(KASALUKUYAN) “Pinaalis ng mansiyon si Karla? Ano ang nangyari sa kanya? May ginawa ba siya? Narinig ba ng prince ang sinabi niya na tutulungan si Eleri na umalis ng mansiyon? Nagalit ba sa kanya si Kenichi?” sunod sunod na tanong ng ginang. Napangiti si Kiryu. “Opo, nagalit po si Kenichi. Sa kuwento pong ito, malaki ang ganap ni Karla. Ilang beses siyang naging daan para magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang prince at si Eleri. Sa palagay po ninyo, mapagkakatiwalaan ba si Karla?” “Aba’y oo. Hindi ba’t kaibigan siya ni Eleri?” Nakaramdam ng lungkot si Kiryu habang nakatingin sa ginang. Kinuha niya ang cellphone at hinanap sa search bar ang hitsura ng mga telepono noong panahon ni Kenichi at Eleri. Pagkatapos ay ipinakita niya ito sa ginang. “Alam n’yo po ba kung ano ito?” tanong

