NAIINIS si Eleri habang naroon siya sa silid nila ni Kenichi. Napakahambog ng Mateo na iyon! Akala niya kasi ay kasama ito sa meeting na tinungo ni Kenichi. Hinihiling niya na sana ay hindi malaman ng lalaki na nagkita sila ni Mateo sa restaurant at binastos siya nito. Ayaw niyang maging pabigat sa biyahe nila na iyon. Nasabihan na siya ni Kenichi na hindi maganda ang mga masasaksihan niya sa barkong iyon. “Eleri-san, are you alright?” nag-aalalang tanong ni Hana sa kanya nang mapansin na namumutla ang kanyang labi. Naroon na sila sa kanyang cabin. “I’m alright. I was scared earlier.” Tinungo nito ang gilid at nagsalin ng tubig sa baso. “Here, drink this.” “Thank you, Hana-san!” Naiinip na nga siya sa barko na iyon. Pakiramdam niya ay sampung araw na ang nakalipas kahit apat na ar

