NAKATANAW si Eleri sa asul na dagat. Mababa na ang araw kaya naman hindi na masyadong mainit ang sinag na humaplos sa kanyang balat. Nakaupo siya habang yakap ang kanyang binti. Si Kiryu naman ay nagtatayo ng kastilyong buhangin na isang metro lang ang layo sa kanya. Sariwa pa sa kanyang alaala ang ginawa nila ni Kenichi ng madaling araw sa araw na iyon. Matapos iyon ay hindi na nagpakita pa sa kanya ang lalaki dahil nagkulong na ito sa maliit na opisina. Nalaman na lang niya na umalis ito sa bahay nito at nagpunta sa kung saan na sigurado siyang may kinalaman sa business nito. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan ng lalaki. Hindi rin niya alam kung bakit nananatili pa siya dito gayong puwede naman siyang umalis at tumakas anumang oras. Kung tutuusin nga ay maluwag na ang nagbaba

