SA BULWAGAN matapos lumabas ng lahat at maiwan ang mga opisyal. Sinigurado ng mga guwardiya na sarado ang silid at wala kahit isa ang makaririnig sa pag-uusapan ng grupo. “We gathered twenty million dollars from the last quarter,” panimula ni Master Takayama sa salitang Hapon. “Mag-i-invest tayo sa Amerika para sa mas malawakang kita ng grupo natin. Magsisimula tayong makipag-coordinate sa isang telephone company. Kailangan nila ng sapat na pondo at ilalaan natin ang forty percent ng kapital ng Takayama-gumi sa nasabing business.” Sa tabi ni Master Takayama, naglabas ang abogado nito ng mga dokumento. Naglabas naman ng typewriter ang kalihim na lalaki sa kabilang panig nito. Itinipa nito sa mga letra ang plano at mga napag-usapan. Mayroon itong carbon para sa ikalawang kopya. “Ano? Lim

