Pinagsamang halinghing ng kabayo at sigaw ni Shane ang nagpangiwi sa akin. Kanina ko pang pinapanood ang pagpapaturo ni Shane na mangabayo kay Tatang Ben. Ilang beses na itong nahulog, pero ayaw pa ring magpaawat. May plano yatang sumali sa karera ang damuho.
"Salubong na naman iyang mga kilay mo." Napalingon ako kay Emily nang maupo siya sa aking tabi. Bahagya akong umisig para mabigyan siya ng sapat na espasyo.
"Marami lang akong iniisip." Sagot ko. Hindi ko alam kung tama bang makipagkuwentuhan ako kay Emily. Isa ito sa mga pinaghihinalaan ni Atty. Dela Vega. Ganoon din naman ako. Pero hindi ko pa rin matanggap na ang pinsan ko ang may kagagawan ng pagkamatay ni Dad.
"I like your hair. Bagay sa'yo ang kulay itim. Lalo kang gumanda." Nakangiti nitong sabi habang pinapanood pa rin si Shane na paulit-ulit na nahuhulog mula sa kabayo.
"Salamat."
"Pansin ko, malapit na ang loob mo kay Akihiro."
Pasimple kong nahigit ang aking paghinga. Hindi ko inaasahang sasabihin nito iyon. "Wala naman sigurong masama kung magiging malapit kami. Ikaw rin naman ang nagsabi na mabuti siyang tao, Emily."
Isang mabining ngiti ang pinakawalan nito. "Tama ka. Pero nag-aalala ako sa'yo, Mayumi."
Kumunot ang aking noo. Marahan ang ginawa kong paglingon kay Emily. Nakasunod pa rin ang mga mata nito kay Shane. Hindi ko ito maintindihan. Pinaghihinalaan ko ito sa mga nangyayari, pero heto't mukhang mali ang sapantaha ko. Ano ba ang totoo? Sino ba ang dapat kong iwasan?
"Bakit?" Tangi kong naitanong.
"Nag-aalala akong baka dumating ang araw na masaktan ka lang. Isa pa, hindi ba't hindi pa nahahanap ang totoong salarin sa pagkamatay ni Tito? Alam kong tinutulungan ka ni Akihiro. Wala akong karapatang pigilan ka, pero ang katotohanang baka malagay ang buhay ninyong dalawa sa panganib ay hindi ko yata makakaya, Mayumi."
Ngayon ko lang narinig na magsalita ng ganoon si Emily. Kadalasan ay purong masasakit na salita ang lumalabas sa bibig nito. Mga salitang alam kong may kaakibat na pag-aalala.
Hindi ko na nagawa pang magtanong. Naguguluhan na ako sa kung sino ba talaga ang kalaban o hindi.
Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago muling sinulyapan si Shane. Nakababa na ito sa kabayo. Pagod na pagod habang papalapit sa aming dalawa ni Emily.
"Sabi sa akin ni Tatang Ben magaling ka raw pagdating sa pangangabayo. Let's have a race, Mayumi." Sabi nito pagkalapit pa lang sa amin.
I rolled my eyes. "Lumayo-layo ka sa akin."
"Just one race. Kapag natalo mo ako, aalis na ako rito at hindi na kita aawayin. Pero kapag natalo kita, may sorpresa ako para sayo."
"Kinakabahan ako riyan sa sorpresa mo. Baka pinaglololoko mo na naman ako, Shanot!" Salubong ang kilay na sabi ko bago muling umirap.
"Shanot? Mukha ba akong panot? Bakit Shanot?" Tanong nitong nakapameywang.
Hindi ko napigilan ang mapangisi. Tumayo ako at lumapit kay Shane. Hinawakan ko ito sa damit para hilahin pababa-matangkad kasi ang loko. Pagkatapos niyon ay idiniin ko ang hintuturo sa maliit na panot sa gilid ng ulo nito. Gawa yata iyon noong magsabunutan kami noong nakaraang linggo.
"Ayan oh, panot ka." Sabi ko bago tinulak si Shane. Nawalan ito ng balanse dahilan para matumba ito sa damuhan. Biglang nanlaki ang aking mga mata. Marahan akong napaatras nang makita ko ang matalim na tingin sa akin ni Shane. "Oh, I-I didn't mean t-to-."
"Patay ka sa akin." Sabi nito bago mabilis na tumayo. Isang singhap ang pinakawalan ko bago mabilis na tumakbo.
"Nagsisimula na naman kayong dalawa! Kapag nakita kayo ni Akihiro, tiyak na pareho kayong tatamaan!" Sigaw ni Emily.
Parehong binalewala namin ni Shane ang sinabi ni Emily. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Ganoon din ang ginawa ni Shane.
"Huwag mong bilisan ang pagtakbo! Maabutan mo ako eh!" Sabi kong napapangiwi. Napakaestupido ng sinabi kong iyon. Kaya nga ako hinahabol ni Shane para maabutan, tapos sasabihin ko iyon rito? God, nagiging bobo na talaga ako.
"Slow down, Mayumi! May butas riyan sa dulo!"
He's lying. Gusto lang nitong tumigil ako para maabutan. Anong akala nito sa akin, walang alam sa hacienda?
"I said stop running! Mayumi!" Sigaw pa ni Shane.
Napailing na lamang ako bago ito nilingon. "Hindi mo ako maloloko, Shanot! Gusto mo lang na-." Saglit akong natigilan. Pagkatapos ay isang malakas na tili ang aking pinakawalan. Tuloy-tuloy akong nahulog sa butas na sinasabi ni Shane.
"Oh s**t!" Mariin kong sabi nang unang tumama sa lupa ang aking pang-upo. Napapangiwing pumikit ako ng mariin. Nang tingalain ko ang itaas ay napansin kong natatabunan ng damo ang butas. Kaya marahil hindi ko napansin.
"Mayumi, are you okay?" Narinig kong tanong ni Shane mula sa itaas.
"Yes!" Sagot ko. Sinubukan kong tumayo. Hindi naman masakit ang aking mga paa. Tanging ang aking pang-upo lamang talaga ang kumikirot.
"Alright. I'll call for help, so please, stay calm." Sabi ni Shane na siyang ikinahinga ko ng maluwag. Narinig ko ang papalayo nitong mga yabag.
Napabuntong-hininga ako. Madilim sa balon na kinaroroonan ko. Kakaunting sinag ng araw mula sa itaas ang pumapasok. Ganoon pa man, iginala ko ang paningin. Pinipilit aninagin ang buong paligid. Kinapa-kapa ko rin ang bawat aking paligid-nagbabakasaling may mahanap na bagay na siyang makakatulong sa akin para makaalis sa balon.
Kumunot ang noo ko nang tila hallway na makitid ang aking tinatahak. Marahas na singhap ang pinakawalan ko nang may mahawakan akong malamig. Saglit akong nag-alangan kong hahawakan ko ba ulit ang bagay na iyon. Sa huli, ginawa ko rin. Isang bakal iyon. Tila handle ng isang pinto. Kaya naman kinapa ko ang paligid ng bakal. Tama nga ako isa iyong pinto.
Akma akong kakatok nang may maulinigan akong nagsasalita sa loob. The voices were familiar. I just don't know when and where I heard those voices.
Idinikit ko ang aking tainga sa pinto. Doon ko narinig nang maayos ang pinag-uusapan ng mga tao sa loob.
"Sinasabi ko na nga bang magiging sagabal sa mga plano iyang Santibañez na iyan! Masyadong nagmamagaling! Dapat noon pa natin pinatahimik ang lalaking iyon."
My eyes widened. They're talking about Akihiro.
"Hindi pa naman huli ang lahat. Patatahimikin natin ang gagong iyon sa lalong madaling panahon. Masyado na siyang maraming nalalaman. Bakit hindi na lang siya magstick sa mga litratong ibinigay ko?"
My jaw dropped. Was it Atty. Dela Vega? No, that's not his voice. f**k! I need to tell Akihiro everything that I heard. Baka kilala niya ang mga taong ito.
"How about Mayumi? Hindi rin ba iyon patatahimikin?" It was the familiar voice. "Kating-kati na ang mga kamay kong hawakan ang kayamanan ni Arnold."
Naramdaman ko ang pamamawis ng aking mga kamay. Nanginginig din iyon. Kaya naman mabilis kong ipinunas ang pawis sa aking damit. Hinigpitan ko rin ang pagkakakuyom ng aking mga kamao.
I was about to lean closer at door when my phone vibrated. Bigla akong kinabahan. Mabuti na lamang at naka-vibrate ang cellphone ko. Kung hindi'y baka nahuli na ako ng mga taong nasa loob.
Kaagad kong kinuha ng aking cellphone. Emily's calling. Hindi ko iyon sinagot.
"Patatahimikin natin si Mayumi, kapag sigurado na tayong mapupunta sa atin ang buong hacienda." Muling sabi ng boses lalaki.
Sa narinig ay mabilis na hinarap ko ang aking cellphone. Binuksan ko ang recorder. Kahit alam kong may posibilidad na malabo ang kalalabasan niyon ay pinagpatuloy ko pa rin.
"Matagal na sanang wala ang babaeng iyon kung hindi lang tinulungan ni Akihiro. Napakawalang kwenta ng mga tauhan mo. Nalusutan pa sila ng isang babae?"
