Kabanata 14

1830 Words
"Good morning, Sir, Ma'am." Pagbati sa amin ng guwardiya sa isang restaurant na pinasukan namin ni Akihiro. Tumango lamang kami rito bago naupo sa dulong bahagi ng restaurant. "May napili ka na ba?" Tanong niya sa akin nang matapos kong pasadahan ng tingin ang menu. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Bagsak ang balikat na tiningnan ko si Akihiro. Nasa menu na hawak niya siya nakatingin. Tumikhim ako dahilan para malipat sa akin ang kaniyang atensiyon. "What?" He asked. "Wala ka bang mapili?" "I don't understand." Seryosong sabi ko. "You don't understand what?" Tuluyan niya nang binitiwan ang hawak. "Paanong sila ang lalapit sa atin? Hindi ba iyon mapanganib?" Matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Akihiro. Saglit niyang tinawag ang waiter para um-order. Hindi niya na ako tinanong kung anong gusto ko. Nahalata niya yatang wala akong balak na pumili ng pagkain. "Naalala mo ba noong sabihin kong wala sa tatlong taong nasa picture ang pinaghihinalaan ko?" Seryoso niyang sabi. "I wasn't hundred percent sure at that time. Pero nang marinig ko ang sinabi nung lalaki kanina, napagdugtong-dugtong ko ang lahat." "So, sino nga ba iyon?" Ilang minutong natahimik si Akihiro. Hanggang sa dumating ang mga pagkain ay hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit? Pero mukhang pinag-iisipan niya pa kung sasabihin ba sa akin ang totoo o saka na lamang. "Well, kailangan ko munang mag-ipon ng mga ebidensiya. Mahirap din naman kasing bigla na lang tayong magturo. Baka bumalik lang sa atin ang sisi." I snorted. Hindi ko napigilang hampasin siya nang pabiro sa kaniyang braso. "Baka naman hindi mo talaga alam? Nagkukunwari ka lang siguro para magmukha kang cool. Don't worry, cool ka na sa paningin ko. Ipaubaya na lang natin kay Atty. Dela Vega ang lahat." "I'm serious here, babe." "Wow, babe?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Tuluyan na ngang nalihis ang aming paksa. "Yes, babe?" He smirked. "Aba, sinabi ko lang na pakakasalan kita, kumapal naman yata masyado iyang pagmumukha mo." I was just kidding. Actually, may parte sa akin ang kinilig nang bahagya sa endearment na iyon. Akihiro laughed. He reached for my hand. Hindi ko napaghandaan ang paghalik niya sa kamay ko. Bigla tuloy uminit ang aking mga pisngi. "But seriously, Mayumi, pagbabayarin natin ang may kagagawan sa pagkamatay ni Mommy at ni Tito Arnold." "I know. Thank you," bulong ko bago ngumiti. Nang matapos sa pagkain ay inubos na namin ang oras sa talagang sadya namin sa bayan. Pagkatapos naming makausap ang magkakabit ng internet ay kaagad na namin itong pinapunta sa Hacienda Lazaro. Habang kami naman ni Akihiro ay tumungo sa mall. Ayaw niya pa sanang pumayag kaya lang ay nagpumilit ako. "Ano bang gagawin natin sa mall? Bibili ka ba ng damit? Ang dami mo ng damit sa closet mo. Kahit mga sapatos ay-." "I need a new hair style. Can't you see, para akong galing sa gyera kahit na nagsuklay na ako." "Sino bang may kasalanan?" Sabi niya bago ngumisi. "Pinagtatawanan mo pa ako." Inis kong sabi bago pumasok sa salon. Kanina habang kausap namin ang magkakabit ng internet ay nagbook na ako ng appointment sa salon. Kaya sayang naman kung uuwi kaagad kami gayong pwede namang ngayon na ako pumunta. "Eh bakit ba kasi ang init ng ulo mo kay Shane?" "Kailangan ba may dahilan? Ganoon naman talaga ang tao di ba? Kahit hindi mo pa talagang kilala, basta makita mo lang ang pagmumukha, naiinis ka na." "Parang hindi naman lahat." "May sinabi ba akong, lahat?" Matapos kong irapan si Akihiro ay naupo na ako sa silyang iminuwestra ng hairstylist. Ilang