Malayo pa man kami sa isla ay napansin ko na kaagad ang mga taong abala sa kung anong ginagawa nila. Kunot ang noong napalingon ako kay Akihiro. Naglalaro sa kaniyang mga labi ang isang ngiti. “What are those?” Tanong ko habang nakaturo sa mga tao at mga kiosk na nasa isla. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Akihiro. “I’m sorry kung hindi ko nasabi sayo ang tungkol sa resort. I want to surprise you.” Hati ang nararamdaman ko. May parte sa akin ang tila nalungkot sa isiping hindi na lamang kami at ang mga magulang namin ang makakasaksi sa kagandahan ng Paradise. Ganoon pa man, masaya ako dahil ngayon ay marami na kaming nakaka-appreciate sa kagandahan nito. Isang matamis na ngiti ang kumurba sa aking mga labi habang natatanaw mula sa bangkang kinalululanan ko ang islang mins
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


