NABIGLA si Master Takayama sa sagot ni Kenichi. Nilingon ng matandang lalaki si Kento na naroon din sa silid. Nagparating ng kakaibang mensahe. Tumahimik na ang matanda at hinayaan si Kenichi na makabalik sa reyalidad. Hindi na ito nagdagdag pa ng panibagong katanungan dahil naguluhan din ito sa sagot ng apo. Ano ang tungkol sa sapatos at bakit naging mahalaga rito si Eleri? Samantala, sa isip ni Kenichi ay naroon siya sa isang paraiso. Kausap niya ang ama na matagal na rin na kinuha ng Panginoon. Ilang saglit bago siya tuluyan na nagkamalay at nakabalik ang huwisyo sa silid. Ramdam niya ang malamig na pawis na tumutulo sa kanyang katawan. Hinayaan niya ang sarili na titigan ang tubig na may langis sa kanyang harap para hindi mapansin na lumikot ang kanyang mata. Nakaramdam siya ba