sandali lamang ay abala na ang babae sa pagsusuklay sa buhok ko. Saglit lang ay lumapit sa akin si Akihiro. Yumuko siya sa akin bago nagsalita. "May titingnan lang ako sa bookstore. Balikan kita after ten minutes." "Okay," sabi ko bago pumikit. "Do you want anything? Milk tea? Burger-." Bigla akong napabunghalit ng tawa. Dahil doon ay nabaling sa akin ang tingin ng ibang customers. Mabuti na lang at natakpan ko kaagad ang aking bibig. "Why?" Clueless na tanong ni Akihiro. "May naalala lang akong video. Anyway, I want pineapple shake, and fries." "That's all?" "Yes, thank you." Nakangiti kong sabi. "Okay," sabi ni Akihiro bago ako mabilis na ginawaran ng halik sa mga labi. Kaagad na nabaling ang tingin ko sa kaniya. And again, he just smirked. "I'll be right back." Kunot ang noong sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaalis siya. Nang akmang babalik na ako sa maayos na pagkakaupo'y nahagip ng tingin ko ang tatlong lalaking nasa gilid. Pawang nakatitig ang mga ito sa akin. Umiwas na lamang ako ng tingin dahil sa pagkailang. "Swerte ni'yo naman Ma'am. Ang gwapo na ng boyfriend ni'yo, ang yaman pa. Tapos very protective, and sweet ni Sir. Saan kayo nagkakilala Ma'am?" Umarko ang kilay ko. Hindi ko napigilan ang mapangiti. "Ah, asawa ko iyon, Miss." "Talaga ba? Nakakainggit naman! Sana may makilala rin akong katulad ni Sir." Napapabungisngis na sabi nito. Muli akong napangisi. "Naku, sana nga ay makahanap ka ng taong totoo kung magmahal." I genuinely smiles in front of the mirror. Right, hindi ko pakakawalan si Akihiro. Kahit dumating sa puntong magsawa siya sa akin ay wala akong pakialam. Tatanda siyang kasama ako. "I doubt that." Sabat ng babaeng nakaupo hindi kalayuan sa akin. Marahil ay purong kaibigan nito ang kasama. Napansin ko kasing lahat sila ay may mapangutyang tingin sa akin. "What?" "That true love you're talking about." Sagot nito bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "I wonder what kind of black magic you casted to get his attention. Halata namang mayaman ang lalaking iyon." At first, I was confused. Pero nang muli kong tingnan ang grupo nito'y napagtanto kong hinuhusgahan ako ng mga hampaslupa. I couldn't help but smirked at the thought of someone in this town doesn't know who I am. Ginaya ko ang ginawa ng babae. Tiningnan ko ang mga ito mula ulo hanggang sa paa ng mga itong may nail polish na malapit nang mabura. Ew. "What's your name?" I asked. "Bakit? Kukulamin mo ako?" The girl laughed with her friends. Kulang na lang ay mabilaukan ang mga ito. Hindi na ako muling nagtanong. Pinilit kong manahimik kahit na kating-kati na naman ang mga kamay kong manabunot. Kung hindi lang darating si Akihiro ano mang oras baka nakatikim na sa akin ang mga babaeng ito. Natatakot lang akong masermunan na naman. Kaya pipilitin kong ignorahin na lang sila. "May napili na po ba kayong kulay, Ma'am Mayumi?" Tanong ng manager na kakarating lang. May inasikaso pa raw kasi ito kaya hindi ako nasalubong kanina. "I'll go with black." Seryoso kong sabi bago pumikit. Inaantok ako sa ginhawang nararamdaman dahil sa pagmamasahe ng babae sa aking ulo. Nakakarelax. I was about to fall asleep when a hot water was poured on me. I shrieked. "What the f**k?!" Galit na sigaw ko sa babaeng nakatayo sa aking tabi. Lalong kumulo ang aking dugo nang makilala ang babae. Ito ang babaeng mapanghusga kanina. "What is wrong with you?!" "Sorry, nadulas sa kamay ko. Don't worry, I'll give you money to buy a new blouse. Here-." Galit na kinuha ko ang isang libo sa babae at walang pasabing isinampal iyon sa mukha nito. Kulang ang isang libo sa