IPINAGPATULOY ni Kenichi ang paghila ng laso para lumuwag ang pagkakabuhol ng kanyang suot na roba. Kasabay niyon ay nag-iwan ng maiinit na halik ang labi nito sa kanyang leeg at tainga bago iyon naglandas pababa sa bungad ng kanyang dibdib. Hindi pa man ay para na siyang masisiraan ng bait. Ang tanging nagawa ni Eleri ay ang iguhit sa kanyang imahe ang mga marka ng malalim nitong mga sugat sa katawan. Pinaglandas niya ang kanyang daliri sa mga nararaanang marka sa hubad nitong dibdib. Mga tahi ng malalim na sugat na halatang dumanas ito sa matinding paghihirap. Pinasadahan ng kanyang daliri ang isang hiwa na pinakabago sa lahat ng iyon. Ramdam niya ang init kahit pa kasalukuyan siyang nakasuot ng manipis na pantulog na gawa sa satin na bigay nito sa kanya. Naglalandas ang palad nito sa

