MONTHS LATER. ROME, ITALY. Kenichi was holding Eleri’s hand. Kasalukuyan silang paakyat pasakay sa may kalakihang barko na patungong Hong Kong. Iyon ang transportasyon nila pabalik. Anim ang assassin na kasama ni Kenichi para maging bantay nila. May hawak na katana ang mga ito. Kasama si Hana na siyang umaasikaso kay Eleri. Ang mga ito ang may dala ng kanilang mga dala-dalahan. “Kailangan mong maging mapanuri sa lahat ng oras sa barkong ito. Hindi ko pinagkakatiwalaan ang isa sa mga sakay rito,” wika ng lalaki habang patungo sila sa silid na nakalaan sa kanila. “Sino? Para mapaghandaan ko,” tugon ni Eleri sa mahinang boses. “Si Mateo Vicenzo.” Saglit siyang nag-isip bago nilingon ang lalaki. “Gangster siya?” “Yes, hindi mapagkakatiwalaang gangster. He’s an Italian mafia. Lima n

