lamang ang suot. Nasa kalagitnaan ako ng pagbukas sa aking closet nang biglang pumasok si Akihiro. Imbes na ikubli ang sarili'y inirapan ko lang siya't ipinagpatuloy ang ginagawa. Pumasok ako sa aking walk-in closet. At hindi ko inaasahang susunod siya sa loob.
"Get out."
"Ang sabi ko sa library ka tumungo." Malamig pa rin ang tinig ni Akihiro. Bahala siya riyan.
Tahimik na kinuha ko ang isang fitted white cropped top. Kaagad ko iyong isinuot. Lumipat naman ako sa part kung saan naroon ang aking mga pantalon.
"Mayumi..."
"Walang kwenta ang dahilan kung bakit kami nag-away ni Shane. Kaya ayos lang kung papagalitan mo ako ngayon, Akihiro." Sabi ko bago kinuha ang black pants. Walang ekspresiyon na tiningnan ko si Akihiro. "Magpapalit ako ng pants. Makakapaghintay naman siguro iyang galit mo-."
"Where are you going?" Tanong niya.
"Wala ka na roon."
"Can you stop being such a brat?" Salubong ang kilay na sabi ni Akihiro.
Tumiim ang mga bagang ko. "Well sorry, ganito na ako eh."
"Natutuwa ka pang ganiyan ka? Nakasakit ka ng tao, Mayumi! Alam kong magka-edad lang kayo ni Shane. Pero umakto naman kayo ng tama! Lalo ka na!" Nabigla ako sa pagsigaw ni Akihiro. Sa lahat pa naman ng ayaw ko iyong sinisigawan ako. Dahil kapag ganoon, awtomatikong nanunubig ang mga mata ko.
"You don't need to shout!" Ganting sigaw ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Akma ko iyong pupunasan. Pero mabilis na nahawakan ni Akihiro ang aking kamay. Nang tingnan ko siya'y bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "What?"
Bumuntong-hininga si Akihiro. "Oh God, I don't know what to do with you." Tila sumusukong sabi niya bago ako hinila para ipaloob sa kaniyang mga bisig.
"Let me go." Mariin kong sabi.
"Minuto pa lang akong nakakalabas ng bahay, ganiyan na ang nangyari sa inyo ni Shane. Paano pa kaya kung nakaalis na ako kanina?"
"Bakit nga ba nandito ka pa? Umalis ka na." Nagpupumilit pa rin akong makawala sa mga bisig ni Akihiro.
"Why?" Natigil ako sa pagpupumiglas. Kinabahan ako sa tono ng boses niya. "Napagtanto kong hindi dapat kita iniiwan. It's either, ikaw ang mapapahamak o sila."
"Niloloko mo ba ako?" Salubong ang kilay na sabi ko.
Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Akihiro. "Seriously, Mayumi. Hindi ko gusto ang nakita ko kanina. Huwag na sana iyong mauulit."
"Yes, Kuya. Whatever."
"I hate that."
"You hate what?"
"You, calling me Kuya."
"Okay, Kuya."
"Stop it, Mayumi."
"What, Kuya-." Nanlaki ang mga mata ko. s**t! He kissed me! Again!
"Don't forget that I'm your fiancé, Princess. And it's up to me kung itutuloy ko ang kasal o hindi. So stop calling me Kuya, kung ayaw mong matali sa akin habang-buhay."
Baliw ba ako kung sasabihin kong tila kiniliti ang aking puso. Mas baliw siguro ako kung hindi ako aamin. Lolokohin ko pa ba ang sarili ko?
"What if I want you to be my husband?" Napansin ko ang bahagyang pag-awang ng bibig ni Akihiro. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baywang at paghigpit ng hawak niya roon. "Let's get married."
"What did you say?" He asked.
"I'm saying, if you like me, then let's get married." Right. We should get married. Alam kong may alam si Akihiro sa mga nangyayari. Sa ganoong paraan malalaman ko rin ang katotohanan sa pagkamatay ni Dad. Pero hindi lang iyon ang dahilan ko. I know, deep in my heart, I'm still into him. Makukuha ko ang kasagutan sa pagkamatay ni Dad. Makukuha ko pa ang lalaking gusto ko.