-MONICA EUNICE- Nagsimula ng magturo si Sir kaya nakinig akong mabuti. Kapapasok ko lang at huling lesson na agad ang naabutan ko. Mabuti na lang ay natalakay 'yan sa dati kong school bago ako lumipat kung 'di ay baka nganga ako ngayon. Pagkatapos ni Sir ay agad namang sinundan ng pangalawa naming teacher kaya hindi na kami halos nakatatayo sa kinauupuan namin. Seryoso kaming lahat sa pakikinig. Nang matapos ang pangalawa naming klase ay saka lang kami nakahinga nang maluwag. Ang sakit pala sa puwet kapag nakaupo ng halos dalawang oras. Napatingin ako sa dalawang babaeng lumapit kay Liezel. "Kailan natin uumpisahan ang feasibility natin?" tanong ng babaeng maikli ang buhok. "Bukas ng tanghali. Hindi ako puwede ngayon," sagot ni Liezel. "Sige, saan tayo gagawa?" tanong naman ng babaen