hapdi na nararamdaman ko. "It was freaking hot water! Anong gagawin ko riyan sa isang libo mo? I have tons of that!" "You mean your boyfriend's money." "What the f**k?" Inis na hinaklit ko ang buhok ng babae kahit na may foil pa iyon. Akma ako nitong sasabunutan nang malakas ko itong itulak. "Don't mess with me b***h!" "No! It's you who shouldn't mess with me! I'm a Lazaro!" Sigaw ng babae na ikinasinghap ng mga tao sa loob ng salon. Natahimik ako, hindi dahil sa pagkabigla. Natahimik ako dahil sa lalaking papalapit na sa salon. s**t! "What? Natatakot ka ba? Isang Lazaro itong kaibigan namin! Matakot ka na dahil kahit anong yaman niyang boyfriend mo, kayang higitan iyon ng kaibigan namin." Sabat ng isa sa mga kaibigan ng babaeng nagpapanggap na isang Lazaro. "Guys, that's enough." Awat ng lalaking nakaupo sa gilid. Isa ito sa tatlong lalaking titig na titig sa akin kanina. Ngayon ay ganoon pa rin ang titig nito. Pero nahahaluan ng takot. "That's her, right? Magkaiba lang ang kulay ng buhok. At saka nagmature lang. Siya yun di ba?" Naulinigan kong sabi ng isa pang lalaki habang kausap ang katabi nito. Palipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa cellphone na hawak. "I bet you're scared now. Don't worry, hindi kita isusumbong sa dad ko. But you have to kneel in front of me and kiss my toes." Nakangisi pang sabi ng babae na ikinatiim ng mga bagang ko. Damn it! Gusto kong sumagot at ingudngod ang pagmumukha nito sa sahig. Pero hindi ko magawa dahil nakapasok na si Akihiro dala ang pineapple shake at fries na pinabili ko. "What's happening here?" "Ah, kasi itong girlfriend mo, hindi yata kilala itong binabangga niya." Sagot ng kaibigan ng babaeng nagbuhos ng mainit na tubig sa akin. Sinulyapan ako ni Akihiro. Dumako ang tingin niya sa basa kong damit at sa namumula kong braso. Umirap na lamang ako. "Sino ba iyang kaibigan mo?" Malamig na tanong ni Akihiro. Hindi ko na siguro kailangang gumanti. Mukhang siya na ang gagawa niyon. "Ako ang nag-iisang anak ni Arnold Lazaro." Sagot ng babae na ikinahagalpak ko ng tawa. Sinamaan ako nito ng tingin. "What did she do to you?" Tanong sa akin ni Akihiro. Hindi niya na pinansin pa ang babae. Malamang ay ayaw niyang sayangin ang oras sa mga walang kwentang bagay. Sayang. Gusto ko pa namang makita kung paano niyang suplahin iyong babae. "Ay, Sir, binuhusan niya ng mainit na tubig si Ma'am." Ang babaeng nagsusuklay ng buhok ko kanina ang sumagot para sa akin. "Tapos sabi pa eh, papaluhurin daw si Ma'am at pahahalikin sa mga paa." Napansin ko ang pagtiim ng mga bagang ni Akihiro. "What do you want me to do?" "Sinong may-ari nitong mall?" Tanong ko. "Why?" Gusto ko sanang sabihin na bilhin ang mall. Pero mukhang imposible iyon. Ano bang pwedeng gawin para maipamukha sa babaeng ito na mali ito ng taong kinakaharap? Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Just get them out of my sight." Ganoon nga ang ginawa ni Akihiro. Nagpatawag siya ng security at sapilitan na pinalabas ang mga babaeng iyon. Noong una'y nagpupumiglas pa ang mga ito at ipinangangalandakan na isa umanong Lazaro ang kaibigan ng mga ito. Pero nang sulyapan ako ng security ay maging ito'y napangisi. Tila nawalan ng kulay ang mukha ng mga babae nang sabihin ng isang security guard kung sino ako. Nagkataon na dati pala itong nagtatrabaho sa hacienda. At noon ko lang din narealise na kaya pala ako tinititigan ng tatlong lalaking iyon ay dahil mga follower ko pala ang mga ito sa social media. Damn it! Kung wala lang talaga si Akihiro baka napadugo ko na ang pagmumukha ng mga iyon. Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD