FIVE YEARS LATER. Nagkikislapan ang iba’t ibang kulay ng ilaw na naroon sa loob ng isang bar. Maingay na nagsasayawan ang mga tao habang pumapailanlang ang isang malakas na musika sa paligid. Pumasok ang isang grupo ng mga kalalakihan. Agad silang sinalubong ng may-ari nito. “Master Kenichi! Welcome! This way please…” Tuloy-tuloy ang grupo ni Kenichi sa pagpasok hanggang sa makarating sila sa isang pribadong silid. May sariling bartender doon na nasa isang panig. Mas malambot ang mga sofa at may ilang kababaihan na handang pagsilbihan ang kanyang grupo kapalit ng salapi. Walang emosyon na tinungo niya ang mahabang sofa at nagsalin ng alak. Dalawang babae kaagad ang umupo sa kanyang magkabilang panig. “Master, it’s our job. Let us serve you.” Kinuha nito ang bote mula sa kanyang

