Banayad na paghampas ng hangin ang tumatama sa aking mukha pagbaba ko pa lamang ng aking kotse. Saglit akong huminga ng malalim bago nagpasyang maglakad palapit sa puntod ni dad, at ng dalawa kong mommy. Hindi ko na matanda kung kailan noong huli akong pumarito. Basta ang alam ko lang ay may katagalan na iyon. The last time I’m here was when I told them that Aki’s in jail. Hindi ko na matandaan kung nasundan ba iyon. Siguro ay nagawa kong bumalik, hindi ko lang maalala dahil sa sobrang lungkot ng puso ko noon. Maingat kong inilagay ang tatlong bungkos ng bulaklak sa tatlong magkakatabing puntod. One for daddy, one for mommy, and one for mommy Elizabeth. Nang mailagay ko ang mga bulaklak ay marahan akong naupo sa damuhan. Pagkatapos niyon ay hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa akin

