KINABUKASAN. Tulad ng napag-usapan ni Eleri at Kenichi, sinamahan siya nito sa Ocean Marmalade, ang kanyang bar. Pinatulog na muna niya si Kiryu at saka ito pinabantayan kay Aling Riza para sa gabing iyon. Sigurado kasi siya na mangungulit ito at baka sumama pa sa kanila ni Kenichi. Isang mesa ang ginamit ng lalaki habang namamayani ang tunog ng musika sa loob. Isang shot ng brandy lang ang in-order nito at mga pagkain. Kinalabit siya ni Susan, ang kanyang manager sa bar na iyon. “Nag-aalala talaga ang daddy mo. Hinahanap ka niya sa akin kung saan wala akong maisagot. Kung mayroon akong ikinatutuwa sa mga nagaganap, iyon ay ang hindi mo pagpapakasal kay Michael… At saka, sino ‘yang kasama mo, ha? Ang pogi!” Nag-aalangan naman siyang sabihin dito na dinukot siya ni Kenichi. “Kaibigan.”