"Marami pang pagkakataon para mawala sa landas natin ang dalawang iyon. Isa pa, hindi ba't paunti-unti'y nakakalamang na tayo? Hanggang ngayon ay wala silang alam kung sino ang nagnanakaw sa manggahan."
Muli akong napasinghap. Kinakabahan ako. Sino ang mga taong iyon?
"Oh siya, sige na at may trabaho pa ako. Siguraduhin mong mawawala na iyang Akihiro na iyan sa susunod." Sabi pa ng pamilyar na boses.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng yabag ng mga paa. Ang akala ko'y papalapit iyon sa akin. Kaya naman napaatras ako. Naghihintay na bumukas ang pinto at mahuli ng mga taong nag-uusap sa loob. Pero nakalipas na ang ilang minuto'y walang lumalabas sa pintong nasa harap ko.
Napabuga ako ng hangin. Ilang sandali lamang ay tahimik akong naglakad pabalik sa parteng kinahulugan ko. Hindi naman ako naghintay nang matagal. Maya-maya lamang ay dumating na si Shane kasama si Akihiro, Emily at Kuya Vince. May dala silang ladder.
"Ayan na nga bang sinasabi ko eh. Ang kulit niyo kasing dalawa!" Galit na sabi ni Emily habang tinutulungan akong pagpagin ang dumi sa aking damit.
"Are you okay?" Magkapanabay na tanong sa akin ni Akihiro at Kuya Vince.
Saglit na pinagmasdan ko ang mukha ng dalawa. "A-Ayos lang ako."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Akihiro kaya naman napasulyap ako sa kaniya. Mariin siyang nakatitig sa akin. Tila may gustong itanong. Pero sinarili na lang muna. Dahil doon ay lalo akong nakaramdam ng takot. Takot hindi para sa sarili ko, kundi para kay Akihiro. Natatakot akong baka mapahamak siya sa ginagawa niyang pagtulong sa akin.
Pinilit kong iiwas ang tingin. Tinuon ko ang atensiyon sa tatlong kasama namin. Pare-parehong nakatingin ang mga ito sa balon.
"How did you know there's a pit here?" Tanong ni Emily kay Shane.
"Nahulog ako riyan." Kaswal na sagot ni Shane. "Nahulog na nga ako mula sa kabayo, nahulog pa ako sa balon. Double kill, di ba? Mabuti na lang at tinulungan kaagad ako ni Tatang Ben."
Pinagmasdan kong maigi ang mukha at galaw ni Shane. Sa tingin ko naman ay nagsasabi ito ng totoo. Natural ang kilos nito. Inilipat ko naman ang tingin kay Emily. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa butas. Ganoon din si Kuya Vince.
"You said you're okay. Bakit namumutla ka?" Pagbulong sa akin ni Akihiro. Hindi ko napansing nakalapit na pala siya sa akin.
Bahagya akong napalunok. Saglit akong huminga nang malalim bago nagsalita. "Kahit sino naman sigurong tao mamumutla kapag nahulog sa balon."
Duda akong bumenta ang sagot ko kay Akihiro. Wala akong makitang ekspresiyon sa kaniyang mga mata. Nakatitig lamang siya sa akin.
Gustuhin ko mang sabihin kay Akihiro ang mga nalaman ko'y hindi pa pwede. Hindi ko pa kilala ang mga taong iyon-hindi pa ako sigurado. Kaya hangga't maaari, ayaw kong mapahamak si Akihiro. Malinaw na narinig kong papatayin ng mga taong iyon si Akihiro. Hindi ako papayag.
"Anong nangyari dito?" Tanong ng kararating lang na si Tatang Ben. Sinipat nito ang aking ayos. Maging ang mga kasama ko'y tiningnan nito.
Isang pilit na ngiti ang aking pinakawalan. "Nadulas lang po ako." Sagot ko na siyang ikinatingin sa akin ng lahat.
"Sigurado ka ba, Yumi?" Tanong pa ni Tatang Ben.
Napansin ko ang biglaan nitong pagsulyap sa balon. Lihim na ikinuyom ko ang aking mga kamao. Nang muli itong tumingin sa akin ay mabilis akong ngumiti. "Siguradong-sigurado po. Sige po, babalik na kami sa bahay."
Kaagad kong hinawakan sa kamay si Akihiro. Kung hindi ko iyon gagawin, baka natumba na ako sa sobrang panginginig ng mga tuhod.
"Let's go," bulong ko kay Akihiro dahilan para alalayan niya akong maglakad paalis.
"We need to talk." Seryoso niyang sabi na ikinabuntong-hininga ko na lamang. Wala na siguro akong magagawa kundi sabihin sa kaniya ang mga narinig ko.